“Hey babaeng puro lihim, have you heard the latest chika in town? Ay wait, duda akong alam mo, sigurado naman akong si Bossing lang ang tinututukan mo,” alas siete pa lang nang umaga at ngayon ay sabay na pumasok si Leyla at Roca sa opisina. She scooped up her friend on her way to the office para na rin pang layo ng atensyon sa kan’ya o sa kung anong relasyon man ang ibigay ng media sa kanilang dalawa ni Rui. Mabuti nalang nga at malapit lang ang bahay ni Roca at nadadaanan lang nila. “Roca alam mo, tigilan mo na ‘yang kakabiro mo sa akin. Alam ko naman na ang gusto mo talagang sabihin ngayon sa akin ay, Hoy Leyla! Bakit ang tagal mong nagsinungaling sa akin? One year na kayong kasal?!” mahinang tampal sa braso ni Leyla ang naging ganti ni Roca na kaagad na nakapag pahalak-hak sa kaibigan.

