Haiven POV's
Ilang minuto ang itinagal ng byahe papunta sa bahay neto ni Julian.
"Taga saan ka ba?"Tanong nito sakin
"Taga La-" napahinto ako sa sinasabi ko dahil malamang hindi sila maniniwala na galing ako sa langit
"Laguna, sa Laguna pa ako hehe"sabi ko buti nalang talaga matalino ako at napadaan yung isang sasakyan at nakasulat yun dun whahahahahah
"Laguna? eh bat ka napadpad sa Bulacan? tapos mukha ka pang gusgusin" wika ni Matthew
Jusko ano sasabihin ko? Ayoko na magsinungaling!
"Ah eh pinalayas na kasi ako samin" buntong hininga kong sabi alam kong di ako pinalayas pero kapareho na din yun ng katotohanan na pina alis ako sa langit..
"Kung ganon wala kang matitirhan?"Nag aalalang tanong ni Julian kaya tumango ako
"Ate Haiven dun ka samin para may ate nako,Kuya let ate to stay at our house"sabi ni Zelesaiah kaya nagulat ako dahil akala namin natutulog sya
"Do you really like Ate Haiven?" tanong ni Julian kay Zelesaiah kaya tumango naman ang batang babae
"Dre she still a stranger at wala tayong information about sakanya wag ka nga basta basta magpatira ng kung sino sino lang mamaya masamang tao pala yan" asik ni Matthew kaya napalunok ako grabe naman to sakin
"Laboy lang ako p-pero di ako m-masamang tao"bigkas ko at napayuko ganito pala ang pakiramdam ng husgahan masakit pala haha.
"Matthew watch your words,im sorry Haiven dont mind him"sabi ni Julian at nginitian ako
Di nagtagal pumasok ang sasakyan sa isang napakagandang lugar ang gaganda ng mga bahay doon so yayamanin pala ang mga to just wow
"Halika pasok ka sa bahay"Pag yaya ni Julian kaya bumaba na din ako ng sasakyan napangiti ako dahil sa magandang simoy ng hangin dito at sa katahimikan ng paligid
"Ang ganda dito" masaya kong sabi
"Ate lets go inside"sabi ni Zelesaiah kaya hinila nyako papasok entrada palang ng bahay manghang mangha nako napakaganda kulay puti ang paligid nito at may mga nagtata asang pundasyon kapareha ng mga pundasyon sa langit
"Heaven inspired ang design ng bahay"nakangiting sabi ni Julian
"Oo nga napakaganda"nakangiti ko namang sabi
"Anyway Haiven maligo kana sa itaas,Manang!! pakisamahan nga sya sa Guest room at bigyan ng pamalit kumuha ka nalang sa mga luma kong damit at ipagamit muna sakanya pansamantala"sabi nito kaya may isang babaeng lumapit sakin kaya sumunod nalang ako sakanya nangangati na din tlaga ako eh
Kung ganito ang titirhan ko dito sa lupa para na din akong nasa langit...
Pero...
Iba pa din kung nasa langit ako...
T____T
Naligo nako at nag umpisang ayusin ang sarili ko...
May kalakihan ng damit pero ayos lang naman keri lang
Julian POV's
"Julian sigurado ka bang patitirahin mo yung babaeng yun dito?"Sabi ni Thomas napangiti ako wala namang masama kung tutulong ako sa kapwa
"Why not mabait naman sya tsaka sobrang gaan ng pakiramdam ko sakanya"sabi ko at nilagok ang baso ng kape na hawak ko
"Tsk yan ang mahirap sayo dre ang bait bait mo kaya lagi kang naloloko"singhal ni Matthew sakin
"Wala eh ganun talaga hahaha" sabi ko
"Kuya kuya where is ate Haiven? magpapakwento ako sakanya eh" sabi ni Zelesaiah at hawak ang favorite ng Story books
"Naliligo pa wait mo nalang sya"sabi ko naman
Anyway im Julian Rade Castro,19 years old, 3rd year College in Business Administration
Describe me? Im Handsome,Gentleman what else im Handsome again? hahaha
"Manang paki sundo nga si Haiven sa Kwarto tawagin mo na para kumain"sabi ko napatingin naman ako sa tatlong ugok na may kanya kanyang mundo
Si Matthew naglalaro sa cellphone nya
Si Thomas nanonood ng TV while David nagbabasa ng libro
"Hoy wala ba kayong balak umuwi may mga pasok pa tayo bukas"sigaw ko kaya nagsamaan ang mga tingin nila sakin
"Ganyanan na Julian palibhasa may babae na dito sa bahay mo kaya pinapaalis mo na kami"tila nagtatampo kuno na sabi ni Thomas kaya natawa ako at binato yung kutsara sa gilid ko
"Dami mong knows lul!"sabay tawa
"Ser ser wala po yung babae sa kwarto" sabi ni Manang kaya napatayo ako
"Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Malamang nagnanakaw na yun" nakangising sabi ni Matthew pero di ko manlang makuhang kabahan na may gagawin syang masama
"Hanapin natin"sabi ko at naglakad na pataas
Sa unang hallway kami dumaan pero wala sya dun
Hanggang sa di kalayuan nakita namin si Haiven na nakatalikod at nakasilip sa bintana na tila hingal na hingal
"Haiven?"tawag ko sakanya pero ganun nalang ang gulat namin ng humarap sya..
P-para syang Anghel!!!
Napakaganda ng pagkakulot ng buhok nya yung mata nyang hindi ganun kalakihan at ang ilong nya na di rin katangusan pero masasabi ang perpekto
"Si Haiven ba yan?"namamanghang wika ni Thomas kaya napangiti ako
"Dont judge a book by its cover"mahinang sabi ni David kaya napatingin kami sakanya kasabay ang pagtiklop nya ng libro nya
"Judging doesn't make you perfect" sabi nya pa at ngumiti tska lumapit kay Haiven
"Okay ka lang?"tanong nito sakanya
Pero ganun nalang ang gulat namin ng yumakap si Haiven kay David!!!
