CHAPTER 07

1285 Words
Jevey POV Matapos ang klase. Tumungo ako sa library para gumawa ng takdang aralin. Ayoko kasing gumawa sa bahay tatamadin lang ako. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil kabisado ko na ito. Sobrang lamig dito sa loob. Parang ang sarap tuloy matulog. Sige matutulog ako mamaya pagtapos kong gumawa ng aralin ko. Tumungo ako sa pinakagilid na mesa yun bang walang makakapansin sakin, hindi kasi ako papansin. Nilagay ko doon ang bag atsaka tumungo na sa bookshelf. Madaming magagandang books pala ang nandito halos lahat ata narito na. Kumuha ako ng tatlo na alam kong doon ako makakakuha ng sagot ko. Sinimulan kona ang paggawa. Hindi naman ako nahirapan dahil nong nasa probinsiya pa ako ay naaral kona ang ilan na nandito. Yung iba familiar, pero yung iba wala naman diko matandaan kong napag-aralan ba naman yon. Kalahating oras din ako nakatuon sa ginagawa ko kaya hindi kona napansin ang oras. Maya-maya pa ay may biglang nag-announce na galing sa speaker sa kung saan. Meron pala non dito, ang high tech talaga dito halatang pangmamahalin. "Calling the attention of the first student named Jevey Forte please meet me at the court,asap." nagulat ako sa narinig ko. Bakit ako ang tinatawag? Naulit pa yun ng dalawang beses. Nakakarindi nga e. Ayoko sana pero curious din ako kaya pupunta ako sa ayaw at sa gusto ko. ___ Dinala ako ng mga paa ko sa harap ng gym. Pumasok ako. Hindi ko nga lang inaasahan na marami palang mga estudyante ang naririto. Nakakahiya tuloy pumasok, naghintay muna ako sa labas nang may makita ako papasok na isang estudyante ay nakisabay ako. Tumabi ako at tinanong siya. "Anong meron?" "Ha?" gulat pa itong napatingin sakin atsaka inayos ang suot niyang salamin. "A-ah ano kasi, ano nga ulit tanong mo?" napapautal pa nitong sabi. Lutang ata. Nginitian ko siya. "Uhm sabi ko anong meron?" "Ah" natawa siya. "Actually, ngayon kasi may try out ng basketball dito. Manonood lang hehe bakit hindi mo alam?" obvious ba ante "Hindi eh." "Siguro yung na-annouce kanina kasali din yon. Hindi ko kilala kung sino yun" sabi niya "Ah okay." Pumunta ako sa court gaya ng sabi sa speaker, andon ang mga players. Namukhaan ko ang ilan sa kanila. Napansin naman ako nong isa kaya agad siyang naglakad palapit sakin. "Hey!" salubong niya. "Kanina kapa namin hinihintay akala ko nga di kana darating kaya pinaannounce kana namin." nagtataka naman ako. Ganon ba ako kaspecial. "Oo nga pala suotin mo to' para ito sa mga mag-t-try out." inabot niya sakin ang jersey pero walang number. Hindi ko kinuha agad. "Teka lang, hindi naman ako pumayag na sasali ako sa laro. Pumunta lang talaga ako kasi akala ko may kasalanan or ginawa ako na hindi naman alam, pero wala sa plano ang sumali." paliwanag ko sa kaniya. Tinulak ko pabalik ang kamay niyang nakaabot sakin na mga tela. "Alis na ako." Tumalikod ako agad sa kaniya pero hindi pa man ako nakakahakbang ay humarang siya sa harapan ko. "No, you can't. Hindi mo ako kailangan tanggihan. At isa pa, kung wala sa plano mo ang sumali dito kapa nagfill up?" nakasimangot na siya. "Sige na please, kailangan namin ng member na kagaya mo." "What if hindi ako marunong maglaro?" "Marunong ka nakita kita nong isang araw eh nakathree points ka kaagad hindi lang isa kundi apat pa." Umiling ako. "Sige na pleaseee" pagpupumilit ulit niya lumalakas na din ang boses niya marami na din ang tumitingin samin. Sa paglilibot ng paningin ko ay nakita ko naman siya, ganon na ganon talaga ang ekpresiyon niya sa tuwing nakikita ko siya, kulang nalang lumipat ang kilay sa noo niya sa sobra ang pagpapataas. Napangisi ako at tinignan ang jersey na hawak ni boy kulit. Kaya wala sa sarili kona lang na tinanggap ang tela. "Sige." Napa-yes siya sa sobrang tuwa, hinila pa ako nito sa kung saan. Sa locker