“Teka lang, hindi ko pa nakikita ‘yong pangalan mo. ‘Di ba nasa may end credits ‘yong mga pangalan ng mga may contribution sa movie? Gusto kong makita, ‘wag kang mag madali,” pigil ni Leyla sa lalaking kating- kati na ang mga paa na lumabas sa movie theater. Balak niya kasing umalis na kahit na hindi pa tapos ang lahat. “Come on, wala na ‘yan. Tignan mo nga nagpapalabas pa sila ng mga flashbacks and sh*t, kapag nag tagal pa tayo rito, we’re going to get cornered. Mapipilitan tayong pumunta sa restaurant kung saan may after party. Eh ang tagal pa no’n, siguradong after pa ‘yan ng napakaraming interview. I would love for us to get out now please,” Rui whispered near her ear as she was trying to push him back down at his chair. But Rui was strong enough to stay up and forced her to stand up

