“Wake up babe, pangalawang gising ko na sa’yo ha? Hindi ka pa rin makabangon d’yan, nasobrahan kasi kayong dalawa ni Shawn sa kaiinom kagabi eh,” sabi ni Leyla habang tinatapik ang balikat ni Rui upang magising ito. The time is currently eight in the morning. Ang taas na ng araw at sumisilip na ang bawat sinag nito sa mga bintana pero itong si Rui ay plastado pa rin at hindi makagalaw dahil sa dami ng nainom kagabi. “Hmm, can we get up a bit later? Mga seven thirty or eight, kahit na mahuli na muna tayo sa breakfast,” inaantok na sagot ni Rui. Pikit na pikit pa ang mga mata niya pero nagawa niyang mahatak ang bagong ligo na asawa pabalik sa kama. Mabuti nalang at natapos na niyang patuyuin ang kan’yan buhok dahil kung hindi, baka sumampal na sa mukha ni Rui ang malamig niyang basing buho

