Haiven POV's
Napatingin ako sa orasan my god! its already 3 am kanina pa ako pa ikot ikot dito sa higaan pero i cant sleep naalala ko yung kiss na yun!
O____O
"Ano ba Haiven wag ka ngang malikot"asik ni Cherie sa gilid ko at nagtakip ng unan sa mukha nya dali dali akong tumayo sa higaan at pumuntang sala mag Gagatas nalang muna ko.
Hinawi ko ang kurtina sa sala tanaw dito ang matatayog na building mula sa ibaba ng Condo alas tres na ng madaling araw pero tila busy pa din ang mga tao sa loob ng mga building na natatanaw ko pumunta ako sa bintana na dala ang baso ng gatas at ininom yun
"Ano na bang gagawin ko? until now wala pa din akong mahanap na pwedeng maging tulay ko para makabalik ng langit"mahinang sabi ko ang bumuntong hininga napahawak akong muli sa labi ko
SHET
"Waaahhhh kainis!"singhal ko at pabagsak na umupo sa sofa
"Madaling araw na gising kapa"sabi ng boses sa likod ko kaya napalingon ako
"K-kuya"sabi ko at nagpakawala ng ngiti
"Ano ayos kalang ba?"tanong nya sakin kaya tumayo ako at lumapit sakanya pilit ko syang hinahawakan pero para lang syang hangin na nadaan sa kamay ko
"Bakit di kita mahawakan?"sabi ko at tumingin sakanya bahagya itong tumawa
"Anghel ako at katawang tao ka"sabi nito at lumakad paupo sa Sofa
"Ang misyon mo gawin mo na dahil habang tumatagal ka dito lumiliit ang tyansa mo makabalik sa langit"sabi nito sakin kaya nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga
"Diko na alam ang gagawin ko!!"sigaw ko
"Haiveen!!! sabing wag ka maingay tsitsinelasin talaga kita!" sigaw ni Cherie mula sa kwarto kaya agad akong napatakip ng bibig ko at bahagyang tumawa
"Matulog kana kelangan mo ng lakas dito lang ako at babantayan kita"sabi ni kuya bumuntong hininga akong muli at humiga sa Sofa at ipinikit ang mata ko...
David POV's
Nawala ang ngiti ko ng makita ko si Sophie na palapit sakin
"Hey David let's talk"sabi nito kaya nilagpasan ko lang sya
"David talk to me please"sabi nya ulit kaya inis ko syang hinarap
"What do you want?"asik ko nakaramdam talaga ako ng inis ewan ko ba i just dont want to see her
"I-im pregnant at ikaw ang ama"sabi nito kaya napahinto ang buong sistema ko
What?
"A-anong sabi mo? ako ang ama?" pigil hininga kong sabi then a tears fall in her eyes
"That's why i distance myself to you akala ko tama pero David I love you and i really do"sabi nya pa at niyakap ako pilit kong pinakiramdaman ang sarili ko
Wala akong maramdaman na pagmamahal sakanya.
Phone ringing...
Humiwalay ako ng pagkakayakap sakanya at sinagot ang tawag na yun ewan ko ba abot abot ang kaba ko napatingin ako ka Sophie na seryosong nakatingin sakin kaya tinalikudan ko sya at sinagot ang tawag
"Hello?"
/David?Where are you?/ sabi ng nasa kabilang linya
"Who is this?"
/Its me Camille/ she paused for a while at rinig ko ang paghikbi nya
"Camille? why? bakit ka napatawag? at bakit ka umiiyak?"
/David.... Krisha is gone/ then she cry
"Gone? bakit saan nagpunta?"
/f**k! she is gone wala na sya she is dead! f**k david!/singhal nito at umiyak
Nanlamig ang buong katawan ko at halos para akong sinakal
napatay ko ang tawag at nanatiling nakatayo dun
"Hey David what's happen?"tanong sakin ni Sophie i look at her mas masakit to sobrang sakit ang sakit sakit sakit sakit tang ina!
"Wala na sya.. iniwan nya nako"sabi ko at dumaloy na ang luha sa mga mata ko
"Iniwan nako ni Krisha"sabi ko at napaupo at sinapo ang mukha ko pilit kong pinapakalma ang sarili ko
"Pakshet! Pakshet"sigaw ko pilit akong tumayo at kinontak si Camille para alamin kung nasan si Krisha at agad nman akong pumunta dun
Hospital Morgue...
No.. No... shet sana di to totoo
"David!" sigaw ni Camille na mugtong mugto ang mata
"Where is Krisha nasaan sya naka confine? tell me okay na ba sya?Anong room number nya?"she's alive di sya pwedeng mamatay diko pa nasasabi kung gaano ko sya kamahal!
"David she's gone she is in peace now" humikbing sabi ni Camille tinungo ko ang pinto ng morgue na yun at bawat hakbang ko palapit sakanya na nakahiga dun ay tila nadudurog ang puso ko...
Sobrang sakit ..
"K-krisha" usal ko at tinanggal ang pagkakatabing ng kumot dito
PAKSHET!!!!
"Nasan na yung pangako mo?Nasan na yung sinabi mong dimo ako iiwan? nasan na Krisha?bakit ka nakahiga dyan tang ina naman madaya ka"sabi ko at tuluyan ng tumulo ang luha ko sobrang sakit ng dibdib ko
Ganito pala yun... kung kelan wala na sya tsaka ko mapagtatanto na hindi lang sya mahalaga sakin kundi mahal na mahal ko sya ng higit pa sa kaibigan.Bakit kung kelan huli na lahat?
"Nalaman nya na buntis si Sophie"biglang sulpot ni Camille at napakalamig ng ekspresyon nya
"A-ano?"
"She get drunk because of that because of you and her f*****g love for you dahil sa love na yan nawala sya" sabi nito at muling tumulo ang luha napahawak lang ako sa damit ko.
"You know David Krisha loves you so much mas pinili nya pang masaktan kesa ikaw mas pinili nyang lumayo para dika na mahirapan. pero bakit ganito? why David bakit sya pa ang sinaktan mo?bakit kung sino pa ang nagmamahal sayo ng tunay at walang alinlangan yun pa ang pinili mong saktan?" sabi nito at muling pinahid ang luha
"Im sorry" tanging bigkas ko at isang billion na kutsilyo ang tumatarak sa puso ko dahil sa pakiramdam na yun
"Wala na David wala na sya di sya mababalik ng sorry mo" sabi nito at napa upo
"Bakit sya naaksidente?"bigkas ko napatingin sakin si Camille at mapaklang tumawa
"Baket?Lasing syang nagdrive ng motor pauwi nagpilit pa sya at sabi nya pupuntahan ka nya at sasabihin nya na ayos lng na buntis si Sophie gusto kapa nyang i congratulate alam mo ba yun! Ganon sya katanga sayo!!!" sigaw nito halos mapasabunot ako sa buhok ko sa mga nadinig ko
Di nya deserve to!!!
Cherie POV's
"Oh anong kelangan mo?" inis kong sabi ng makasalubong ko si Thomas seryoso syang nakatingin sakin medyo ilang ako sakanya ewan koba kung bakit
"Assumera"sabi nya at lumiko kaya napatingin ako sa likod ko at medyo napahiya dahil may trashcan dun at nagtapon sya
Ngumisi sya sakin at nilayasan ako!!
Kupal yun ah... Baliw amp
"Cherie andito ka lang pala hehe" biglang sulpot ni Haiven na hingal na hingal
"Anyare sayo para kang nakipagsabong ah"natatawa kong sabi dahil mukha talaga syang gusgusin
"Sabong? di naman ako manok eh" nakanguso nyang sabi at tumingin sakin ayshh here we go innocent lady
"Nevermind so baket nga?"tanong ko ulit sakanya
"Namatayan pala si David kaya diko sya nakikita 3 days from now"sabi nito at umupo sa bench sa gilid kaya umupo na din ako
"Nabalitaan ko nga yan naging kaklase ko din si Krisha yun yung pangalan nung kaibigan s***h lovers ni David na martir sakanya"sabi ko at bumuntong hininga
"You know may reason naman kung bakit sya kinuha na"sabi nya at yumuko
"Oh bat affected ka? close kayo?" sarkastiko kong tanong kaya mas ngumuso sya sakin Lord sana nagets nya ang sinabi ko kunde iiwan ko talaga to dito
"Hehe nukaba Cherie pano kami magiging close andito ako andun sya sa kabaong niloloko mo ata ako eh"sabi nito kaya napatampal ako sa noo ko at lumayas piste!
"Uy Cherie antayin moko!" sigaw nya kaya iiling iling nalang ako naglakad
"May Duty kaba sa Cresto ngayon?" pag uumpisa kong sabi at tumingin sakanya
"Hala meron pala!sige dyan kana pupuntahan ko pala si Carl sa Parking Lot kitakits nalang bye" sabi nito at kumaripas na ng takbo
Hay nako you know sa maikling panahon na kilala ko sya sobrang gaan talaga ng pakiramdam ko kay Haiven i like her as a person...
"Hey" napatalon ako sa gulat ng may tumapik sa balikat ko kaya agad akong lumingon sa likod
"Thomas?"gulat ko pang sabi pero mas nagulat ako ng akbayan nya ako at niyakap kaya halos manigas ang buong katawan ko at di ako maka kilos!
"Wag kang papalag nandyan yung babaeng gusto ipakasal sakin ng lolo ko please makipag cooperate ka"bulong nito sakin at kumawala sa yakap ngumiti naman sya sakin na tila natural lang.
"Hi Babe andito ka lang pala kanina pakita hinahanap i miss you"sabi nya at mas ngumiti at hinalikan ako sa noo...
Wait what??????
*TUG DUG TUG DUG DUG TUG DUG*
"Hehe ikaw naman ang sweet mo talaga"sabi ko at hinalikan sya sa labi kaya parang nagulat pa sya ah
Well Good Game Well Played ika nga nila
"Thomas who is she?" halos magwala na yung babae sa harap namin dahil sa nasaksihan nya napatingin ako kay Thomas na tila lutang
"Hi im Cherie, Thomas girlfriend so you?Who are you?well if you are one of her Fling girl please back off i dont give a f**k lets go Babe" sabi ko at hinila si Thomas na letse tulala
Nang nakalayo kami huminto kami sa parking lot while Thomas still not in his self
"Hey are you in earth moron?"singhal ko at tinapik ang pisngi nya
"W-what?" kunot noo nyang sabi kaya ngumisi ako
"Oh ang playboy lutang bago yun ah?Post ko naba? tsk dyan kana"sabi ko at aakmang tatalikod na ng bigla nya akong hilahin at ipasandal sa isang kotse
KORNER!!!
"A-ano ba Thomas aalis nako"asik ko dahil ilang na ilang nako sa pwesto naming dalawa as in konting konti nalang mahahalikan nya nako shemay!
"You kissed me"sabi nito naramdaman ko ang pag akyat ng dugo sa pisngi ko
Nako Cherie wag kang mag bblush wag kang mag bblush!!!
"So what if i kissed you? Bakit gaganti ka?"taas noo kong sabi at tila tinago ko ang kaba di nya pwedeng mahalata na kabado ko sakanya noh
"Yes my pleasure"sabi nya at shet!
1
2
3
4
5
O________O
"Soft lips im starting to be addicted"sabi ni Thomas at walang ano ano at iniwan ako dung in state of shock!!!!
"Diko alam na may ganun" ngingisi ngising sabi ni Carl at naka krus ang dalawang braso dun sa kabilang kotse at nakasandal pa
"K-kanina kapa dyan?!" gulat kong tanong nagkibit balikat lang sya at mas ngumisi ng nakakaloko
"Wag ka ngang ngumisi naiinis ako!" sigaw ko sakanya
"So what if i kissed you? so gaganti ka?" panggagaya nya sa sinabi ko sakanya mygod! He's mimicking what happen earlier
"Stop it! baliw ka!" sigaw ko at nilayasan sya badtrip talaga yung lalaking yun.
Badtrip azar!
Nag taxi nalang ako pauwi dahil gustong gusto ko na magkulong sa kwarto!
Curse you Thomas daaaammnn!!!!
To be continued....
A/N: Sa wakas naka UD din sorry mdyo sabaw di ako maka concentrate bawi nalang ako next UD mwa :*