room pala para magbihis. "Hihintayin kita sa court!" sobrang hyper niya. ___ Natapos na din ang laro. Nakakapagod. Pinakita ko sa kaniya kung gaano ako kagaling , sus bilib na bilib naman siya sakin. "Kita muna couch! ang galing niya hindi ba" pagyayabang ni Yuhan, yung makulit kanina. Pinagyayabang niya ako sa mga teammates niya kasi daw ang galing niyang pumili. "Asahan ko sa susunod na practice ay nandoon ka" sabi ng captain nila. Walang ngiti-ngiti o sulyap man lang sakin, hindi ko tuloy maiwasan tignan sa screen ng cellphone ko kung pangit ba ba ako o ano. Pero gwapo naman ako siguro naiinggit lang siya. "Jeveeyyyy!!" isang matinis na boses ang umagaw ng atensiyon na narito. Habang papalit at nakaambang yakap ang ginawad sakin ni Ate Chloe. "Waaaaahhhh walang kupas! ang galing mo parin pala talaga sa wakas bumalik kana ulit sa paglalaro." oa talaga. Nasa likod niya ang mga kaibigan niya. Agad akong kumalas sa yakap niya. Una dahil pawis na pawis ako. Pangalawa nakakailang, ang daming nakatingin samin. Akala tuloy nila magjowa kami. "Halika na! Umuwe na tayo ibabalita ko to kilala mommy, excited na silang malaman to hehe" kinikilig pa nitong sabi at parang wala siyang pakealam sa mga taong nakatingin sakanya. "Bye couch! hiramin ko muna siya." sabi nito atsaka ako kinaladkad palabas ng gym pero pinigilan ko siya. "Bakit?" taka niyang sabi. "Yung gamit ko nasa locker room pa" Tinignan naman niya ako at doon lang ata niya narealize na tama ako. Nakajersey palang kasi ako at ang bag ko nasa locker. "Oo pala sa sobrang excited ko nakalimutan ko hehe sige hintayin ka namin sa kotse babush!" nagflying kiss pa. Umalis na sila maliban kay arte. Nakatingin ito sakin hindi tuloy alam kong anong iniisip niya, kakaiba kasi siya ngayon. Parang may sasabihin na hindi niya masabi. Bubuka yung bibig tapos magsasara tsaka titingin sakin tapos iirapan ako. "Dyan kana nga" bigla nalang nitong sinabi at nagwalk out naman. Problema non, walang duda babae nga siya. Napakamot nalang ako sa ulo. Pagharap ko sa court para sana kunin ang gamit ko ay may biglang bumangga sakin, nahulog tuloy yung hawak niyang mga likod atsaka yung salamin niya. "Hala sorry miss!" Agad ko siyang tinulungan. "Okay lang" sabi niya teka siya yung babae kaninang lutang ei. Kinuha ko ang salamin mukhang di ata malinaw mata niya. "Ah heto isusuot ko nalang itong salamin mo" sinuot ko nga. Ngumiti siya, "Salamat ha. Sorry nga pala—" "No, ako nga dapat nagsosorry sayo e" "Hahaha sige alis na ako." mahinhin nitong sabi atsaka nagmamadali itong umalis sa harapan ko. Sabay hawi niya sa kaniyang buhaghag na buhok, pero may napansin ako sa kaniyang balikat. "Bye" paalam niya pero agad kong hinigit ang kamay niya "Sandali lang miss." nagtaka naman siya at tinignan ang kamay kong nakahawak sa kaniyang kamay, nahiya naman ako kaya mabilis kong inalis yon. "Hehe sorry. Anong pangalan mo?" yun ang unang lumabas sa bibig ko. Napayuko naman siya para pa siyang naumula. "Uhm ako si Faye Ann, tawagin mo nalang akong Faya. Scholar ako dito, pasensya na bakit mo natanong?" "Ahm wala lang transferee ako dito, gusto ko lang sana itanong kong anong nangyari sa balikat mo. Ah eh sorry accidentally ko lang nakita" nang itanong ko yun ay akmang hahawiin ko yung buhok niya para makita ko ng malapitan pero lumayo siya. Para siyang nabalisa na ewan. "A-ah sorry!" "A-ahm w-wala to! bye na" nagkanda-utal utal na ito sa pagsasalita at nagmamadali na itong umalis sa harapan ko. Sinundan ko siya ng tingin napansin ko si Arte na nasa pintuan ng gym, nakita ata niya. "Mangmamanyak kana nga lang sa low class pa." malamig nitong sabi tumalikod na ulit. Akala ko ba umalis na siya. At ano daw? mukha ba akong manyak , iba talaga isip ng babaeng yon
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD