Part 14

2195 Words
Nang magising siya kinabukasan ay nadatnan niyang abala sa kusina si Manang Becky at Boss B kaya nagmadali siya na nilapitan ang mga ito para tumulong sa ginagawa ng mga ito. "Good Morning, Happy Birthday Boss B!", nakangiti niyang bati dito, "Oy Celina goodmorning, akala ko nakalimutan mo na eh. Dun namin dadalhin itong mga pagkain sa kubo at dun tayo magcecelebrate", "Wow talaga? pasensya na boss b, nawala yung regalo ko sayo", kakatakbo niya kahapon ay hindi na niya alam kung saan na napunta yung bitbit niyang pang regalo dito, inakbayan naman siya nito "Ano kabang bata ka, mas inisip mo pa yon. Ang mahalaga eh ligtas kang nakabalik dito", wika naman nito "Wag mo ng alalahanin ang bagay na yon Celina, marami pa namang kaarawan na darating si Joselito bawi ka nalang sa sunod", saad naman ni Manang Becky kaya napangiti lang siya sa dalawa, "Sige po, tulungan ko napo kayo dyan", "Marunong kaba maghiwa nito Celina?", tanong nito sabay turo dun sa kamatis at sibuyas na ipanglalagay sa tyan ng iihawin nilang bangus at pusit "Oo naman Boss B, kayang kaya ko yan", aniya saka kumuha ng sangkalan at plato, "Baka pati daliri mo masama hiwa hah? matalim iyang kutsilyo" natawa lang siya dito habang kinukuha niya ang mga sibuyas at kamatis para hugasan. Ngayon niya lang ito gagawin dahil kadalasan pag nagluluto ang Mommy niya ay nanunuod lang siya. Muling naging abala naman ulit ang dalawa sa pagluluto, nang matapos ang mga ito ay nagpaalam naman si Boss B na dadalhin na nito dun sa mga kubo ang ilang mga pagkain. "Manang Becky? gising na po kaya si Sir Harry?" tanong niya habang naghihiwa ng kamatis "Gising na siguro yon, nagsabi siya na maaga siyang luluwas ngayon ng Manila para bisitahin si Mam Clara", "Uhm ganon po ba?", payak na napangiti naman siya, mahal na mahal siguro nito si Mam Clara nang maalala niya na ito nga pala ang naging Donor nito ay mas lalo siyang humanga sa binata, pero nalulungkot din siya sa sinapit nito na sa kabila ng lahat ay hindi parin ito napili ng taong pinakamamahal nito. "Celina ihahatid ko lang ito sandali kay Joselito, ang matandang yon talaga napakamalilimutin", napatango lang siya dito at sandaling hininaan ang apoy sa gas stoove. "Pag bumaba si Sir Harry handaan mo nalang siya ng paborito niyang kape, meron ng mainit na tubig dyan", muling saad ng ginang bago nagmadaling lumabas bitbit ang ilang mga kaldero. "Mga bata palang sila matagal ng minamahal ni Sir Harry ang Mam Clara, malapit din kase si Mam Clara sa yumaong lola ni Sir, akala ko nga talaga ay sila na ang magkakatuluyan eh", Naalala niya ulit na sinabi ni Boss B ng minsang magkakwentuhan sila medyo nadismaya siya ng malaman na may mahal na itong iba pero nasaktan din siya ng malaman ang kabiguan nito para sa babaeng minamahal. Napabuntong hininga nalang siya, kung siguro siya yon hindi niya magagawang saktan ito. Kung sana siya nalang ang taong yon, napaangat naman ang tingin niya ng mapansin ang pagbaba ng binata sa hagdan, natulala na naman siya sa kagwapuhan nito. Simula ng makita niya ang mukha nito sa portrait ay kakaiba na ang naging dating nito sa kanya. Oo labis siyang humanga sa angking kagwapuhan nito at hiniling niya rin na sana maging totoo ito na makita at makilala niya. At hindi nga siya nagkamali, naging mabait ang tadhana sa kanya at gumawa ng paraan na makita ito ngayon sa kanyang harapan. Hindi lang labas na kaanyuan nito ang nakakahanga kundi ang kabutihang loob nito. Wala na nga yata siyang maipipintas pa sa binata, nakapa perfect nito at tingin niya ang hirap ng abutin nito. Sa kagaya niya na walang ibang pangarap sa buhay, pasakit siya sa mga magulang at wala rin siyang maipagmamalaki dito. Wala siyang panama sa mga babaeng nakapaligid dito dahil ang pangarap niya lang naman ay ang makasama ito. Napaimpit siya ng maramdaman ang matulis na humiwa sa daliri niya. Nataranta siya ng makita ang dugo sa kamay niya, takot siya sa dugo kaya dali dali siyang nagtungo sa lababo at binuksan ang gripo. Pinaagas niya sa tubig ang nahiwa na daliri, ng muli niyang tingnan ay hindi parin ito tumitigil sa pagdurugo. "Ays naman!!!,", nakapikit niyang saad, "Okay ka lang ba Celina?", narinig niyang tanong ng binata mula sa likuran niya kaya napalingon siya agad dito. Nakabihis na ito at mukhang paalis na "O-Oo Sir ayos lang. Sandali po at igagawa ko kayo ng kape", Napatingin lang ito sa kanya, ng sa tingin niya ay okay na ang sugat niya sa daliri ay kumuha ng tasa para igawa ito ng kape. Nang mailapag niya ang tasa ay nagulat naman siya ng kunin nito ang kamay niya napatingin ito sa daliri niya na dumudugo pa. "Ah,,", "Don't move, malalim yung sugat", wika nito, natigilan naman siya ng bigla itong tumalikod at sinundan niya lang tingin, ayaw na siguro nitong uminom ng kape dahil nakakita ng dugo. Tumalikod nalang ulit siya pabalik sa lababo para muling hugasan ang daliri niya. Kukuha sana siya ng tissue ng pagharap niya ay pabalik na ulit ang binata sa gawi niya bitbit ang isang first aid kit. Ipinatong nito ang box sa lamesa saka binuksan. "Next time be careful, the hospital is far away from here" saad nito saka kumuha ng bulak at nilagyan ng betadine, hindi agad siya nakakilos ng kunin nito ang kamay niya at marahang dinampian ang parteng may sugat. Natulala nalang siya dito kasabay ng pagkabog ng dibdib niya, parang blessing in disguise pa ang nangyaring pagkahiwa sa daliri niya dahil napalapit siya ng wala sa oras dito Matapos nitong malagyan ng betadine ay binalutan naman nito ng gasa ang daliri niya. "T-Thank you Sir", kinakabahang saad niya, nabibingi narin siya sa tambol na nasa dibdib niya. Ngumiti lang ito at tumango, niligpit na nito ang first aid kit bago tumalikod ulit. Napabuntong hininga nalang siya, ramdam niya pa ang malambot na palad nito sa kamay niya. Kung pwede sanang ako nalang... Ako nalang ang magmamahal sayo Sir Harry... piping saad ng isip niya. Ipinilig niya nalang ang ulo at pinagpatuloy ang pag timpla sa kape neto, pero napansin niya na dumiretso na ito palabas kaya dali dali niya naman itong sinundan bitbit ang tasa ng kape nito. "S-Sir Harry!!!," Napalingon naman ito sa kanya, tumigil siya ng makalapit dito saka iniabot ang tasa ng kape dito "Y-Yung kape niyo Sir", Napangiti naman ito at kinuha ang tasa sa kamay niya. "Thank you Celina. Pakisabi nalang kay Kuya Bigs at Manang Becky na umalis na ko", wika nito saka humigop ng kape, tumango naman siya dito "Magtatagal po ba kayo sa Manila Sir?? uuwi din po ba kayo mamaya?", "I might stay for a few days", natigilan naman siya at muling napatitig dito, bigla siyang nalungkot sa narinig, doon naba ito mananatili? "P-Pero Sir magaling na po ba ang sugat mo?", tumango naman ito, "Yeah, and thanks for your help Celina", pinagmasdan niya lang ito habang umiinom ng kape, hindi na magiging masaya ang pananatili niya dito kung wala na ito, "Walang anuman yon Sir,, pag kailangan niyo ng Assistant libre ako", napangiti naman ito sa kanya "Are you okay here?, pag may problema sabihan mo ko agad", tumango tango naman siya, ayaw parin talaga nito na maging Assistant siya. "And Celina one more thing", "Sir?", "I'll call you the next day", wika lang nito saka inabot ang tasa sa kanya, natulala naman tuloy ulit siya dito, ano raw tatawagan siya nito? "Alis nako,", Napatango nalang siya at sinundan lang ito ng tingin hanggang sa sumakay na ito sa loob ng sasakyan. Naiwan parin siyang nakatulala sa papaalis nitong sasakyan. Napahawak siya sa dibdib ng tuluyan itong nakaalis sa paningin niya. I'll call you the next day,,, Bakit next day pa? bakit hindi pa bukas? saad ng isip niya saka pumasok pabalik ng kusina. Sana naman bumalik ito kaagad at magbago ang isip na wag ng manatili sa Manila. "Celina kamusta? tapos kana ba dyan? umalis na pala si Sir Harry nakakahiya tuloy", napalingon lang siya sa kadarating lang na si Boss B, "Bakit Boss B?, mukang nagmamadali si Sir Eh", "Kadalasan kasi ako talaga ang nagmamaneho sa kanya kahit saan siya magpunta. Pakiramdam ko tuloy wala na kong kwenta sa kanya", "Huh? hindi naman siguro Boss B, baka pinagbigyan ka niya dahil birthday mo ngayon", "Hindi talaga eh, dati naman hindi eh. hay nako", "Wag kana magdrama dyan Joselito, diba kamo parating na yung mga kumpare mo?", saad naman ng kadarating lang na si Manang becky "Oo nga pala. Birthday ko kaya bawal magdrama si Celina kase mukang nalulungkot sa pag -alis ni Sir Harry", "Lah? hindi ah!, medyo lang", mahinang saad niya "Oh kita mo na Becky! yang alaga