Panay ang tingin niya sa paligid habang naglalakad papunta dun sa sea side, may iilan siyang nakikitang magkapareha na matamang pinapanuod ang papalubog na araw. Nasan kaya dito ang binata?, ilang pares na ang nalalampasan niya pero hindi niya parin nakikita ito, nagpatuloy lang siya sa paglakad hanggang magitla siya ng biglang may kumuha ng isang kamay niya, "Nilampasan mo na ako", "S-Sir Harry", bigla siyang napangiti ng makita ito, gumanti lang din ito ng ngiti sa kanya at muli kinuha ang isang kamay niya, "Let's go, sakto lang ang dating mo mapapanuod pa natin ang sun set", magkahawak kamay na marahan silang naglakad papunta dun sa dulo, nang sulyapan niya ito ay nakabakas ang ngiti nito sa labi, para tuloy siyang naglalakad sa ulap "Kanina kapa ba Sir?" "Just a bit, hindi ko nama

