CHAPTER 6

1444 Words
Laxon's POV: Pagkaalis ko kanina sa komosyon ni Mira sa labas ng academy ay dumiretso muna ako sa Tin Snack Bar para bumili ng ube dalgona. Papunta na ako ngayon sa opisina ni dad para pag-usapan ulit ang panibagong 'problema' raw na kinakaharap ng academy. Puro na problema, hindi na natapos-tapos. "Dad are you there?" Kumatok muna ko bago hinintay sumagot si dad. Mukhang busy na naman siya. "Yes son, come in." Kalmadong sagot ni dad kaya pumasok na ako. "How's your stay at the middle world?" Tanong niya sa akin at sumenyas na maupo ako. "It's fine dad. Naayos ko na naman ang company natin do'n, stable na ulit ang takbo. But I came here with a guest, I bet you know who is she now, right?" Tanong ko kay dad at naupo na. "Yes, kayong dalawa lang naman ang nag-umpisa ng komosyon sa labas kanina. Is she your girlfriend? Napag-alaman kong hindi siya dito nagaaral, siguro isa siya sa mga imortal na napahiwalay noon." Kumento ni dad at may pagkindat pa sa 'kin. Damn, that noisy woman is not my type! "Oh dad stop kidding! Hindi ko siya gusto, ayoko sa maiingay. Iniligtas ko siya noon nung tatalon siya sa tulay tapos naamoy ko 'yong dugo niya. Something is different from her kaya sa tingin ko isa siya sa atin. Lasing din siya that time kaya dinala ko sa condo ko–" "Don't tell me asawa mo na agad kaya hindi mo girlfriend? Kailangan magkaroon ng second wedding wala kami ng mom mo! Malihim ka na ha!" Sabi ni dad na tuwang-tuwa pa. "Dad naman hindi nga, we're not even friends. Noong dinala ko siya sa condo, hinintay ko lang siya magising dahil nakita ko rin 'yong tribal tattoo niya like ours. Inisip ko baka katulad natin siya. Guess what? I'm right noong tinablan siya ng sleeping dust." Mahabang paliwanag ko kay dad pero nakangisi pa rin siya sa 'kin. What's wrong with him? "Ows, sige na nga. By the way, humihina na ang barrier ng academy kaya kailangan na ulit natin makakuha ng gems mula sa middle world. In one week, kailangan natin makahanap ng atleast 5-7 members sa academy mula sa Manta A hanggang D na ipapadala sa misyon. I want you to lead the group na mabubuo. Can you do that Laxon?" Tanong sa akin ni dad. Now I know kung bakit ako pinabalik agad. Damn, walang katapusang misyon. Nakakatamad na rin minsan. "No problem dad, magmomonitor na lang ulit ako ng students sa P.E. class kung sinong pwedeng makuha." I said. Syempre sureball na magtatagumpay ako. Lagi namang magagaling ang nakukuha ko at marunong sumunod. "Aasahan kita Laxon ha. By the way, that girl na kasama mo pabalik dito sa academy, I want you to know more about her. Kailangan natin malaman kung saang antas o saang pamilya man siya nabibilang. Thats all, pumunta ka na sa lodge mo and take a rest. Nagpadala na ko ng pagkain doon." Dad said before we bid our goodbyes. Papunta na ako ngayon sa left castle kung nasaan ang descendants quarter. Nandoon din ang lodge namin sa pinakataas ng left castle. Ang floor mo ay nakadepende kung saang Manta ka. Ang katulad kong direct descendant na nabibilang sa Manta-A ay sa 6th floor. Sunod naman sa 5th floor ang Manta-B pababa na sa Manta-E. Pagkarating ko sa lodge ko ay napabuntong hininga na lang ako. Hell, what a tiring day. Makaidlip na muna at makapagpahinga. Mira's POV: Papunta na ako ngayon sa sinasabi ni Nurse Lovi na Admin office raw. Habang naglalakad ako rito sa may hallway ang daming mga tao, kung tao nga ba ang mga itong pinagbubulungan ako. Ang sasama pa ng tingin ha. Siguro naiinggit sila sa ganda ko. "She looks disgusting." Bulong nung babaeng pinaglihi yata sa espasol. Bubulong-bulong pa rinig ko naman. "Yeah right, her blood stain stinks. Lakas pa gumawa ng eksena sa labas kala mo ikinaganda niya." Kung 'yong isa pinaglihi sa espasol, ito namang isang 'to mukhang inapakan ng pusa 'yung mukha. Makalait sa akin eh libag ko lang sila, duh. Nagdere-deretso na lang ako papunta sa admin. Buti na lang may mabuting loob akong napagtanungan kanina. Kung papatulan ko pa ang mga panget na 'yon, magaaksaya lang ako ng oras. "Ayon!" Sa wakas nakita rin kita! Nandito na ako ngayon sa may admin. Impyernes, ang ganda dahil puti at gray lang ang kulay. Ganito rin ang style ng opisina sa school namin, mas maganda nga lang dito. "Excuse po may tao ba rito?" Kumatok muna ako sa pinto bago hinintay kung may sasagot. "Pasok lang." Sabi nung nasa loob. Parang pamilyar 'yong boses niya. "Wah! Ikaw palang bata ka! Umupo ka r'yan! Marami kang kailangang ipaliwanag!" Si lady hulk pala 'to. Marunong naman pala magtagalog 'to eh. Tinitigan ko muna siya. Uupo na sana ko ng binungangaan na naman niya ako. "Hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog! I am said their sit down!" Aba inenglish pa! Wrong grammar naman. "Sungit naman nito." Pabulong kong sabi. Mababawasan ganda ko sa kaniya, kainis. "May sinasabi ka ba iha?" Tanong ni Ma'am at may pagtaas pa ng kilay. "Wala po Ma'am. Eh ano ho ba ang kailangan kong ipaliwanag?" Tanong ko sa kaniya at kumuha ng candy sa baso. Aba nakalagay eh edi kumuha ako. Tumingin lang ng masama si Hulk. Nadisplay eh, sayang naman kung hindi kakainin 'di ba? "Ako si Mrs. Aika Rin, Ma'am Rin na lang. May ilang tanong lang ako sayo. Una, ngayon pa lang, may kaya ka bang gawin na hindi nagagawa ng ibang tao?" Seryosong tanong niya sa 'kin. "Ay marami po! Marunong po akong tumulay sa alambre–" "Heh hindi 'yon ang ibig kong sabihin! Eh ilang taon ka na ba?" Putol niya sa akin at uminom ng kape. "18 years old na ho." Sagot ko kay Ma'am Rin pero tinawanan niya lang ako. Abnoy ba ang isang 'to? "Iyong totoo mong edad iha." Tanong niya at uminom ulit ng kape. "323 na ho ako maniwala ho kayo at sa hindi–" "Pwe! Anong sabi mo!?" Putol na naman niya sa 'kin. Kainis binugahan ako ng kape watdapak! May ilang tumama sa manggas ng damit ko, ngayon lalo na ako nagmukhang pulube. "Oo nga ho Ma'am imortal ho ako! Ilang beses ko na ho sinubukan magpakamatay. Sinulat ko ho 'yon sa diary ko! Noong 2003 nga ho unforgettable nung tumalon ako sa barko tas deretso ako sa eli–" "Sige na sige na naniniwala na ako sharap! Ngayon, interesado ka ba magenroll dito?" Putol na naman sa akin ni Ma'am. Ano bang trip nito ayaw akong patapusin? "Eh Ma'am tapos na ho ako mag-aral, 323 na nga ho ako nakatapos na ho ako ng medicine, engineering, pilot, nagsundalo na nga rin ho ako eh!" Pagmamayabang ko. Aba maganda na matalino pa ako! Dats me hehe. "Hindi katulad ng nasa Middle World na paaralan ang Fumetsu Academy iha. Dito pumapasok ang mga imortal na kagaya natin. Dito sasanayin ka kung paano makipaglaban at kung saang manta ka man mapapabilang mas hahasain nila ang kakayahan mo. Huwag kang magalala, walang bayad dito dahil suportado 'to ng The Triangle. Ngayon gusto mo ba magenroll?" Mahabang paliwanag sa akin ni Ma'am kaya napanganga na lang ako. Ibig sabihin ba– "Imortal din ho kayo!? Weh baka ho jinojoke time niyo lang ako!?" Manghang tanong ko kay Ma'am. Neknek niya burnek. "Aba oo iha, bakit naman kita lolokohin. Mas matanda ka nga lang sa akin dahil 278 pa lang ako. Siguro isa kang direct descendant. Malalaman mo rin ang history ng mga kagaya natin at kung saang manta ka man nabibilang kung papasok ka dito sa academy. Anong desisyon mo?" Tanong niya sa 'kin. Naalala ko rin ang sabi ni Nurse Lovi kanina, malalaman ko ang lahat kung papasok ako sa academy. Baka malaman ko kung paano matatanggal ang sumpa ko. "Sige paano ho ba ko makakapagenroll?" Tanong ko kay Ma'am at kumuha ulit ng candy. Bakit ba ang sarap eh! "Eto pumirma ka lang dito, dito at dito." Sabi niya matapos niyang ilabas ang mga papeles. Ang sabi dito kung mamatay raw ako hindi liable ang academy. Ayos lang 'yon hindi naman ako namamatay hehe. May ilang rules and regulations pa pero keri naman na. "Ayan ho ayos na anong sunod?" Tanong ko kay Ma'am at inilapag ang ballpen. Trip ko rin sana 'yong ballpen g-tech eh kaso baka sipain na ko palabas dito. "Ayos na! You are now enrolled! Welcome to Fumetsu Academy iha." Sabi ni Ma'am at may inabot na brochure. Fumetsu Academy, here I come!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD