Chapter 7

2274 Words
Haiven POV's Nang makauwi ako agad akong nagpunta ng kwarto para magpalit "Maam Haiven nandyan na po pala kayo"nakangiting sabi ni Manang at inabutan ako ng juice "Salamat manang"sabi ko at ngumiti Masyado akong masaya dahil nakatulong ako kila David diko din ineexpect namagugustuhan nila yun hays.. *PEEEPP PEEEP* Busina ng kotse? Baka nandyan na si Julian!  Nagmadali akong bumaba pero ganun nalang ang pagtataka ko dahil may isang babaeng maganda ang sumalubong sakin "Ano ba manang pakibilisan nga!"singhal ng babae at akmang sasaktan si manang kaya agad akong humarang "Wag mo syang sasaktan"asik ko at pinaka titigan sya "Sino ka naman!Kilala mo ba ako ha?"singhal nya sakin at masama akong tinignan "Ako si Haiven Rachel Alacantara bakit? Ikaw sino ka?"sabi ko naman at taas noong tinignan sya kala nya huh hooy kabisado ko na ang buong pangalan ko noh! pero teka Rachel ba yun?or Resyel? damn! im doomed! "Yung Rachel ko single L lang ang huli"sabi ko at ngumiti "What are you talking about?! Get lost! ayoko makita yang pagmumukha mo dito!"sigaw nya sakin "Mam bisita po sya ni Sir Julian"biglang sabat ni Manang "Bisita? Etong babaeng to?"singhal nya at muli ako sinamaan ng tingin "Wag mo na nga awayin si Manang masama yan"sabi ko at humarang muli "Ha! matapang ka?! Fiancee ako ni Julian kaya pag sinabi kong lumayas ka lumayas ka!"sigaw nya sakin kaya napayuko ako... "Hindi ba sinabi sayo ni Julian yun? IM his FIANCE so back off wala kang mapapala sakanya mang aagaw!"singhal nya sakin kaya mas napahiya akong yumuko at bumulong kay Manang... "Manang ano ibig sabihin ng Fiancey?"tanong ko mas hininanaan ko para di marinig ng bruha sa gilid "Mam ibig sabihin nun soon to be na asawa ganun"sabi ni Manang kaya napatango ako "So anong paki ko?"singhal ko sakanya masyado syang mapagmalaki ah! "Ako nga napulot lang nila Julian pinagmayabang ko naba? huh huh? echusera to"asik ko at ngumiti kay Manang "Ayos ba manang? okay ba yung punch line ko pang Drama na ba?"tuwang tuwa kong sabi at nakipag apir pa dito "Yes mam ang galing galing nyo po"masaya ding sabi ni manang at nag apir pa kami "You two! SHUT the F*ck up!"galit na sigaw nung babae kaya nanahimik nako di naman ako pala away eh  baka magagalit si San Pedro naalala ko nga nung minsang pinag sabong namin yung manok nya at nagpustahan kami ayun napagalitan ako ng todo bawal daw kasi mag away dahil masama naman talaga Well its past na kaya forget it... "Guard!Palabasin nyo tong babaeng to at wag na wag kayong tatawag kay Julian kundi lahat kayo tanggal sa trabaho!"sigaw nya kaya lumapit sakin si manong guard "Pasensya na mam Haiven kelangan ka namin palabasin pero wag po kayo masyado lalayo dito sa bahay ha para pag naka uwi si Sir makita nya kayo agad"sabi ni Manong kaya tumango nalang ako... Ang galing sa drama ko lang nakikita na may pinapalayas ang isang tao dahil bumalik ang legal na asawa... Teka Dont tell me yung babaeng yun ang legal at ako ang kabit?!! O_____O Erase Erase pwede din naman kasi na ako talaga ang tunay na asawa at yun yung kabit kasi diba ako ang nagmukhang mahina tapos kunwari may death treat kaya kelangan nila magsama! Gosh!! im so galing galing na talaga... Hayss iniba ko yung iniisip ko dahil masyadong Exxage na... Dumukot nalang ako sa bulsa ko at may nadukot akong pera whahaha makabili na nga lang muna... Lalalalalalala~ Lalalalalalala~ Ice cream? "Manong pabili po ng ice cream yung kapareho nun"sabi ko at tinuro yung binili ng bata "Ay nako ineng ubos na yung ganung ice cream pero sa isang branch namin madami pang stock"sabi ni kuyang tindero wah gusto ko pa naman ng ganun na ice cream! "Manong saang branch yan?"tanong ko "May kalayuan pa eh kelangan mo pa sumakay ng jeep at tricycle"sabi ni manong kaya tumango ako at umalis Kelangan ko daw sumakay ng tricycle tapos jeep... Agad akong nagpara ng tricycle at sinabi kay manong na ibaba ako sa may mga jeep nung una naguluhan pa si manong at muntik ako ihagis palabas ng tricycle at isadsad ang mukha ko sa lupa habang tumatakbo to pero higit sa lahat joke lang yun.. Nang ibaba ako ni manong sa sakayanng jeep agad akong sumakay dun... Ilang minuto din eh bumaba na din ako ng sabhin ng driver na "Hanggang dito nalang" Medyo weird pakinggang hahaha well what evah! Teka nga asan na ba ako??? Tumingin ako sa paligid ko at may iilang tao ang dumaan ng biglang bumuhos ang malakas na ulan!!! Im doomed!! paano ako uuwi neto?? Baka hinahanap na nila ako T_______T Ilang oras akong nakatayo dun... Masyado na akong nilalamig dito... *Acchoooooo* Sinisipon nako huhuhuhu Julian asan kana ba? hahanapin mo kaya ako? mahalaga kaya ako? Hanggang sa may napansin akong kotse... pamilyar masyado "Matthew?"mahinang bulong ko pero akala ko pupuntahan nya ako dito  Humarurot yung kotse paalis nakaramdam ako ng kalungkutan akala ko may taong nag aalala sakin wala pala... Ilang minuto akong tulala dun at naka upo diko na ininda yung basa ng ulan masyadong nababalot ng lungkot yung puso ko at sobrang bigat ng pakiramdam ko... "May dadating...walang dadating..." mahinang bulong ko Sa kabilang kalsada napansin ko ang isang umiiyak na pusa na tila nang hihingi ng tulong hala basang basa na din sya ng tubig ulan... *Nyaaw nyaaw nyaaaw nyaaw* Maingay nitong iyak sa gitna ng kalsada mabuti nalang at walang masyadong dumadaan doon na mga sasakyan nung nagka chance na wala na talagang sasakyan na dadaan mabilis akong tumawid sa kabila "Kawawa ka namang pusa ka alam mo pareho tayong basa sa ulan oh" sabi ko at kinuha sya sa lupa at agad na hinagod ang mabalahibo nyang likod... "Halika sumama ka sakin dun tayo sa kabilang side" sabi ko habang nakatingin sa pusa Ouch! Yung paa ko parang namimilipit at masakit yun nanatili akong nakatayo dun Pero ganun nalang ang gulat ko ng may isang napakabilis na sasakyan ang parating at tila nanigas ang binti ko "Aaahhhhhhhhhhh" mahigpit kong niyakap ang pusa at tila handa ng salubungin ang sasakyan ng "Haiven!!!!!" sigaw ng boses at naramdaman ko nalang na hinila nya ako palapit sakanya at niyakap "Bakit di ka nag iingat!" singhal nya sakin pero nanatili akong nakapikit naramdaman ko ang mainit na tubig na nanggagaling sa mga mata ko... Matinding takot ang nadadama ko! "Haiven?"sabi ng lalaki mula sa likod ko at nakita ko si Matthew dun na lumabas ng kotse Ang mga mata nya halatang pagod na pagod Humiwalay ako ng yakap sa taong nagligtas sakin... "Carl Emmanuel?" nagulat kong sabi dahil sya ang taong nagligtas sakin  "Mag ingat ka nga" asik nya sakin kaya napayuko ako "Maraming salamat"sabi ko sakanya at ngumiti muli kong tinignan si Matthew na seryosong nakatingin samin "Matthew nababasa ka na ng ulan!" sigaw ko at lumapit sakanya nanatili syang nakatingin sakin at bumakas ang pag aalala sa mukha nya tsaka nya ko pinagmasdan "Pumasok ka na sa kotse mo"sabi ko pang muli at mahina syang tinulak papasok sa kotse nya mabuti at di sya nagmatigas pa dahil ng iginaya ko sya sa kotse nya kusa syang kumilos... Isinara ko ang pinto ng kotse at bumalik kay Carl na nanonood lang samin "Carl pasensya kana talaga" sabi ko at yumuko  tinap nya ang ulo ko at ngumiti sya sakin "Ihahatid na kita sa inyo" sabi nya at napatingin kay Matthew sa loob ng kotse at nagtutuyo ng sarili nya "Hehe wala nakong uuwian eh"kamot ulo kong sabi naramdaman ko na din ang paghinto ng ulan "Pwede ka mag stay sa Apartment tara para makapag bihis kana"sabi ni Carl pero napa iling ako "Ayos nako Carl ano kaba masyado ng malaking istorbo ang nagawa ko"sabi ko at ngumiti "Ako na ang bahala sakanya makakauwi kana"sabi ni Matthew ng makalapit sya samin "Tss ikaw? eh wala ka nga sa sarili mo at muntik mo pa syang sagasaan"asik ni Carl  "Labas kan dito at isa pa kila Julian sya nakatira kaya ihahatid ko na sya dun" sabi ni Matthew "Wag na Matthew pinalayas nako ng Fiance ni Julian dun kaya di nako babalik dun masyado ng malaking storbo ang nagagawa ko"sabi ko at napayuko "Kaya ko na ang sarili ko" dagdag ko pang muli "Sa bahay ka uuwi"sabi ni Matthew pero nagitla ako "Sa bahay nyo? nako hindi na bago naman ako mapadpad kila Julian eh natutulog nako sa  kalsada" sabi ko at bumuntong hininga pero bumakas ang pagtataka sa mukha nila "Natutulog ka sa kalsada?"tanong ni Carl kaya tumango ako "Pero babae ka di ka dapat nasa lansangan" sabi nya pang muli "I can handle myself tsaka di naman ako papabayaan" sabi ko at ngumiti  "Di nyo naman ako obligasyon eh" sabi ko pa at inayos ang sarili ko at nagumpisa ng tumalikod... Sa maikling panahon ko kayong nakilala eh masaya nako... Nakaramdam akong muli ng lungkot... Nang medyo malayo nako sa pinanggalingan ko kanina naisip kong maupo nalang muna sa gilid nakaramdam nako ng gutom eh... Magaganda na ang mga bahay sa paligid ko... Hanggang sa may humintong itim na kotse sa harapan ko Nakaramdam ako ng kaba "Haiven? ikaw ba yan?" nakaramdam ako ng kapanatagan ng loob ng madinig ko ang boses nya tumingala ako at nakita ko sya at bakas ang pag aalala "Tumawag sakin sila Julian na pinalayas ka ni Monique kaya tumulong na din ako sa paghahanap sayo at masasabi kong ang swerte ko nakita kita!" masayang sabi ni Cherie sakin "Lets go" sabi nya pero umiling ako "Cherie di na ako babalik kila Julian masyado na akong sagabal"sabi ko "Baliw kaba alanganamang pabayaan kita dito" singhal nya sakin kaya tinignan ko lang sya "Sumama kana sakin dun tayo sa Condo ko at isa pa ako lang mag isa ang nakatira dun" sabi nya pa "Please Haiven ayokong iwan ka dito" dagdag nyang muli kaya napangiti ako "Sige na sasama nako pero wag dun kila Julian ah baka kasi kalbuhin nako ng fiance nya eh" sabi ko at tumawa Tumango naman sya sakin... Julian POV's Kanina pa umiiyak si Zelesaiah dahil hinahanap nya si Haiven "Kuya bring ate Haiven back" humihikbi nyang sabi "Yes baby hinahanap na si Ate Haiven mo"sabi ko "Pare wala pa din" sabi ni Thomas kaya halos kumuyom ang kamao ko darn it! Its Monique fault after all "Julian babe!"speaking of! Agad ko syang sinalubong sa pinto at sinamaan ng tingin "Anong ginawa mo? how dare you" singhal ko sakanya "What are you talking about?!" maarte nyang sabi kaya hinawakan ko ang braso nya at mahigpit na hinawaka yun "Ano ba Julian nasasaktan ako!" singhal nya sakin at pilit na tinatanggal ang kamay ko "You witch! its all your fault bad ka talaga!!!Pinaalis mo si Ate Haiven!!" sigaw ni Zelsaiah at umiiyak na umakyat papunta sa kwarto nya "That girl? eh nainis ako saknya eh inaagaw ka ny sakin babe" sabi nya WTF! "Inaagaw? ano bang pinagsasabi mo?!" asik ko sakanya "What ever" sabi nya at umupo sa Sofa " Wag mo na nga isipin yung babaeng yun lets talk about our engagement are you going to buy a ring for me?"masaya nyang sabi "Im not going to marry you!" sigaw ko at nilayasan sya dun.. Lumabas ako ng bahay at pinaandar ang kotse ko hahanapin ko si Haiven... Dumaan muna ako sa Starbucks para mag coffee muna ng mapansin ko dun ang kotse ni Matthew so lumapit ako sa naka park nyang kotse Wala sya dito malamang nasa loob na yun Pumasok ako sa shop at agad ko din syang nakita dun sa favorite spot nya... "Matt" tawag ko sakanya pero tila wla syang naririnig "Hey bro" sabi ko at tinapik sya kaya nagulat syang tumingin sakin "Kanina kapa dyan?"malamig nyang sabi "Kakadating ko lang still di pa namin nahahahap si Haiven" sabi ko at umupo Kaya mas lalong nalukot ang mukha nya.. "About that..." sabi nya kaya napatingin ako "I saw her..." sabi nya kaya kunot noo akong tinignan sya "Who? make it clear"sabi ko naman "Si Haiven nakita ko sya nung papunta ako kay Jamaica" sabi nya at bumuntong hininga nagliwanag ang mukha ko sa sinabi nya "So youre with her? where is she?"masaya kong sabi "Pinabayaan ko sya kasi mas pinili kong puntahan muna si Jamaica but nang magkita kami ni Jamaica she is pregnant then im out of my mind.. Umalis ako nagpatakbo ng mabilis wala ako sa sarili ko at muntik na akong makasagasa ng tao" sabi nya at may luhang tumulo sa mata nya "Are you fine?" nag aalala kong tanong pero malayo ang tingin nya "Muntik ko ng masagasaan si Haiven kung di dumating si Carl Emmanuel natuluyan ko syang mabundol" sabi nya at napayuko Napalunok ako sa nadinig ko pero pinili kong kumalma at inintay pa ang mga sasabhin nya "Okay naman si Haiven,sabi ko iuuwi ko na sya sa inyo pero sabi nya di na sya babalik ayaw nya na daw maging pabigat" sabi nito at humigop ng kape "Di naman sya pabigat ah" singhal ko pero nagkibit balikat sya "Umalis si Haiven at diko na alam kung nasan sya pasensya na pre" sabi ni Jojo at dun nako bumuntong hininga "Sana tinawag moko" sabi ko " Diko na alam ang gagawin ko" Phone ringing.... Cherie Rose is calling... "hello?" /Hey Julian im with Haiven/ "Talaga? kasama mo sya?" /Yes kaso ayaw nya umuwi sa inyo so i decided na dito muna sya sa condo ko at heto sya natutulog na mataas ang lagnat/ Nag aalala ako... /But dont worry ako ang bahala saknya update nalang kita/ "Sure sure thank you" Nakahinga ako ng maluwag... Everythings gonna be allright... To be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD