Part 17

2115 Words
Kanina pa sila sa gilid ng kalsada at naghihintay dun sa kausap ni Kuya Bigs na mekaniko, kung kailan siya nagmamadali ay bigla naman nasiraan sila ng sasakyan. mag iisang oras na silang naka stanby dito naiinip na siya kaya lumabas muna siya. Abala naman si Kuya Bigs sa kausap nito sa telepono. Muli siyang sumulyap sa suot suot na relo, malelate na siya sa meeting niya. Nagsabi narin naman siya sa secretary niya na iadjust ang meeting niya after lunch. "Matagal pa ba Kuya Bigs?", tanong niya ng makalapit dito, "On the way naraw Sir, tawagan ko po ulit", napatango nalang siya dito at nagawi ang tingin niya sa kabilang kalsada. Isang babae na kakababa lang ng tricycle ang nahagip ng tingin niya, matapos nitong makapagbayad ay kinakausap pa nito ang driver. "Celina??", nagtatakang saad niya, sinundan niya ito ng tingin habang nag aabang ito ng masasakyan. Nang tingnan niya naman si Kuya Bigs ay abala parin ito sa pakikipag usap sa telepono. Mabilis na humakbang ang mga paa niya papunta sa dalaga, saan kaya pupunta ito? hindi kaya babalik na itong Manila? pero may usapan sila na mananatili muna ito sa Rest House hanggat wala pa ang mga magulang nito. Isang Bus ang tumigil sa kalsada at nagsakayan ang mga pasahero, nakita niyang nakasakay narin ang dalaga. "Lrt Buendia!! Buendia!!", sigaw ng konduktor, pa Makati pala ang way nito, kusa naman na humakbang ang mga paa niya pasunod dito. Kasunod niya ang konduktor ng makaakyat siya at nagsimula narin umandar ang Bus. Sandali pa siyang natigilan sa kinatatayuan, ito ang unang beses na makakasakay siya ng public transportation. "Marami pang bakante Sir, pasok lang po sa loob", wika nito kaya napahakbang siya, muntik muntikan pa siyang ma out of balance habang tumatakbo ang bus. Inangat niya naman ang tingin at hinanap kung saan nakaupo ang dalaga, nang makita niya na nasa bandang dulo ito ay humakbang na siya papunta sa gawi nito. Hindi niya alam kung ano ang naisipan bakit siya sumakay dito pero parang may sariling pag iisip ang mga paa niya na sundan ang dalaga. Tatawagan niya nalang mamaya si Kuya Bigs. Tahimik siyang naupo sa tabi nito, tila malalim ang iniisip nito at nakatuon lang ang tingin sa labas ng bintana. Nasa tatlong upuan sila at may space pa sa pagitan nila. Hindi niya naman magawang umimik dito, hanggang sa nasa tapat na nila ang konduktor. "Saan po kayo Mam??", "Kuya paki baba hoh ako sa Terminal ng Buendia", sabi nito, tumango lang ang konduktor at nagbigay ng resibo. Nag abot naman isang libo ang dalaga, "Wala po ba kayong barya Mam?", "Wala po kuya eh,", "Sige wait lang po, kayo Sir saan po kayo??", Nang sulyapan niya ang dalaga ay nakatuon na ang tingin nito sa labas ng bintana, "Same with her", aniya saka kinuha ang wallet niya, wala siyang small bills at puro isang libo. Kumuha siya ng isa at iniabot sa konduktor "Eh buo rin?? wala hoh ba kayong mga barya??", kamot ulong saad nito, "Keep the change", mahinang saad niya, napanganga naman ito sa sinabi niya habang inaabot sa kanya yung resibo. Hindi parin ito umaalis sa harap niya kaya kinuha niya nalang ang shade na nakalagay sa coat niya at isinuot, mukhang hindi naman siya napapansin ng katabi niyang dalaga kahit pa sulyapan niya ito. "Seryoso ka Sir ah, sige salamat", napatingin lang siya sa konduktor na humakbang na paalis. Nang sulyapan niya dalaga ay nakayukyok na ang ulo nito sa bintana, mukhang nakatulog na ito. *** Habang nasa byahe ay sobra sobra ang pag-aalala niya, naroon ang takot na muling magtagpo ang landas nila ni Angelo at kung ano naba ang kalagayan ngayon ng kanyang mga magulang. "Eh buo rin?? wala hoh ba kayong mga barya??" narinig niyang saad nung konduktor sa katabi niya. Napabuntong hininga nalang siya, nang subukan niya kaninang mag withdraw sa credit card niya ay na decline ang card niya. Buti nalang at dala niya ang savings account niya at nakapag withdraw pa siya ng five thousand. "Keep the change", sagot naman nung katabi niya, ipinilig niya nalang ang ulo sa may bintana habang ang tingin niya ay nasa labas. Ang sarap din pala sa pakiramdam ang sumakay sa mga ganito, kahit papaano ay narerelax siya pero hindi niya pa alam kung ano ang dadatnan pagdating sa kanila. "Bakit ka aalis Celina may nangyari ba???", nagtatakang saad ni Manang Becky ng magpaalam siya dito "'May nangyari lang po sa bahay Manang Becky, kailangan ko pong umuwi muna pero babalik po ako, paki sabi po kay Sir Harry na babalik din ako", "Osige mag iingat ka. Tumawag ka okay??" Napabuntong hininga ulit siya, ngayon niya hindi sigurado kung makakabalik paba siya. Hanggang sa nakatulog siya, naramdaman niya nalang na sobrang lamig ng paligid. Wala nga pala siyang nadalang jacket, akap akap niya ang sarili at nilalabanan ang antok at lamig, pero ilang sandali pa ay wala na siyang lamig na naramdaman, may kung anong bagay na lumapat sa kanya at hindi na niya inabala na idilat ang mga mata. "Oy Miss!! gising,, nandito na tayo sa Terminal ng Bus. Buendia", narinig niyang saad nung konduktor kaya napadilat siya. Saka niya napansin ang coat na nakakumot sa kanya, nagtataka na inangat niya ito,, kanino ito?? "Eto pala ang sukli mo," sabay abot nito sa pera, akmang tatalikod ito ng pigilan niya "S-Sandali, kanino itong??" aniya habang hawak yung hindi sa kanyang Coat, napakibit balikat naman ito at tumalikod na. Kinuha niya nalang ang kanyang bag pack at isinuot sa likod niya bitbit ang coat na hindi niya alam kung kanino. Hindi kaya dun sa katabi niya kanina? dun sa galanteng lalaki na nagbayad din ng buo at hindi na kinuha ang sukli. Pagbaba niya ng bus ay sumalubong sa kanya ang mainit na paligid ng terminal. Inikot niya ang tingin sa paligid, wala siyang makita na naka pants kakulay ng coat na hawak niya. "Hello Ara?? Oo nandito nako sa terminal, ganon ba. Sige mag tataxi nalang ako,, Oo okay lang,, salamat", napailing nalang siya, hindi siya masusundo ng kaibigan dahil hindi raw pumayag ang Mommy nito na ipagamit sa kanya ang sasakyan. Wala siyang choice kundi ang magtaxi pauwi sa kanila. Madali naman siyang nakakuha ng masasakyan at agad na nagpahatid sa subdivision nila. "Manong sundan mo yung taxi na yon," saad niya dun sa driver na agad rin namang sumunod sa sinabi niya, bitbit parin ng dalaga yung coat na kinumot niya kanina dito. Malakas ang aircon sa bus at napansin niyang nilalamig na ito kaya hinubad niya ang suot na coat at kinumot dito. "Terminal na Terminal!!", wikang saad nung konduktor, isa isa namang nagbabaan na yung mga kasama nilang pasahero pero ang katabi niyang dalaga ay tulog pa. Hindi parin siya tumatayo sa kinauupuan niya "Sir Terminal na po", sabi ulit nito, sinulyapan niya ulit ang dalaga, hahawakan niya sana ito para gisingin pero natigilan siya. Tumayo nalang siya at humakbang pababa, aabangan niya nalang ito na makababa, tiyak niyang magtataka ito sa iniwan niyang coat. Ilang sandali pa ay nakita na niya itong bumaba ng bus na tila may hinahanap, nang tumigil ang isang taxi sa harapan niya ay sumakay na siya "San hoh kayo Sir??", tanong nito habang nasa labas parin ang tingin niya, dun sa dalaga habang may kausap sa telepono, nag para narin ito ng taxi kaya naisipan niyang sundan nalang ito. Habang papasok sa subdivision nila ay lalo siyang kinakabahan, matapos niyang makapagbayad ay agad rin siyang bumaba ng taxi. "Mam Celina!!, Mam Celina mabuti naman po at umuwi na kayo!", bungad na saad sa kanya ni Manong Guard, "Kuya?? Kuya anong nangyari??" "Mam may mga tao po sa loob ng bahay, taga bangko raw po sila", saka niya napansin ang isang sasakyan na nakapark sa loob hindi na niya pinakinggan ang sinasabi nito. nagmadali na siya patakbo sa loob ng bahay nila. "Mam Celina!!!", namamasa naman ang mga mata na sinalubong siya ng kasambahay nila na si Ate liza. Bitbit nito ang ilang bagahe. "Ate Liza!!", Isang babae naman ang nakita niyang naka uniporme kasama ang dalawa pang lalaki. "What's going on?? who are you??" aniya ng makalapit ang mga ito "Ms. Galvez?? I'm Cristina Sanchez from Bank Corporate," sabay abot ng kamay nito sa kanya pero tinitigan niya lang iyon "I'm so sorry to say Ms. Galvez but this house is owned by the bank. Here's the contract from your Dad Mr. Julius Galvez na isa ang inyong bahay sa kanyang collateral", Nanginginig ang kanyang kamay habang binabasa ang nakalagay sa contract. Once na hindi mabayaran ang amount na inutang kasama ang interest ay ilang property nila ang nakasangla dito at last month ang binigay na palugit ng mga ito. Kusang nagbagsakan ang mga luha niya, wala siyang alam na kaming ganitong contract ang kaniyang mga magulang. Masyadong malaki ang halaga at hindi niya alam kung saan at paano, "Matagal ng hindi nakakapagbayad si Mr. Galvez and we tried many times na ma reach out sila about this confidential matters and we have no choice Ms. Galvez, we have the authority now to claim the said properties", Tuloy lang sa pag agos ang kanyang luha, kaya pala decline ang ibang mga cards niya dahil may malaking problema na kinakaharap ang kanyang pamilya, pag aari na ng bangko ang bahay nila maging ang iba nilang properties na nakasaad sa contract. Huling usapan nila ay hindi na sila maaaring magstay pa sa bahay, kailangan na nilang umalis maging ang kanilang katulong at wala silang gamit na maaaring dalhin. Binigyan siya nito ng isang araw para maayos niya ang mga personal niyang gamit. Wala siyang nagawa kundi pumasok sa loob ng kanyang silid, napaluha siya ng mailibot niya ang tingin sa paligid hindi niya akalain na magiging ganito ang kahihinatnan ng lahat. Sa isang iglap biglang nawala sa kanya ang lahat, ang mga magulang niya na hanggang ngayon ay hindi niya alam kung nasaan na at kung ano ng sitwasyon. Ang kanilang bahay na kinalakihan niya maging ang mga pinaghirapan ng kanyang mga magulang. Ilang sandali siyang napahagulhol ng iyak habang inaayos ang kanyang mga damit. Yung mga importante lang ang inilagay niya sa kanyang malaking bagahe dahil hindi niya makakaya na madala ang lahat. Hindi niya rin ngayon alam kung saan siya pupunta, wala na silang babalikan na mag anak. "Mam Celina", umiiyak naman na saad ni Ate Liza, bitbit nito ang sariling bagahe. "I'm so sorry Ate liza", nahihiyang saad niya dito, alam niyang wala ng ibang matutuluyan ang ginang, agad niyang dinukot ang natitira niyang pera at ibinigay dito,, "Naku Mam, kayo ang inaalala ko. Okay lang po ako meron pa naman akong natatabi na pera dito", umiling naman siya at pilit na inilagay sa palad nito ang pera. "Sige na Ate Liza, wag niyo po akong alalahanin. Mag iingat po kayo, pasensya na po ulit. Marami pong salamat sa serbisyo ", napatango naman sa kanya ang ginang habang nagpupunas ng luha. "Mag iingat po kayo Mam Celina", wika rin sa kanya ni Manong Guard, maging ito ay huling araw narin sa trabaho nito. Inabot niya rin dito ang limang libo na nakuha niya sa sariling drawer. "Salamat rin sa serbisyo niyo Kuya,", Muli siyang napaluha ng makita ang karatola na nakalagay sa labas ng gate nila. "This Property is For Sale", Pinunasan niya agad ang luha sa kanyang pisngi, siya ang huli na nagpaiwan matapos magpaalam ni Ate Liza niya at Manong Guard. "Sir?? magtatagal pa po ba tayo??", untag sa kanya ng Driver, parang pinipiga ang dibdib niya habang nakatanaw sa dalaga di kalayuan. Tahimik itong umiiyak bitbit ang malaking bagahe nito, napansin din niya ang karatola na nakalagay sa malaking gate ng mga ito. "Nobya niyo ba yon Sir? bakit hindi niyo lapitan? kesa nagtatago kayo dito", muling saad nito sa kanya, "Hssh,, how much will I pay for the whole day??" "h-hah?? buong araw ba kamo??", "Tsk,," kinuha niya naman ang wallet at kumuha ng ilang libo. Nasa sampung libo ang bilang niya na agad iniabot dito, "Here, take it,, just give me more time", kinuha naman nito ang inabot niya,, saka niya binalik ang tingin sa dalaga, hindi niya magawang igalaw ang mga paa para lapitan ito "Sobra sobra ito Sir, ihahatid ko narin kayo kung san kayo uuwi", hindi niya lang pinansin ang sinasabi nito hanggang sa napansin niya na kumilos na paalis ang dalaga, "Umaalis na siya Sir? bat di niyo pa kase siya lapitan??", "Fine follow her" saad niya nalang dito. Hanggang sa makalabas sila ng subdivision. Nanatili lang sila sa kabilang kalsada habang naghihintay sa susunod na gagawin ng dalaga. Pansamantala itong nakaupo sa waiting shed at lulan parin ng luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD