Chapter 27 Alisa's POV Isang linggo na rin ang nakalipas ng mailabas ako ng pagamutan, hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Nandito ako sa veranda, nakaupo at nag-iisip. Tumingala ako sa langit at napabuntong hininga nalang. "Wife?" rinig kong tawag sa'kin ni Adam. Nilingon ko ito at ningitian ng kunti saka ko ibinalik ang tingin ko sa malayo. "Cheer up, don't be stress, nangangayat kana, paano pa tayo gagawa ng kambal kung ganyan ka. Sige ka, ikaw rin." Wika niya habang nasa likuran ko at nakayakap. Napa-ngiti nalang ako sa sinabi nito. Ma swerte parin ako, dahil hindi nagbago sa'kin si Adam. "Wife?" tawag niya ulit. "Hmmp?" tanging sagot ko. "I love you." Salita nito at hinalikan ako sa leeg. Napa-ngiti ako dahil sa sinabi niya. "You don't love me?" tss... Nagpapalambing na nam

