Chapter 21 Alisa's POV Habang naglalakad ako papalabas ng building, dahil galing ako sa office ni Adam, naisapan kong bumili ng mangga, at nasa labas lang ito ng gusali hindi naman ako tamad na buntis kaya ako nalang ang bibili para sa sarili ko nang may naka-bangga sa aking isang babae. "Aray naman! Miss, uso ang pagtingin sa dinadaanan!" Salita ko sa babaeng naka-bangga sa akin. "Excuse me? Ikaw 'yong haharang-harang sa dinadaanan ko, tapos ako pa 'yung hindi naka-tingin sa daan! Bullsh*t" Aba! Mataray ang babaeng 'to, saka familiar ang pagmumukha nito. "Ah sige, miss, ako na ang humihingi ng paumanhin. Sa susunod 'di na ko tatanga-tanga sa daan," Sabat ko. Akma ko na siyang tatalikuran nang bigla siyang magsalita ulit. "Ako ba ang tinutukoy mo babae?!" singhal niya sa akin. "Oopp

