Part 4

1886 Words
"Magkita ulit tayo ng 4pm sa parking taba, sure kanaba dyan sa paglalayas mo?", saad sa kanya ng kaibigan habang papasok sila sa building. May back subject pa siyang dadaluhan kaya hindi sila magsasabay neto. "Halata naman sa bag pack kong dala diba??", sabay ngisi niya, napatawa nalang din ito "Ikaw talaga, hindi naman na siguro mag-aabang si Angelo mamayang uwian noh?", "Hindi na yon tsaka kahit anong gawin niya hindi ako sasama sa kanya", "Nag-aalala lang ako, nakakatakot kase yung tingin niya kanina", "Wag mo na alalahanin yun, isusumbong ko yun kay Dad tingnan lang naten yung kayabangan niya", nakaungos niyang saad, "Hays, wag lang sana lumala yung sitwasyon mo taba. Hanggat maaga pa makipag ayos kana kay Tita siguro naman papakinggan ka non lalo't only daughter ka niya", "Kung sana ganon lang kadali magpaliwanag sa kanya", mahinang tugon niya bago sila nakarating sa loob ng kanilang Room. Napapailing na sinulyapan lang siya ng kaibigan, maswerte parin siya at nandito ito at umuunawa sa kanya. Natapos ang maghapon niya ng hindi niya namamalayan ang oras. Pagdating ng alas kwatro ay madali na niyang inayos ang gamit at nagtungo sa usapan nila ng kaibigan. Kailangan niyang magmadali dahil umaahon ang kaba sa dibdib niya pag naiisip na baka magtagpo pa ang landas nila ng binata, malakas ang kutob niya na haharangin na naman siya nito. Habang papalabas siya ng building ay isang mensahe ang natanggap niya sa kanyang cellphone, sa pag aakalang galing ito sa kaibigan ay dali dali niyang tiningnan. Galing ito sa Mommy niya at gusto nito na sumabay siya pauwi sa binata. I'm leaving and for a meantime Angelo will take care of you. Sandali pa siyang natigalan ng mabasa ang huling mensahe neto. Inis na dinialled niya agad ang numero ng kanyang Ina. "Hello?? Mom??", "Yes Celina?? did you receive my message?? I'm on my way to the airport, may business trip kami ng Daddy mo so Angelo will take care of you habang wala kami", "What??? hindi ko kailangan si Angelo Mom kaya ko na ang sarili ko", "Celina don't be stubborn anak, I want you to know Angelo better, and pagbalik namin ng Dad mo gusto kong nagkakamabutihan na kayo", "That's crazy Mom!! I can handle myself,!!", "I left you with Angelo, he will be with you and watch over you. Bye for now", Napamaang nalang siya ng biglang putulin nito ang tawag sa kabilang linya. Kaya naman pala malakas ang loob ng lalaking yon dahil dito siya iniwan ng kanyang Ina, hindi niya lubos maisip na maging ang daddy niya ay sumang-ayon din sa nais nito na iwan siya sa binata. "Let's just see", angil niyang saad at agad ng nagtungo sa parkingan. Hindi parin siya makakapayag sa gusto ng mga ito, kahit pa magpumilit ang binata. "You were just right in time, uuwi na tayo", nakangiti ng saad nito ng makasalubong niya ito sa parkingan. Sinamaan niya lang ito ng tingin, Pag minamalas nga naman siya kung kailan gusto niya itong iwasan. Hinanap pa ng tingin niya sa paligid ang kaibigan pero wala pa ang mga ito. "Alam mong hindi ako sasabay sayo Angelo, so please just leave me alone", "Iniwan ka sakin ng mga magulang mo Celina at hindi ko magagawa ang gusto mo, pinagbigyan lang kita kaninang umaga pero ngayon at ang susunod I'm sorry hindi na", "Excuse me?? anong tingin mo sakin bata? at kailan kapa nagkaron ng karapatan panghimasukan ang buhay ko??" iritang saad niya dito, napahakbang naman ito palapit sa kanya, nagulat pa siya ng hablutin nito ang kaliwang braso niya, umahon na ang kaba sa dibdib niya "Alam mong mabait ako pagdating sayo Celina pero wag mong sinasagad ang pasensya ko. You like it or not may karapatan ako lalo na sa pag mamay-ari ko", halos pabulong na saad nito sa kanya, napaangat naman ang tingin niya dito, hindi niya akalain na sa kabila ng kabaitan na pinapakita nito ay may demonyo pala itong katauhan na tinatago. Marahas na inalis niya ang kamay nito sa braso niya at agad itong itinulak palayo sa kanya. "Hindi mo ko pag mamay-ari!! Tumigil kana Angelo dahil kahit anong gawin mo hindi ako sasama-", Nagitla siya ng bigla siyang hablutin nito at kaladkarin papunta sa sasakyan nito. "Celina!!!", Napalingon naman siya sa kakarating niya lang na kaibigan kasama ang kasintahan nito. Bakas sa mukha ng dalawa ang pag-aalala habang hinahatak siya ng binata papunta sa sasakyan nito. "Ara!!!", "Get inside!!", nanlilisik ang matang saad sa kanya ng binata, nakaramdam naman siya ng takot kaya napasunod nalang siya sa sinabi nito. Napapikit siya ng bigla nitong binalibag pasara ang pinto, napatingin lang siya sa dalawa na walang nagawa sa pagtangay sa kanya ng binata. Madali nitong pinaandar ang sasakyan ng makasakay ito sa loob. "And this is the side of your's??", lulan ang luhang saad niya dito, ramdam niya parin ang bakas ng pagkakahawak nito sa braso niya "You force me to do that to you, kung sana nakikinig ka lang", "Itigil mo, hindi ako sasama sayo!", Muling nag-igting ang panga nito habang nakatuon ang tingin sa pagmamaneho, tila nagtitimpi ulit ito ng pasensya sa kanya "Ano bang problema mo huh? bakit ba nag iinarte ka pa? for god's sake Celina ang tagal ko ng nagtitimpi sayo", "Ikaw ang problema ko!!! kayo ng mga magulang ko!!, masyado niyo kong pinangungunahan sa gusto ko! alam mong hindi ko gusto ang pagpupumilit nila satin pero ikaw nagsusunod sunuran ka sa gusto nila!!", "Stop it Celina, alam mo ang sagot dyan. Matagal na kitang gusto ano pa bang gusto mong patunayan ko sayo?? bakit hindi mo kayang tanggapin ako dyan sa puso mo?? ", "Alam mo rin ang sagot ko dyan Angelo!!, kaya itigil mo tong sasakyan!!!", "Damn you," mahinang bulong nito na abot sa pandinig niya, namamasa narin ang mga mata nito habang mahigpit ang pagkakahawak sa manubela, "Itigil mo na kase to at bababa ako!!!!", pagpupumilit niyang saad dito saka nakipag agawan sa pag kontrol ng manubela dito, "Ano bang ginagawa mo!!! mababangga tayo!!!", angil nito habang pinipigilan siya, pero hindi na kinakaya ng kalooban niya wala na siyang pakialam kung mapahamak sila ang gusto niya lang ay makaalis sa sasakyan nito,, "I said stop it!!!,", "Celina ano ba!!!!", Parehas silang napamaang ng isang malaking truck ang nasa unahan nila na nakatigil hindi agad ito napansin ng binata kakaagaw niya ng manubela kaya bago pa sila sumalpok dito ay mabilis nitong nakabig pakanan dahilan para sumalpok sila sa isang poste. Napadaing siya sa sakit ng mangudngod siya sa unahan, hindi agad siya nakakilos dahil sa bilis ng pangyayari. "Ahh, shitt!! Celinaa!", Narinig niya pang saad ng binata sa tabi niya, nang magdilat siya ay nanlalabo ang paningin niya, pero agad niyang iginalaw ang kamay para matanggal ang seat belt niya, nasa isip niya parin ang makaalis sa tabi nito. Bago pa siya makatayo ay mabilis naman silang nadaluhan ng saklolo. Ilang sandali pa ay may dumating agad na ambulansya at parehas silang tinulungan para madala sa malapit na hospital. Nahihilo pa siya ng maisakay sa loob ng ambulansya, pero agad rin naman siyang inasikaso ng mga medic na sakay ng mga ito. Pagdating sa hospital ay agad siyang inasikaso mula sa sugat niya sa noo at ilang galos. Hindi naman ganon kalala ang lagay niya kaya sandali lang siyang nanatili doon. "May masakit pa po ba sainyo Mam? yung ulo niyo po masakit pa po ba?", muling tanong ng Nurse na nag asikaso sa kanya "Hi-Hindi na, y-yung kasama ko Nurse nasaan siya? kamusta ang lagay niya?", "Nasa ER parin siya Mam, medyo malalim yung sugat niya sa noo kaya kailangan tahiin so far ok naman ang lagay niya, patapos narin siguro sila", Nakahinga siya ng maluwag ng malaman ang lagay nito, naguguilty siya sa ginawa dahil sa kanya kaya sila naaksidente. Akmang tatayo siya ng pigilan nito ang braso niya "Wait lang Mam, magstay muna kayo sandali dito ichecheck pa po kayo ni Doc Lee", "Huh? o-okay nako Nurse, hihintayin ko nalang sa labas yung kasama ko", aniya at agad tumalikod dito. Nang matiyak niyang nasa maayos naman ang lagay ng binata ay nagpasya na siyang umalis ng hospital. Binalikan niya muna ang gamit niya na naiwan sa ER at agad binitbit ang bag pack niya palabas ng pasilyo, pero bigla siyang natigilan ng makita ang lalaki na naglalakad palapit sa kanya. Napamaang siya ng matitigan ang mukha nito habang papalapit ng papalapit sa gawi niya, pakiramdam niya ay na statwa siya sa kinatatayuan ng makilala kung sino ito. Ang lalaki sa kinalolokohan niyang Portrait!!! hanggang sa lumagpas ito sa gawi niya. Agad niya namang nilingon ito, papunta na ito sa basement area kasama ang isang lalaking may bitbit na bagahe. "S-Sandali!!!", aniya at agad sumunod sa mga ito pero bigla itong nawala sa paningin niya. Mabilis niya naman na inikot ang tingin sa paligid at nahagip ng paningin niya na naroon ang mga ito sa bandang dulo kaya patakbong sinundan niya ang mga ito pero natigilan siya ng makita sa unahan ang bagong dating na binata habang may kausap sa telepono. Agad siyang nagtago sa ilang sasakyan na naroon, mabuti nalang at medyo madilim sa paligid hindi agad siya napansin nito. "Yeah, nandito pako sa Hospital,, hinahanap ko pa si Celina at hindi ako uuwi ng hindi siya kasama", Narinig niyang saad nito, napalunok nalang siya sa isang tabi, muli siyang kumilos papunta sa dulo kailangan niyang maabutan yung lalaki kanina. Hindi siya pwedeng magkamali, ito ang lalaki dun sa portrait. Hindi niya alam pero may nag uudyok sa kanya na sundan ito at muling siguraduhin kung ito nga ba talaga yung lalaki na matagal na niyang gustong makita. "Okay na lahat Sir diretso naba tayong batangas ngayon?", "Yeah, sa Rest House tayo tutuloy", Natigilan siya ng marinig ang malamig na boses nito, isang sasakyan lang ang agwat niya sa mga ito, hindi na niya narinig pa ang boses nito dahil mukang sumakay na ito sa loob ng sasakyan. "Nak ng pucha may naiwan pala ako dun sa guard, sandali lang Sir Harry babalikan ko lang", Muling saad ng kasama nito, wala naman siyang narinig na tugon sa binata nakita niya nalang ang papaalis na kasama nito. "Harry?", ani ng isip niya habang nanatiling nakatayo, nasa loob ng sasakyan na yun ang lalaki sa portrait. Ano naman ngayon? hindi naman siya kilala nito, kung magpapakilala naman siya anong sasabihin niya? na siya yung patay na patay sa portrait nito?? Napailing siya sa naisip pero bigla siya kinabahan ng makarinig ng papalapit na kaluskos. Hindi niya alam kung anong naisipan pero agad siya nagtungo sa likod ng sasakyan at binuksan ang compartment nito at doon pinagsiksikan ang sarili. Kailangan niya rin makaalis palayo kay Angelo, kung saan man siya dadalhin ng sasakyan na ito ay tiyak niya naman na malayo sa binata at hindi na siya nito makikita. Narinig niya nalang ang pag andar ng makina ng sasakyan at ilang sandali pa umandar na ito paalis. Nakahinga siya ng maluwag, pansamantala ay malalayo na niya ang sarili sa nais ng kanyang mga magulang. Isa pa kasama niya ngayon ang lalaki na akala niya ay likhang isip lamang, ang mukha ng lalaki na nasa portrait ay totoong tao at sobrang saya ng puso niya sa kaalamang iyon. Wala na siyang pakialam sa pwedeng mangyari sa pag alis niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD