Matthew POV's
Handa na ang lahat at ilang oras nalang mag uumpisa na ang Auction
Actually andito na kami lahat sa hall halos nandito lahat ang mga naglalakihang Mafia Organization sa buong mundo.
Madaming magkakalaban dito pero kelangan nila panatilihin ang kaayusan dahil nandito ang pinaka mataas sa lahat...
Yun ay ang Lolo ko...
So ano pa nga ba haha.
"Matt andito na sila Gemrald at kasama nya si Percival"sabi ni David napasara ang kamao ko talagang nagsama pa sila ah!
"Keith Dominic is also here ofcourse with your ex"sabi naman ni Cherie
Yeah with Jamaica that brat naiinis ako sa sarili ko bakit ko sya minahal?Bakit sya pa? Bakit diko alam na matagal nya palang plano ang paibigin lang ako sa kabila ng lahat akala ko totoo...
Tapos sasabihin nya talaga sakin na minahal nya talaga ako?Ganon na nasaktan nya nako
"Nasan na si Haiven?"tanong naman ni Julian agad na dumako ang tingin namin sa Island bar ng hall
At andun sya busy sa pag mimix ng drinks actually Lima naman sila dun so sinabihan lang namin yung kaibigan ni David na wag masyadong pakilusin si Haiven dun dahil ang reason lang naman eh para makapasok sya dito sa hall.
"Buti nalang at kilala mo ang mag cacater dito"sabi naman ni Thomas
"Hindi ko inaasahan na nandito kayo"biglang sulpot ni Gemrald kasama si Dominic at Percival
"Kahit kami hindi inaasahan na andito kayo ni Dominic"nakangising sabi naman ni Julian
"Ganon talaga expect the unexpected"wika naman ni Percival
"I know sa utak nyo ilang beses nyo na kaming pinatay pero ang masasabi ko lang ay wag nang umasa dahil sa oras na to nasa amin ang alas"sabi ni Gemrald at tumingin sa gawi ni Haiven
Halos mapalunok kaming lahat...
Paano at....
"Don't you dare to touch her"banta ko sakanila
"We should kaya kung ako sa inyo umpisahan nyo ng mag isip kung paano nyo sya itatakas dito yun ay kung magagawa nyo"sabi ni Gemrald at umalis
Fuck!!!!
"Guys wala si Haiven sa Island Bar!"asik ni Cherie agad kaming napa punta don
"Nasan si Haiven?"agad kong tanong sa mga bartender don
"May humila sakanyang lalaki kanina"sabi naman
"s**t!"asik ni Julian at agad tumalikod
"Mag hiwa hiwalay tayo at dito tayo sa island bar magkita okay!"sabi ko
"Cherie sumama ka sakin di pwedeng mag isa ka"sabi ni David
Agad tumango tong si Cherie napatingin naman ako kay Thomas na napairap lang sakanila at umalis na din
Seriously?Man
Nilibot ko ang buong paningin ko umaasang makita si Haiven...
Shit within 10 minutes mag uumpisa na at panigurado isasara na ang lahat ng pinto
"Hey Mr.San Jose"sabi ng isang lalaki shet bat ngayon pa?San mahanap ng iba si Haiven
"Oh Mr.Evans" sabi ko at ngumiti...
Haiven asan kaba???
Thomas POV's
Halos nalibot na namin ang buong hall pero walang Haiven na nagpapakita samin
"Asan na ba yun?"asik ni Cherie
Nakabalik na din si Matthew pero wala pa dn si Haiven
"Good evening ladies and gentlemen were glad all of Organization came here were pleasure to thanks all of you"pag uumpisa ng Emcee
Nagpatuloy ang flow ng event at nadatingan na ang ibang sangay ng Black Market...
Even Assasin...
"Nagdadatingan ang mga Assasin may chance na nandito si Carl"sabi ni Julian
"Yeah pero si Haiven ang problema natin ngayon"sabi ni David
"Let me call the highest rank Assasin in the whole world Mr.Carl Emmanuel Gavarra"pag aanunsyo ng Emcee agad naman sumulpot si Carl na may kasamang babae? She is wearing a all black night gown partnering a stiletto kitang kita yon dahil bahagyang naka awang ang ibaba ng gown upang ma highlight ang hita ng babae and ofcourse her bun hairstyle composing a whole face masked...
"San naman kaya napulot ni Carl tong babae?"singhal ni Cherie
"I praised you Mr.Gavarra for bringing a gorgeous lady here as your partner for tonight she is undeniably gorgeous aside that she is wearing a wholeface masked and it make us curious haha"sabi ng Emcee nagpalakpakan naman ang mga audience na tila namamangha sa babaeng kasama ni Carl...
Napaka ayos ng tindig ng babaeng to na tila sanay na sanay sa ganito mukhang galing to sa magandang pamilya
"Baka girlfriend nya?"sabi naman ni David
"Yari talaga yan sakin!"asik ni Cherie
"Good evening everyone as a highest rank of Assasin im gladly announce that the game is now starting"
sabi ni Carl at ibinalik ang mic sa emcee naging maingay ang paligid dahil dun so sya ang nag opening remarks.
"Ibang klase din yang pinsan mo ano ang hot ng chixx na nabingwit"sabi ni Thomas pero etong si Cherie eh mukhang badtrip na badtrip na
"Sandali lang lalapitan ko lang ang walangyang yon!"asik ni Cherie pero agad namin syang pinigilan
"Wag ka gagawa ng eksena lalo na at lahat nakatingin sakanila maging sila Gemrald ay di makapaniwala"sabi ko kaya napatingin din sila kay Gemrald na halos umusok na ang ilong sa galit.
Siguro dahil sa revelation ni Emmanuel.
"Kabadtrip!"asik ni Cherie at umupo nalang
Nag umpisa na din ang pagpili ng random upang pumasok sa Combat Area paulit ulit ang ganon
Hanggang sa muling tumayo ang emcee sa harap
"All of you are having fun right? What if lets add the fun the Supreme order that all of you will take off the mask" sabi ng emcee shet manganganib lalo si Haiven nito
"And lets start from the girl of the highest rank Assasin so that we can see her beauty behind of her mask by leading it"sabi ng Emcee
Napansin namin ang pagtayo ng babae upang pumunta sa harap....
All the crowd starting to count
5
4
3
2
1
"Haiven?"
Haiven POV's
Bat ganon gusto ko magbartender kaso huhuhu ayaw naman nila ako pakilusin...
Pumunta nalang ako sa gilid ng island bar at dun ako uupo
Pero ganon nalang ang gulat ko ng may humawak ng kamay ko at hinila ako paalis
Nung una medyo natakot ako pero habang tumatagal sa paglalakad namin nakikilala ko kung sino ang taong humila sakin
Pumasok kami sa isang room na madaming damit at may mga alahas dun...
Binulungan yon ng lalaki at nag umpisa ng lumapit sakin ang mga babae para ayusan ako
Hinayaan ko lang sila sa pag aayos sakin pero ang mata ko nakatingin sa lalaking naghila sakin
Yun yung amoy nya kaya hindi ako maaring magkamali
Nang matapos ang lahat nung una nahirapan akong mag heels pero kinaa naman dahil talented ako noh.
"Carl pano mo nalaman na ako si Haiven"tanong ko sakanya habang naka upo kami dito sa couch at kumakain ng shake shake fries galing Mcdo ewan ko kung san nya to nabili
"Hmm pano nga ba?siguro dahil namamanmanan kita" sabi nya
"It means simula ng makarating ako dito alam mo na yon?Pati lahat ng ginagawa ko?"sabi ko kaya tumango sya
"Yeah lahat"sabi nya pa
Agad akong napatakip ng katawan ko mygoshh may lahing mamboboso si Carl huhuhu
"Sige nga ano oras ako naligo kanina?"Pag nasagot nya yon talagang magaling sya mag manman
"Huh?t-teka nga iniisip mo bang pati private na gawain?"tanong nya
"Oo" sabi ko at ngumuso at mas niyakap ang sarili ko
"Pffftty hahh hindi yon kasama geez"sabi nya kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Pero bat di ka nagpapakita samin?hinahanap ka kaya nila" sabi ko
"I know talagang sinadya kong hindi nyo matrace dahil masisira ang plano"sabi nya
"Eroplano?bat naman masisira yon? ikaw ah ang judgemental mo"asik ko kaya natawa na naman sya
"Plano ang sabi ko hindi eroplano"sabi naman nya at tumawa ulit
"Eh basta! wala ka bang tiwala samin?"tanong ko
"Hindi naman sa wala akong tiwala may mga bagay lang talagang hindi kelangan lahat alam"sabi nya at isinuot ang coat nya
"Pero ngayon parte ka na ng plano,Alam nila Gemrald na naka assign ka sa Island bar kaya nung nalaman ko yun agad kitang tinakas tutal di ka din naman makakasama sa random combat dahil para lang yon sa mga Mafia pero kung magiging partner kita panigurado ligtas ka"sabi ni Carl kaya pala nagtinginan sakin sila Kanina akala ko pa naman magpapamix sila sakin ng drinks
"Edi ibig sabihin nun partner na tayo?"tanong ko tumango naman sya
"Basta eto ang plano act like a lady yung napapanood mo sa drama na mayayamang babae na may manner sa ganitong party kaya mo ba yon?"wika nya
"Aacting lang naman noh?"tanong ko kaya tumango sya nag thumbs up naman ako syempre kayang kaya ko yon!!!
"Mr.Gavarra the party is starting"sabi ng isang lalaki kaya agad na nilahad ni Carl ang kamay nya kaya agad din akong humawak dun at inilagay nya ang kamay ko sa braso nya
"Relax and dont panic lagi mong tatandaan yan and here the mask isuot mo yan"sabi ni Carl kaya agad ko syang sinunod at sinuot yon
Nag umpisa na kaming maglakad hanggang sa lumabas kami sa isang napakaliwanag na pinto
"Let me call the highest rank Assasin in the whole world Mr.Carl Emmanuel Gavarra"pag announce ng Emcee so eto na yon..
Waahhhh
Maayos akong naglakad na tila mayaman jusko lord sana naman wag po ako matisod hanggang sa makarating kami sa mini stage huhu promise po diko na pagsasabungin ang mga manok ni San Pedro
"Everythings gonna be fine just hold my hand"bulong ni Carl sakin at hinawakan ang kamay ko...
Tug dug tug dug tug dug
Ano na naman ba to???
Alam kong sobrang lamig na ng kamay ko pasmado pa naman ako huhuhu
Ramdam ko ang paghigpit ng hawak nya sa kamay ko kasabay ang matatalim na titig sakin mula sa paligid..
Kitang kita ko sila Matthew mula dito...
Panigurado hinahanap nila ako dahil patuloy ang paglingon nila sa paligid patay ako neto huhuhu
Pero napansin ko din si Boy kidnapper at yung Gemrald na may kasama pang isang lalaki na nakatingin din samin.
"I praised you Mr.Gavarra for bringing a gorgeous lady here as your partner for tonight she is undeniably gorgeous aside that she is wearing a wholeface masked and it make us curious haha" sabi ulet ng Emcee straight english huhu
Ngumiti lang si Carl sa emcee na yun at nginitian din ako
Tug dug tug dug tug dug
"Good evening everyone as a highest rank of Assasin im gladly announce that the game is now starting"sabi ni Carl at agad na ibinalik ang mic dun sa emcee at nagpunta na sa table namin
Habang naglalakad kami madami ding kinakausap si Carl siguro mga friends nya
Pero diba puro Mafia ang nandito uwaaa pano kung may mga baril sila
Nang nag umpisa na ang sabi nilang pa laro nag intay ako baka kasi may trip to jerusalem at bring me malay mo magkapera ako diba hihi
"Mag CCR lang ako dito kalang at wag na wag kang aalis dito"bilin ni Carl kaya tumango ako sakanya
Muli kong nilibot ang mata ko napakalaki ng hall na to...
"Im glad youre fine"sabi ng boses mula sa gilid ko nanuot sa ilong ko ang amoy na yon
"W-who are you?"agad kong sabi yari ako neto
"I know its you next time kasi galingan mo ang pag acting mo"sabi nya pa hays so buking na talaga ako
"Kainis naman"asik ko narinig ko naman ang pagtawa nya
Badtrip to ah
"Kanina lang nasa Island bar ka ngayon andito kana"sabi pa ni Dominic yes si Dominic to for sure mamaya malalaman na nung Gemrald na ako to waaahhh
"Talent ang tawag don"sabi ko naman
"Mamayang 9 pm baka ipatanggal nila ang mga maskara sinabwat ni Gemrald ang nagpapatakbo ng event gusto ka nila mahanap at mukhang nakakakutob silang ikaw si Haiven so better get ready"sabi nya pa
"Teka nga bakit mo sinasabi sakin yan? Diba gusto nyo nga ako makuha"singhal ko nagtiim lang ang bagang nya bakas yon dahil sa mata lang naman ang maskara nya
Impairness sakanya ang gwapo nya ah.
"Ayokong madamay ka dito,Ayokong mapahamak ka"sabi nya pa
"Pero bakit nga?" singhal ko naman pero nanahimik lamg sya at umalis na
"Haiven sino yong lumapit sayo?"tanong ni Carl sasabihin ko kaya? Sige na nga.
"Si Dominic yun"sabi ko bahagyang napa awang ang bibig nya
"Bakit mo kinausap?"kalmadong sabi nya pero bakas na sa boses nya ang pag kainis.
"Nakilala nyako so no choice para tumanggi besides wala naman syang balak sakin sinabihan nya nga ako sa pinaplano nila Gemrald mamayang 9 na magpapatanggal daw ng mask at may kutob na sila Gemrald na ako to"sabi ko
"Tara"sabi ni Carl at umalis kami sa table at nagtungo ulit sa isang kwarto
"Anong gagawin?"tanong ko lumapit naman si Carl sa isang magandang babae doon at kinausap nya yun ilang minuto din eh lumapit ulit sakin si Carl
"Magpalit kayo ng damit"sabi nya kaya napa awang din ang bibig ko
"Wag ka ng magtanong kumilos ka nalang malapit ng mag 9 please Haiven please cooperate"sabi ni Carl kaya no choice ako
After ilang minutes ibang damit naman ang suot ko naka cocktail dress naman na black tas tube jusko talented na talaga ako pwede na ata ako mag model neto
"Better" sabi ni Carl this time kase kita na ang kalahati ng mukha ko kaso super dark ng lipstick ko mukha akong rockstar
"Lets go back Haiven kay Tim ka sumama pabalik"sabi ni Carl sabay ang paglabas nung babae sa dressing room suot yung damit ko kanina
"Lets go Carl"sabi nung babae at hinila na sya paalis
Sigur kung matalim lang ang titig ko natusok na yung babaeng yon
"Hey kita sa mata mo ang inis kalma lang ginagawa ni Carl yon para sayo ang mahalaga ngayon eh dika makuha nila Gemrald kaya bumalik na tayo sa loob at magtungo sa mga kasama mo"sabi nung Tim kaya humawak nadin ako sa braso nya
"All of you are having fun right? What if lets add the fun the Supreme order that all of you will take off the mask" sabi ng emcee so tama nga si Dominic napatingin ako sa gawi nila Carl ang higpit ng hawak nung babaeng yun sa braso ni Carl tsk
"And lets start from the girl of the highest rank Assasin so that we can see her beauty behind of her mask by leading it"sabi ng Emcee ayan na aakyat na yung girl sa mini stage
5
4
3
2
1
Agad akong lumapit kila Cherie
"Haiven?!" sigaw ni Cherie kaya agad kong tinakpan ang bunganga nya
"Wag kang maingay maririnig ka nila"sabi ko naman
"Hindi muna ako lalayo sainyo sabi ni Carl just in case na magkagulo kabisado ko ang foot prints para makalabas kayo agad dito"sabi ni Tim at tumango lang ako
"Si Carl ba ang humila sayo kanina?"tanong ni Matthew sakin kaya tumango ako
"Ako dapat ang nandun sa pwesto ng babaeng kasama ni Carl kaso nalaman namin na naghihinala na yung Gemrald sakin kaya sinabwat nya ang organizer na ipatanggal ang mask kaya ayon nagchange kami ng outfit"sabi ko
"Buti nalang at ayos ka"sabi ni Julian at niyakap ako they all cared for me.
"Wag nga muna kayo magyakapan dito ang isipin nyo kung paano tayo makaka alis dito ng di nila nakukuha si Haiven"sabi ni Matthew
"Look at them mukhang bigo sila na hindi si Haiven ang kasama ni Carl ngayon" sabi ni Thomas at napangisi
Ilang minuto pa ang lumipas may matandang dumating at nagdiretso yon sa harapan halos lahat ng nandun ay nagsipagyuko
"Andyan na ang lolo mo Matt"sabi ni Julian so lolo pala to ni Matthew bakit hindi sya nagbless manlang or nagbeso
"Uy Matthew dapat nagbless ka sa lolo mo ang bad mo din talaga minsan"asik ko kay Matthew pero parang di nya ako nadinig bungol na ata sya
"Mag uumpisa na random combat para sa mga kababaihan"sabi ni David
"Haiven kelangan nating bumalik sa wardrobe"sabi ni Tim kaya napanguso ako
"Magpapalit na naman ba?"tanong ko pero hinila na dn ako bigla ni Tim okay pag ako talaga nagkapasa sumbong ko sila kay San Pedro huhuhu
Nang makarating kami sa wardrobe room naabutan ko dun si Carl na kampanteng naka upo this time nakatanggal ang mask nya
"Stay here at dika lalabas hanggang sa matapos ang Auction"sabi nya
"Hala di ako makakanood nun" sabi ko
"Mapanganib Haiven we need to protect you lalo na at ikaw ang target nila gusto ka nilang ipain samin"sabi nya pa
Napatango nalang ako labag man sa loob ko...
"Babalik ka naman dito Carl diba?"tanong ko napatango naman sya at lumapit sakin at tinap ang ulo ko
"Ill be back, here gamitin mo tong ipad ko may mga games dyan para dika maboring"sabi nya pa kaya ngiting ngiti ako
Ambait nya ata din ngayon kasi pinahiram nya ko ng ipad waahhh
Nang makalabas sya ng pinto naglaro nako yeahhhh
Tag adik na to wahahahahaha
Ilang oras ang lumipas na umay nako maglaro tapos nauuhaw pa ako.
Pwede naman siguro ako lumabas kahit sandali
Ibinaba ko ang ipad na hawak ko sa couch at dahan dahang lumabas ng kwartong at nagtungo sa hall para kumuha ng maiinom pero ganon nalang ang gulat ko ng may spotlight na tumapat sakin.
Hala anong gagawin ko???
Halos lahat nakatingin sakin,Hala ka baka bawal kumuha ng maiinom at pagkain dito kaya nataranta akonh ibinalik yun sa lagayan at aalis na sana ng magsalita yung emcee
"So she is the last challenger who will fight the defending champion" sabi ng emcee
Kaya halos mangatog ako sa sinabi nya...
Ibig bang sabihin nito nahuli nila ako at gusto nila ako lumaban sa gitna?Eto ba ang sinasabing Combat?
Nilibot ko ang paningin ko upang hanapin kung nasaan sila at di ako nabigo dahil andun sila sa bandang itaas na bakas na bakas sa mga mukha nila ang pag aalala
"Please comehere lady"sabi ng emcee dahilan ng pagbalik ko sa ulirat pero di pa din naaalis ang tingin ko kila Matthew
Someone help me....
Agad na dumako ang tingin ko kila Gemrald na ngiting ngiti samantalang si Dominic eh nag aalala din naglakad nako papuntang harapan pinanatili ko ang pagiging kalmado ko ayokong bumakas sakin ang takot ayokong makita nila ang takot ko.
"Now decide.. Fight or Buy?"sabi ng emcee kaya napatingin ako sakanya binubugaw ba ako ng lalaking to?
Napatingin naman sakin yung matanda na nakaupo sa gitna yung lolo ni Matthew na seryosong nakatingin lang sakin ano bang trip nila sa buhay nila.
"Ill start 4 million dollars"sabi ng isang lalaki na diko kilala
"Wow high amount at first bet!"sabi ng Emcee so binebenta nga ako neto!
Tumingin ako kay Matthew na naglalakad na papuntang harapan
"10 million dollars"sabi naman ni Gemrald halos magbulungan na ang iba dahil sa taas ng presyo na yon so desidido talaga silang makuha ako
"15 million"sabi pa ng isa waaaahhh ampanget nong lalaki huhuhu
"Another???"tuwang tuwa na sabi ng emcee
"100 Million Dollars take it or leave it this girl is mine and that is an order from the heir of highest empery of Mafias"sabi ni Matthew at agad akong hinila paalis ng stage
"200 Million dollars"sambit naman ni Gemrald naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Matthew sa kamay ko
"So this girl is sold by Mr.Gemrald Cobin"sabi ng emcee hahawakan na sana ako nung Gemrald ng humarang si Matthew
"Kung gusto mo ng gulo ako ang harapin mo wag na wag kang mandadamay"singhal nya ng makalapit so Gemrald samin
"Wow Matthew Brent coming from you? wag mandadamay?wag kang magpatawa!"kalmado pero bakas na bakas ang inis ni Gemrald
"What's happening?" sabi ng boses ng matanda at yung Lolo ni Matthew ang nagsalita
"Dont tell me your fighting over this girl?"mahinahong dagdag na sabi ng lolo ni Matthew
"Mr.Matthew is not fair supreme"magalang na sabi nung Gemrald
"Huh!Ako pa ang hindi fair dito?!"sigaw ni Matthew at kinwelyuhan ang nakangising si Gemrald
"Stop it! wag kayong gumawa ng eksena dito tandaan nyo puro mafia at assasin ang nandito"sabi pa ng lolo ni Matthew
"Then pagsabihan mo ang bagong salta na to na wag akong kalabanin"inis na sabi ni Matthew at hinila na ako
"Wait" pigil nman ng matanda takte naman oh naipit pa ako sa mga to nauuhaw lang naman ako
"Wait lang din po ah,Mawalang galang na ho ako si Haiven Rachel Alcantara na hindi kabilang sa mga Mafia at Assasin magtatagalog nako dahil nakakaintindi naman ho kayo nadamay lang ako dito actually sa wardrobe po ang trabaho ko napadpad lang ako dito dahil nauuhaw ako tapos bigla akong natapatan ng ilaw ilaw tas biglang pinagpustahan nako?Ano to joke?"sabi konat hingal na hingal
"Teka po taympers uhaw na uhaw na talaga ako"sabi ko at lumapit sa lamesa na may juice at agad na uminom ng 3 juice na baso at straight na nilagok yun
Bakit ba uhaw nga ako
"Okay na po nakainom nako thankyou"sabi ko at pinunasan ang bibig ko
"Your unbelieavable miss"sabi ng matanda kaya napanguso ako sa haba ng speech ko unbelievable lang ang sinabe nya grabe alam ko na kung kanino nagmana si Matthew.
"What is your connection to my grandson at ganon nalang ang pagtaya nya ng malaking pera para makuha ka"tanong sakin ng lolo neto ni Matthew
"She is my girlfriend and soon to be my wife"sabi ni Matthew na dahilan ng pagkabingi ko sa mga oras na yun? girlfriend nyako? at inannounce nya talaga? waaaaaahhhhh baka katayin nako ng buhay ng lolo nya
"Iba na pala ang taste mo sa babae Matt"nakangising sabi nung matanda sinasabe nya bang walang taste si Matthew dahil ako ang girlfriend neto?
"Mawalang galang na po ulit kung wala na po kayong magandang sasabihin babalik nako sa loob please lang"asik ko pero ganon nalang ang pagtataka ko ng sumenyas yung matanda sa emcee at may ibinulong ito pa sikreto pa ang mga to tse
"Okay ladies and gentlemen the supreme decided that we will suspend the auction due to personal reason so were sorry for some trouble thankyou for coming for tonight"sabi ng emcee kaya wala pang minuto nagtayuan agad ang iba maliban kila Cherie sa bandang taas
"Matthew Brent we will talk come to my house later and bring this girl"sabi ng lolo ni Matthew ayaan lagoott sya takte pati ako damay eh.
Agad umalis yung matanda
"For now makakatakas kayo pero sa susunod di na mangyayari ulit yun"asik ni Gemrald kaya inis akong hinampas sya ng tray
"Alam mo ikaw puro ka banta nababadtrip nako sayo ah pag ako talaga napuno sa kasutilan mo ipapatawag ko mga magulang mo para multuhin ka nila!"inis kong sabi
Napansin ko ang pagputla ng mukha nya sabi na eh lakas makabanta takot naman sa mumu.
"You i will kill you!"sigaw nya sakin pero ngumisi lang ako sakanya at bumulong
"You can't kill me dahil pinatay mo na ako dati hindi ba kuya?"sabi ko at tumawa ng nakakaloka at agad na umalis sana gumana ang acting ko.
Ako kasi ang sumundo sa kaluluwa ng kapatid nya nung pinatay nya to di naman nya sinadyang patayin kapatid nya pero alam ko sa sarili nya na sinisisi nya ang sarili nya.
Kaya diko alam kung maaawa ako or maiinis sakanya...
"Haiven are you fine?"tanong sakin ni Julian ng makarating kami sa tinitirhan naming hotel dito sa Greece
Tumango lang ako sakanya masyado akong napagod kaya gusto ko na matulog.
"Langya ka Carl kung ano ano mga pasabog mo!"singhal ni Cherie
"Madaldal ka kaya ayokong malaman mo"sabi naman ni Carl at uminom ng frappe na hawak nya
"Ewan ko sayo!"sigaw ni Cherie at pumuntang kusina malamang kakain yun don masundan nga
To be continued...