"Akala ko nawawala nako dito eh! lumabas ako ng kwarto para pumunta sainyo pero kanina pako palakad lakad naliligaw nako"sabi nito at tumulo ang luha nya
"Hey stop crying as long as nandito ka sa loob dika mawawala"sabi ko at ngumiti sakanya
"Salamat Salamat"sabi nya
Bumaba na kami para kumain patigasan talaga sa tatlong to imbes na kumain sila pinakatitigan lang nila si Haiven na busy kumain
"Ate you know when i first saw you para kang angel na galing sa langit para kang may pakpak"nakangiting sabi ng kapatid ko kaya napatingin kami sakanya
"Ah hehe t-talaga?"usal ni Haiven
"Opo ate kaya nga i like you eh"dagdag pa nitong sabi
"Haiven pag pasensyahan mo ang kapatid ko ah mahilig kasi sa nga angels yan at naniniwala sa Angels" nahihiya kong sabi bata palang kasi si Zelesaiah puro about sa angels na ang kinikwento ni Mommy skanya
"Di naman totoo ang angels"usal ni Thomas kaya nanlisik tuloy ang mata ni Zelesaiah sakanya kaya natawa kami dahil nag uumpisa na naman syang asarin ang kapatid ko
"They are true!"sigaw ni Zelesaiah
"Hey mamaya na kayo mag umbagan nasa harap tayo ng kainin oh" sabi ko naman
"Ikaw ate Haiven, do you beleive in Angel?"tanong ni Zelesaih sakanya sumilay ang matamis na ngiti ni Haiven na naging dahilan para mapatitig kami lalo sakanya
"I beleive in angels dahil nakakita na ako nun"sabi ni Haiven kaya kumunot ang noo ko
"Really??? for real?!" sigaw ni Zelesaiah
"Yes! at ikaw ang angel na yun tignan mo ang sarili mo para kang angel sa ka kyutan oh" natatawang sabi ni Haiven kaya napangiti din ako huling huli nya ang kiliti ng kapatid ko
"Really ate angel ang tingin mo sakin?"Natutuwang usal ni Zelesaiah
"Yes ,kaya tapusin mo na kinakain mo at kekwentuhan kita about sa Angels" nakangiting sabi ni Haiven kaya mas lalong nag sparkle ang mata nito
"Yeheeeey!! ill finish my food na!" sabi ni Zelesaiah at lahat ng pagkain sa plato nya ay inubos nya grabe ang dating malungkutin na si Zelesaiah eh naging ganitong muli since ng mamatay ang parents namin a year ago dahil sa aksidente naging tahimik na lagi ni Zelesaiah pero just wow nagbalik yung dating Zelesaiah na masayahin...
Nang matapos kami kumain agad na umakyat sila Haiven sa kwarto ni Zelesaiah para kwentuhan
"Dre im not expecting na ganun pala kaganda at ka amo yung mukha ni Haiven noh"sabi ni Thomas
"Yes maganda sya pero wag mo idadamay sa kalokohan mo" asik ko sakanya playboy pa naman tong si Thomas
"I know i know masyadong inosente sa paningin ko yun kaya di sya ang type ko nagagandahan lang ako sakanya"sabi ni Thomas
"Any way Matthew ano nahanap mo si Jamaica?"agad kong tanong
"Wala sya dun kabadtrip hanggang kelan nya ba ako iiwasan"inis na sabi nito
"Bakit ba kasi naghahabol ka pa dun" snghal ni David sakanya
"Dre mahal ko si Jamaica" sabi ni Jojo
"Mahal mo nga niloko ka naman" asik ko
Si Jamaica ay ex gf ni Matthew its been a month ng nagbreak sila pero still naghahabol pa din si Matthew dun yes maganda si Jamaica at mabait kaya nga di namin makuhang isipin na magagawa nyang sumama sa iba dahil masyado nilang mahal ang isat isa
"Learn to let go Matthew may mga bagay talagang kung hindi para sayo hindi talaga sayo" sabi ko at nginitian sya
"Right now its hurt but soon when you accept the truths the pain that youre feeling right now will go away"dagdag ko pang sabi
"You dont understand me" he said
"I do Matthew I do"i said then i tap his shoulder
"I love Jamaica so much at sobrang sakit pa din masyado kaming madaming pinag daanan tapos hahantong lang kami sa ganito" pigil luhang sabi ni Matthew
"When you love dapat alam mo ding masasaktan ka at dapat handa ka din sa sakit na yun" isang malamig na boses ang narinig namin..
Si Haiven...
Nangunot ang noo ni Matthew sakanya
"Wag kang maki alam feeling close ka ah"singhal ni Matthew sakanya kaya nagtaka naman na tinignan kami ni Haiven?
"Inaano ka?" nagtatakang tanong nito
Napansin ko naman ang hawak nyang libro pocket books?
"Yung sinabi mo!"singhal ni Matthew
"Aahh yun ba nabasa ko lang dito sa libro tignan mo pa"nakangiting sabi ni Haiven
"Arghh ewan!Uuwi nako!"sigaw ni Matthew at lumabas na
"Pasensya na Paranoid ang lolo nyo"natatawang sabi ni Thomas
"Pre una na kami Haiven nice meeting you"sabi ni David kaya tumango lang si Haiven sakanila
Andaming problema sa mundo...
Haysss....
To be Continued...
VOTE AND COMMENTS!!! YIEE THANKYOU