Mira's POV: "Ano na naman ba ang kailangan mo? Kulang ka ba sa pansin ha? Sumali ka kaya sa Showtime at doon magpasikat!" Sigaw ko kay Arima at inihanda ang whip ko. "Ikaw ang kailangan ko, mahal kong pamangkin. At huwag mo akong binabastos, wala kang galang! Sumama ka na sa akin kung ayaw mong masaktan ang mga kaibigan mo." Seryosong sabi ni Arima at inilahad ang palad niya sa harap ko. "Huwag kang sasama sa kaniya Mira!" Sigaw ni Laxon habang nakikipaglaban. Halatang pagod na silang lahat. "Manahimik ka!" Sigaw rin ni Arima. Tinapunan niya ng bolang apoy si Laxon, ang bruhang 'to! Huwag na huwag niyang sasaktan ang mga mahal ko sa buhat at kaibigan! Sumusobra na talaga siya! "Punyeta ka!" Inis kong sigaw. Sinugod ko si Arima at pinuluputan siya sa leeg ng lighting whip ko. Pa