mo pumapag—" "Ano yunnnnn????", sabay turo niya sa labas kaya napatingin ito sa tinuro niya, natawa lang tuloy ang ginang sa kanila. "Oh may tumatawag sayo Joselito", "Oy! Si Sir Harry oh teka, Hello Sir", Napasunod naman ang tingin niya dito habang may kausap ito sa telepono "Ah babalik kayo Sir?? hindi na kayo tutuloy ng Manila??? Ah mabuti naman Sir, mukang nalulungkot si Celina na wala kayo dito eh hehehe", Nanlaki naman ang mata niya sa narinig na sinabi nito. "Sige Sir babye na Sir",, sabay ngisi nito na humarap sa kanya, "Babalik si Sir??? di nga Boss B???" sabik na saad niya, lumakas naman ang pagkakatawa nito, "Oo babalik siya sa susunod na linggo HAHAHA", napasimangot tuloy siya dito, akala niya pa naman. "Ikaw talagang bata ka!! masyado ka ng halata kay Sir Ah", "Parang Crush lang eh", mahina namang saad niya, kahit pa alam niya sa sarili na hindi lang ito simpleng pagkahanga. Nalalim na ang pagkagusto niya sa binata "Siguraduhin mong Crush lang yan ah aba ke bata bata mo pa. Teka nga sunduin ko lang yung pogi kong kumpare at baka maligaw", "Mabuti pa nga para may katulong tayo magbitbit netong ibang pagkain", saad naman ni Manang Becky "Nariyan narin yung pamangkin ko na sinasabi sayo. Celina, tiyak magkakasundo kayo nong makulit na yun" "Talaga Boss B? buti naman at may makakasama akong bagets", "Nagugurangan kana ata samin ni Becky bata", "Ikaw lang ang gurang Joselito kita mong nadagdagan na naman ang edad mo", -Manang Becky "Lakas mo rin mang-asar Becky eh, dyan na nga muna kayo", paalam nito bago umalis, nagkatawanan lang sila ng Ginang pero may bahagi ng puso niya ang nalulungkot na wala sa paligid ang presensya ng binata. Hanggang sa natapos na sila sa ginagawa at hinahakot nalang nila ang mga pagkain at gamit na gagamitin. "Oy Celina eto nga pala ang sinasabi ko sayong pamangkin ko si Rose, Rose si Celina ampon ko", pakilala nito sa babae na nakangiti sa kanya, agad naman nito inabot ang kamay sa kanya "Hello Celina, ikaw pala itong kinukwento ng barbero kong tito", "Hi, Rose", "May kasama pa ko wait lang nasa labas pakilala kita", napatango lang siya habang nakangiti na pinagmamasdan ang mga ito, "Celina ito naman yung pinsan ko si Kent, at ito naman si Jimmy boyfriend ko", "Ano kamo boyfriend mo? hindi ko pa ata nakikilatis yan??", biglang singit naman sakanila ni Boss B kaya nagkatawanan sila "Nakilala mo na toh last year!", "Ipakilala mo ulit sakin mamaya ng makaliskisan ko", "Lah? ganyan ba talaga pag nadadagdagan ang edad? nag uulyanin na?", birong saad naman ni Rose, tingin niya ay makakasundo niya ito kagaya rin ito ni Boss B at Manang Becky na hindi mahirap pakisamahan. "Birthday ko ngayon Rose kaya wag mo kong inaasar asar, oh boys dalhin niyo na toh para doon na tayo sa beach", Agad naman tumalima ang dalawang lalaki dito at binuhat ang upuan at lamesa. Bitbit naman nila ang mga plato at baso. "Buti Celina hindi ka naririndi sa bibig ng tiyo, dinaig pa kase niyan ang babae kakaputak eh", tatawa tawang saad nito habang papunta sila sa kubo. "Hindi naman, ang bait ni Boss B para kupkupin ako dito. Hindi lang siya kundi pati si Manang Becky at si Sir Harry", aniya at sandaling natigilan ng maalala ang binata, "Si Sir Harry ba kamo? naku sinabi mo pa,, hindi lang yon saksakan ng gwapo kundi sobra ring bait,, yang pinsan kong si Kent ay scholar niya sa Manila", sabay turo nito dun sa maputing binata na pinakilala niya kanina, napatango naman siya lumapit naman sa gawi nila ang binata "Akin na yang dala mo Celina", saad nito saka kinuha sa kanya ang ilan niyang bitbit, hinayaan niya naman ito saka ngumiti dito at nauna itong lumakad papunta sa kubo "Tamo ang isang yon, paimpress din eh. Celina umiinom kaba ng lambanog? paborito kase yun ni tiyo kaya yun ang dinala namin",narinig niya na yun pero never pa siyang nakakainom, madalas kase ay beer lang ang naiinom niya pag minsan na maisipan niyang mag bar. "Hindi pa eh," "Naku magugustuhan mo yon, buti nalang may makakajamming ako dito kundi amboring na puro tanders ang kasama hahaha", natawa lang siya dito hanggang sa makarating sila sa kubo kung san naroon na lahat ng pagkain sila Manang Becky at Boss B maging ang dalawang kumpare nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD