Laxon's POV: *few months later* "Baby, nasaan na iyong koko crunch ko!?" Sigaw ng mahal kong asawang na nanonood ng tv sa sala. "Saglit lang po, naghuhugas akong plato Ma'am." Sigaw ko mula rito sa kusina at nagpunas ng pawis. Ako ang taya ngayon dahil si Mira na naman ang nahuli sa pagkain. Nasa pagawaan ngayon ang mga robot maids ng kastilyo kaya walang gagawa sa mga gawaing bahay. "Little baby, hindi na ako mahal ni Daddy Laxon mo. M-Mas mahal niya na iyong mga plato kaysa sa atin." Rinig kong pagdadrama ng asawa ko. Narinig kong humihikbi na rin siya kaya nagbanlaw na ako ng kamay at kumuha ng request niya. Moody si bossing, buntis kasi. Sinasakyan ko na lang rin minsan ang mga trip niya dahil mahal ko naman siya. "Ito na po boss, kain ka na oh. Madaming gatas 'yan favorit

