"Are you serious Leyla? Isasama mo ako- kasama 'yong tita ni Rui? Ayos ka lang? Puwede naman na i-uwi mo nalang 'yong damit para masukat ko kung tama 'yong sizes. Hindi naman siguro kailangan na sumama pa ako kasi nakakailang talaga, promise, like- I swear, matutunaw na ako sa sobrang kaba. Kasi baka kung ano pa ang isipin niya sa akin. Na baka ang akala niya pa bad influence ako sa'yo tapos-ahsdafhb" Leyla was too tired of Roca's nonstop worries. She chose to stop her from talking by stuffing her mouth with a huge chunk of cheese bread in her mouth. "Roca ano ka ba? Hindi ka pa rin humihinto sa kakasalita, eh nandito na nga tayo sa café. Tama na hoy, sumuko ka na kahit sana mga ten percent lang," pabiro niyang sabi habang pinapanood ang kaibigan na hirap na hirap sa pag lunok ng tinapay.

