"Just give me the f*****g unit number!!!", bulyaw niya dun sa receptionist, namumula na siya galit dahil ayaw nitong ibigay ang detalye, mukhang nabigyan ito ng tip ng lalaki.
"When something bad happens to Celina Galvez, I will put you in prison, all of you!!" banta niya sa mga ito, napasinghap naman ang receptionist at dali dali na cheneck ang record book,
"I'm sorry Sir, here po",
"Tsk!!", ibibigay rin pala nito pinatagal pa, agad niya hinablot dito ang card number pati susi ng unit at nagmadali na sumakay ng elevator. Hindi na siya mapakali hanggang sa makarating sa pinakamataas na floor, kasunod niya naman ang kaibigan nito na nag aalala rin.
Kanina pa ito tinatawagn pero hindi sinasagot ng dalaga. Pagbukas ng elevator at nakasalubong niya pa ang isang lalaki na parang wala sa sarili, ito ang kasama kanina ng Angelo na yon,
"Where's Celina???",
Umangat lang ang tingin nito sa kanya at tila nabigla, agad niya naman hinablot ang kwelyo nito. Gustong gusto niyang upakan ito pero agad din niyang binitawan, mabilis ang mga hakbang niya patungo sa unit na tinutuluyan nito. Nang makarating sa tapat ng pinto ay malakas na pinagkakatok niya ito.
"Celinaaaa!!!!!",
Nanginginig ang kamay niya at muntik niya pang mabitawan ang hawak na susi, dali dali niyang binuksan ito at malalaki ang hakbang na pumasok sa loob. Halos mandilim ang paningin niya ng makita ang lalaki na nakadagan sa dalaga at abala sa ginagawa nitong paghalik sa leeg nito, agad naman napalingon ito sa kanya, mabilis na hinablot niya ang damit nito at binigyan ng malakas na suntok sa mukha. Magkasunod ang ginawa niyang pagsuntok dito hanggang sa bumulagta ito sa sahig,,
"Damn you Villamore", habol ang hiningang saad niya dito habang nakakuyom ang dalawang kamao, napangisi lang ito sa kanya na tila hindi nasaktan sa kanyang ginawa
"You were always just in time Mr. Steve,", muli niya namang hinablot ito pataas, akmang susuntukin niya ulit ito ng magdatingan ang mga security at pigilan siya. Agad dinampot ng mga ito ang lalaki at inilabas, Nanghihina na napatingin siya sa dalaga habang nakasiksik sa dulo ng kama at humagulhol ng iyak, halos wala na itong damit sa paningin niya kaya agad niyang hinubad ang suot na coat. Walang tigil sa pag iyak ito ng malapitan niya, marahan niyang isinuot dito ang coat at niyakap ito.
"S-Sir Harry!!!!!", humagulhol na yumakap ito , at isinubsob ang mukha sa dibdib niya, saka lang siya nakahinga ng maluwag ng mahawakan na ligtas ito.
"You're safe now,, shh,, ", masuyo niyang hinagkan ang ulo nito at pilit na pinakalma, sakto lang ang dating niya kung nagtagal pa siya ay baka kung ano na ang ginawa nito sa dalaga. Nanginginig parin ito sa takot habang umiiyak, mahigpit ang yakap nito sa kanya at hindi niya magawang alisin ang pagkakayakap din dito hanggang sa maramdaman nito na ligtas na ito.
"Uuwi na tayo", mahinang saad niya, napaangat naman ang tingin nito sa kanya, namamasa parin ang mga mata nito at muli itong napaluha, agad niya naman pinunasan ang luha nito sa pisngi, saka niya napansin ang sugat nito sa labi. Naikuyom niya lang ang kamao, tuluyan niya na dapat binasag ang mukha ng lalaking yon. Naipikit niya nalang ang mga mata at muling niyakap ito, sobrang sakit ng dibdib niyang makita ang sitwasyon na sinapit nito. Sisiguraduhin niyang magbabayad ang lalaking yun,,
***
Isang linggo narin ang nakakalipas simula ng mangyari ang trahedya na yon. Nabalitaan niya nalang na sinampahan ng kaso ng binata ang buong staff ng hotel na pinangyarihan ng insidente. Nakulong din sandali si Angelo pero dahil maimpluwensya ito at ayaw niya narin ng gulo ay nakalaya din ito ng mga ilang araw.
Pinili niya ang manahimik muna at nakiusap siya sa binata na wag ipaalam sa kanyang mga magulang ang nangyari sa kanya. Ayaw niyang mag alala ang mga ito sa kanya, sa susunod na buwan ay uuwi narin naman ang mga ito. Ilang gabi rin siyang hindi nakatulog dahil sa nangyari, natrauma siya sa pagtangka nito na gahasain siya. Sa tuwing maaalala niya iyon ay kusang tumutulo ang luha niya, kung hindi agad dumating si Sir Harry ay nagawa na ni Angelo ang nais nito.
Muli siyang napapikit kasabay ng pag ahon ng kirot sa kanyang dibdib, hanggang ngayon ay hindi niya kayang kumausap sa kanyang Ninang at Ninong kahit anong gawing pagmamakaawa at pakikiusap ng mga ito sa kanya. Napahinga nalang siya ng malalim habang pinagmamasdan ang malakas na alon, nakaupo siya sa buhanginan at mag isang tumatambay dito pag wala siyang magawa. Dito na niya nakasanayang ilibang ang sarili, nagagawa nitong pakalmahin ang bigat na nararamdaman niya.
"Do you want to swim?", napaangat ang tingin niya ng marinig ang boses ng binata,
"Sir Harry",
Kumilos naman ito paupo sa tabi niya, nang sulyapan niya ito ay nakatuon ang tingin nito sa karagatan.
"Yung dagat din ang nagpapakalma sa bigat ng nararamdaman ko", napatitig lang siya dito, kaya madalas niya itong nakikita na nakatunghay sa labas ng veranda, pero hindi lang ang dagat ang isa sa nagpapakalma sa nararamdaman niya, maging ang presensya nito. Napaangat ulit ang tingin niya dito ng bigla itong tumayo at nakangiti na humarap sa kanya.
"Let's go", sabay lahad ng palad nito sa kanya, napamaang naman siya at napakurap pero kusang umangat ang kamay niya para abutin ito, nagulat pa siya ng hilahin siya nito patayo, napangiti naman ito at dinala siya papunta sa dagat,
"Mukang masarap ngayon maligo sa dagat",
"Eh?, maliligo kayo Sir?",
"Ayaw mo ba?" nakangiting tanong nito nakalubog na ang mga paa nila sa hanggang tuhod na tubig,
"Malamig y-yung tubig ahh!", napapikit siya ng bigla siyang sabuyan ng tubig nito, para itong bata na naglalaro at patuloy na sinasabuyan siya tawa pa ito ng tawa sa ginagawa kaya naman gumanti rin siya dito at sinabuyan rin ito ng tubig dagat.
"Wait lang!!! ahh!!",,
"I've told you, masarap ngayon maligo sa dagat,," tatawa tawa pang wika nito, napatakbo siya palayo dito dahil wala na siyang makita kakasaboy nito ng tubig sa kanya,
"Madaya ka Sir!!!,",
Para silang bata na naghahabulan at nagsasabuyan ng tubig sa isa't isa, natagpuan niya nalang ang sarili na masayang nakikipagkulitan at tawanan dito, napaubo pa siya ng pumasok sa bibig niya ang tubig alat, humapdi narin ang mga mata niya kaya na out of balance siya at napaupo sa tubig,, agad naman siyang dinaluhan nito at inalalayan habang tatawa tawa parin
"I'm sorry haha, are you okay?", akmang kukunin nito ang kamay niya na nagkukusot sa mata niya ng agad niya itong sabuyan ng tubig sa mukha at siya naman ang tumawa tawa,, hindi niya akalain na makikita niya ang makulit na side ng pagkatao nito,,
"I'm glad na makita ka ng tumatawa Celina", biglang wika nito kaya sandali siyang natigilan, hindi parin nawawala ang kakaibang ngiti nito sa labi, pero ito naman ang gumanti ulit ng saboy ng tubig sa mukha niya,,
"Ahhh!!!",
"Sorry ulit haha!",
Ang hapdi na talaga ng mata niya sa tubig alat pero nagulat pa siya ng kunin nito ang isang kamay niya, kahit napapapikit pa siya hapdi ay kita niya ang titig nito sa kanya, naghahalo tuloy ang kabang nararamdaman niya at lamig na hatid ng tubig sa katawan niya. Marahang humaplos ang palad nito sa pisngi niya at inayos ang ilang hibla ng buhok niya,, para siyang natutunaw sa paraan ng pagtitig nito,
"Marunong kabang lumangoy Celina?",
"Eh? Oo naman Sir", bigla naman may kinuha ito sa bulsa, isang coin ang inilabas nito at pinakita sa kanya,
"Sabi nung nagbigay sakin nito pampaswerte daw toh, dadalhin karaw nito sa taong nakatadhana sayo",
"Weh? patingin nga?",
"Kung sino ang unang makakuha nitong coins kanya na", sabay hagis nito ng coins sa malayo, nanlaki naman ang mata niya dito
"Bakit mo hinagis Sir???",
"Let's play, paunahan tayong makakuha sa coins",
"Hah? wait lang!!", aniya ng bigla itong lumusong pailalim ng tubig, napailing nalang siya pero kung totoo man yon gusto niyang makuha ang coins, sumunod siya dito at lumusong din siya pailalim ng tubig, nagtagpo pa sila sa ilalim ng dagat at patuloy na nasisid kung nasaan na ang hinagis nitong lucky coins,, malinaw naman ang tubig at agad niyang nakita ang kumikinang na barya, napangiti siya at inunahan na sa pagsisid ang binata, siya ang unang nakakuha nito pero nagulat siya sa pagsulpot nito sa tabi niya at hinawakan ang pulsuhan niya, mauubusan na siya ng hangin kaya sabay na silang umahon nito.
"Nakuha ko!!!!", masayang saad niya dito ng parehas silang makaahon, natawa lang naman ito sakanya,
"Yeah, sayo na yan",
"Edi wala ka ng Lucky coins?"
"I've already found her,," nakangiting saad nito, natigilan naman siya habang nakatitig dito bakit parang may kung anong kumirot sa dibdib niya
"Weh? totoo?"
"I hope you find him too, and let that lucky coins guide you papunta sa taong yon", sa way ng pag ngiti nito ay mukha ngang natagpuan na nito ang taong tinutukoy nito, napatitig naman siya sa coins na hawak hawak, hindi na niya kailangan ito dahil matagal na niyang natagpuan ang lalaking gusto niya pero hindi siya sigurado kung ito ba ang magiging tadhana niya. Napangiti nalang siya dito,
"Sana nga", mahinang bulong niya, napansin naman nito ang panginginig niya kaya inaya na siya nito na umahon,
"Let's go, masarap ngayon uminom ng mainit na tsokolate", sumang-ayon naman siya dito at hawak ang kamay niya ay umahon na sila sa tubig. Natigilan naman siya ng makakita ng kulay pink na sea shell, nagandahan siya dito kaya agad niyang dinampot. Naisipan niya naman na ibigay ito sa binata kaya agad niyang kinuha ang isang palad nito at nilagay doon ang maliit na shell na napulot niya,
"What is this?", ngumiti naman siya dito bago inalis ang kamay sa palad nito, napatingin lang ito doon sa shell na bigay niya
"Kapalit ng Lucky Coins mo Sir,, kahit saan ka magpunta dadalhin ka ulit niyan pabalik dito", imbentong saad niya
"Really??, well then. I'll keep this", nakangiting sagot nito kaya napatulala lang siya, hindi niya inaasahan na tatanggapin nito iyon, pero mukhang nasiyahan pa ito sa binigay niya kaya abot abot rin ang saya niya, hanggang sa makabalik sila sa rest house ay hindi maalisa ang ngiti niya sa labi. Nasa may gate na sila ng matigilan siya sa paglakad ng mapansin ang paparating na sasakyan at tumigil sa gilid ng gate nila. Bumaba doon si Kent at may bitbit na boquet ng roses,
"Celina", nakangiting bati nito ng makalapit sa kanya,
"Uy Kent!,"
"Hello Sir," bati rin nito sa binata, nagawi naman ang tingin nito sa mga bulaklak at tumango lang, napatingin naman ang mata nito sa kamay niyang hawak parin ng binata nagulat siya kaya agad siyang napabitaw dito, tumingin lang sa kanya ito bago naunang pumasok sa loob ng gate.
"Ah Celina para sayo", sabay abot nito nung mga bulaklak kaya nagulat siya
"Hah?? p-para sakin??"
"Oh Kent nandito ka pala,, Celina bakit hindi kayo pumasok sa loob ng makapagpalit kana muna?", wika naman ng kakalabas lang na si Manang Becky,
"Ah eh, hehe S-Salamat Kent,, n-nag-abala kapa",
"Sinong bwisita ang dumating?", bungad rin na saad ni Boss B, napakamot ulo naman dito ang binata hanggang sa makapasok sila sa loob, hinanap ng tingin niya si Sir Harry pero bigla na itong nawala.
"Nasabi sakin na may sakit karaw kaya naisipan kong dumaan dito sandali",
"Huh? naku!!, okay lang naman ako,, ano palang meron?" takang saad niya dito sa mga bulaklak,
"Ah hehe, nakita ko kase yan sa daan kaya naisipan kong bilhan ka",
"Magsisinungaling nalang ayaw pang ayusin! wala talaga sa hulog. Hindi ka papasa niyan bata", biglang wika naman ni Boss B, nagtataka na napatawa lang sila dito. Sandali siyang nagpaalam dito para makapagbanlaw siya at makapagbihis. Muli niyang natitigan ang Lucky Coins na galing sa binata, napapangiti siya na pinagmamasdan ito. Muntik niya pang makalimutan na may naghihintay sa kanya sa labas kakaisip niya sa nangyari kanina, sobrang saya niya lang naman. Matapos makapagbihis ay naghanda siya sa kusina ng mainit na chocolate,, hindi maalis sa isip niya ang binata.
"Mabuti naman at okay kana Celina", nakangiting wika sa kanya ni Kent, sinundan siya nito sa kusina habang gumagawa siya ng meryenda nila,
"Heto juice Kent, magmeryenda kana muna",
"Hindi rin ako magtatagal Celina at baka makatay nako ni Tiyo haha, kanina pa masama ang tingin sakin", natawa nalang siya dito,
"Magmeryenda ka muna bago umalis", ngumiti naman ito sa kanya at tumango, inakyat niya sandali ang mainit na chocolate ni Sir Harry, nasa loob pa ng banyo ito kaya iniwan niya nalang ang tasa sa lamesa nito. Sandali silang nagkakwentuhan ni Kent at sinamahan pa siya nitong magpakain ng mga pusa niya, mahilig rin pala ito sa pusa.
"Iuwi ko nalang itong isa masyadong cute eh",
"Hindi pwede!, malulungkot yung mga kasama niya pag kinuha mo yung isa", natawa naman ito sa kanya
"Edi isama ko nalang silang lahat? para hindi sila pagala gala dito. Sabi mo nga hindi sila pwede sa loob ng bahay",
"Hindi rin pwede, ako naman ang malulungkot pag nawala yan sila",
"Edi isama nalang din kita?",
"Hah?", napahalakhak naman ito sa kanya kaya natawa nalang din siya,
"Biro lang Celina, hindi narin ako magtatagal. Ang sama na ng tingin ni Tiyo oh hahaha", napatingin naman siya sa direksyon ni Boss B, matalim nga ang tingin nito sa binata habang humihigop ng kape, nagkatawanan lang ulit sila,,
"Mauuna na ko Celina, bibisitahin ulit kita pag may time ako",
"Salamat Kent, ", tumango lang ito, sandali pa itong nagtungo sa tiyuhin at magalang na nagpaalam, kumaway nalang siya dito habang papaalis ang sasakyan nito.