Chapter 10

2737 Words
Haiven POV's Nagising ako dahil sa isang mainit na sinag ang tumama sa balat ko kaya agad akong bumalikwas ng bangon at nakaramdam ng gutom! Umaga na pala? Ang haba naman ng tulog ko kinusot kusot ko ang mata ko takte dami ko palang muta hays. Agad kong tinungo ang CR at naligo dun buti nalang may ilang damit na pambabae akong nakita sa closet ng kwartong yun bakit ba kasi binitbit ako nun dito eh azar. Nang matapos ako maligo agad din akong lumabas ng kwarto at bumaba.. Malaki ang bahay na yun pero mas malaki pa din ang bahay nila Julian noh "Hey" mahinang usal ni Matthew ng makita ko sya sa Sala na naglalaro ng cellphone nya napatingin ako sa wall clock at 9 am na din pala "Kumain kana may pagkain sa kusina dumire diretso ka ng tulog kahapon kaya di na kita ginising" sabi nya pero nakatingin pa din sa Cellphone nya kaya napatango nalang ako at tumungo sa kusina. May mga take out na foods dun kaya agad din akong kumain dala na din ng gutom ngayon naiintindihan ko na ang mga Squirrel na kumakain muna ng madami bago mag hibernate pero syempre di ako Squirrel noh! "Prepare may pupuntahan tayo"biglang sulpot ni Matthew at sumandal sa pader papasok ng kitchen at nakalagay ang dalawang kamay nya sa bulsa nya "Saan naman pupunta?" tanong ko at sinubo ang chicken fillet 'yum yum' "Basta just prepare we will do shopping for your clothes"sabi nya at tinalikudan na ako  Teka nga shopping? May damit pa naman ako ah Tinapos ko na ang pagkain ko buti nalang disposable lahat ng lagayan nun "Done preparing yourself?" tanong ni Matthew nang makalabas ako kaya tumango naman ako at sya nman tong paglabas ng bahay kaya sumunod ako Buong byahe walang nagsasalita hanggang sa makarating kami sa isang mall at ang laki nun!!! "Wow"mahina kong usal at lumabas ng kotse "Come"sabi nya at hinawakan ang kamay ko agad akong nakaramdam ng kuryente mula doon Weird. Pinabayaan ko lang na hawakan nya ang kamay ko dahil nakaramdam ako ng panatag habang hawak nya ang kamay ko hanggang sa pumasok kami sa isang Botique at merong magagandang damit dun. "Isukat mo ang lahat ng yan" sabi ni Matthew at umupo sa sofa sa loob ng botique na yun kaya kunot noo ko syang tinignan "Dont look at me like that just follow what ive said times is running" seryoso nya pang sabi kaya eto ako naglakad papasok ng fitting room at sinukat lahat yun Bagay sakin lahat ng damit kaya di ako nahirapang magpa ulit ulit ng sukat. Shoes Botique naman ang sunod na pinasukan namin at lahat na nman ng tinuro ni Matthew ay sinukat ko ano bang meron? Birthday ko ba? Wala namang akong birthday. "Let's eat"matipid nyang sabi iniwan muna namin yung pinamili namin sa isang shop at babalikan nalang mamaya Nang makarating kami sa isang Resto namangha agad ako sa itsura nun. "Mr.San Jose table for two?" nakangiting salubong samin ng isang lalaki mukhang waiter to dito "Yes dun nalang sa laging pwesto" sabi ni Matthew kay iniwestra ng waiter ang kamay nya sa daan "Come follow me" sabi pa nito at tumalikod na Nang maka upo kami agad ding umorder wala akong alam na pagkain sa menu kaya pinabayaan ko nalang si Matthew ang mamili. "Bakit ba tayo nandito?"tanong ko ng maka alis ang waiter " I have something to discuss with you"sabi ni Matthew at sumeryoso ng tingin kaya bahagya akong napa iling "Ano yun tell me" sabi ko tinignan sya ng diretso "Be my Fiancee" sabi nya kaya kumunot noo lalo ang noo ko Fiancee? diba ayun yung soon to be asawa yung kapareho ni Julian? "Bakit ako?"Seryoso kong tanong pwede nman si Carl nlng "Bakit ikaw? Kasi sure akong di ako magkakagusto sayo at di ako mahihirapang hiwalayan ka pag natapos na ang problema ko" diretso nyang sabi sakin Di nya ako magugustuhan??Kasi si Carl tlga ang gusto nya "Maghanap ka ng ibang gagamitin mo wag ako" sabi ko at akmang tatayo na at hinintay na pipigilan nya kasi diba ganito yung sa mga drama pag mag wawalk out kna may mga kamay na pipigil sayo 1 2 3 "Oy di mo ko pipigilan?"tanong ko kaya nagtatakang nakatingin sakin at umiling Wala talaga tong puso! Padabog akong bumalik sa pagkaka upo kaya napa iling iling sya na tinignan ako na halos di makapaniwala "Your insane" dagdag nyang sabi kaya nginusuan ko nalang sya hanggang sa dumating na yung order namin Halos naglaway ang bagang ko sheeet mukhang masarap lahat!!! "Opps anong gagawin mo? akin yan lahat"sabi ni Matthew nung kukuha na sana ako ng pagkain kaya di ako makapaniwalang nakatingin sakanya "Pero andami nyan ah" asik ko andami nun tapos sya lang kakain maramot! "Di ka makaka kain dyan hangga't di ka pumapayag na maging Fiancee ko at kelangan mong pirmahan to"sabi nya at pinakita ang isang papel agad ko yung kinuha at pinirmahan "Di mo ba manlang binasa?" inis nyang sabi kaya ngingiti ngiti akong tumingin sakanya "Mamaya na gutom ako tsaka msarap tong lahat" sabi ko at kumuha na ng pagkain Damnn ang saraaap nga!!!! Iiling iling nalang din syang kumain oh well Food is Life hahahha! "Matt?" sabi ng boses kaya napatingin ako sa isang napakagandang babae at nakatingin to kay Matthew at may something sa tingin na yun. "J-jamaica" mahinang usal nito at halata ang gulat sa mga mata nya at andun din ang sakit So eto pala yung Jamaica medyo kinabahan ako ng sakin naman sya tumingin kaya bigla akong napayuko "May kasama ka pala Matt" sabi nito at muling ibinalik ang tingin sakin "Hi im Jamaica,Matthew's Ex girlfriend and you are?"tanong nya at nakalahad ang kamay nya sakin agad ko yung inabot "Im Haiven kaibigan nya" sabi ko at ngumiti "Ohh kaibigan? I see i think you special friend dinala ka nya dito sa resto na to eh diba Matt"nakangiting sabi ni Jamaica "What do you need?" bakas ang inis sa boses ni Matthew ng sabhin nya yun kaya mahinang napatawa yung Jamaica "Wala kakain lang kasi ako dito"sabi nya at biglang sumimangot "Kaso wala akong kasabay if you dont mind Haiven can i join your lunch?" sabi nya at sakin tumingin Wala ako sa sariling napatango kaya agad syang humila ng upuan at tumabi kay Matthew bakas ang pagka ilang nito at nanahimik lang sa gilid habang kwento ng kwento naman tong Jamaica at di ako makarelate nginingitian ko na nga lang eh baka sabihin nyang weird ako kahit sya nman talaga ang weird "So ayun nga lagi kaming kumakain dito ni Matthew diba" sabi nya at tumingin kay Matthew "Dont bring the past here"inis na sabi ni Matthew at pinunasan ang bibig nya "Im just remenicsing what's wrong? di ka pa ba move on?" she chuckeled Inis na tumayo si Matthew at lumabas ng resto Naiwan tuloy kaming nga nga ni Jamaica... " I think i ruined your lunch im sorry i didn't mean to do that"malungkot na sabi nito at bumuntong hininga "Okay lang yan baka nagpahangin lang yun"sabi ko at ngumiti "I still love him kaso kumplikado na lahat" sabi nito at nag ayos ng sarili nya "I think di pa nababayaran ni Matt to ako na ang magbabayad tska i have to go nice meeting you Haiven" sabi nya at tumayo tango lang ang naitugon ko.. Ilang minuto ang lumipas walang Matthew ang bumalik asan na ba yun? inilabas ko ang cellphone ko kaso wala nga pala akong number nya paano ako neto diko alam ang pauwi! Badtrip naman yun oh! Tinawagan ko si Cherie kaso di nya nasagot ang tawag baka busy yun sa pag buntot kay Thomas Then i found Carl's number kaya ayun nalang ang dinial ko after 2 rings sinagot nya din agad "Haiven?" bakas ang pagtataka dun sa boses nya "Carl? pwede bang mag favor nasa Baguio ako diba to be exact nasa isang mall dito nakakabadtrip si Matthew nakita lang nya yung Jamaica nag walk out iniwan ako dito diko alam ang pauwi"sabi ko at bumuntong hininga ANLAMIG NA! "What? baliw ba sya? okay ganito mag stay ka sa Starbucks ng mall nyan and dun mo ako intayin ill be there in 1 hour" sabi nya at ibinaba ang tawag Pumunta nalang ako sa starbucks sa mall buti nalang at medyo malapit yun sa pinaroroonan ko Nakaka inis talaga yung Matthew na yun! iwan ba naman ako dito badtrip talaga! Hour passed.. "Haiven" isang hingal na hingal na Carl ang sumalubong sakin he is wearing a Black inner shirt and a Denim jacket composing his tight gray jeans he is totally a hottie! "Okay ka lang ba? sensya na natagalan ng konti"sabi nya at ginulo ang buhok ko kaya ngumiti naman ako "Okay lang atleast dumating ka teka nga diba nasa Manila ka it takes 8 hours bago makarating dito ah nag teleport kaba?" natatawa kong sabi kaya napangiti sya damn his smile na di na kita ang mata! "I use Helicopter para mabilis" sabi nya at humihilig ang ulo at tinignan ako mula ulo hanggang paa nakaramdam ako ng pagka ilang. "Nag helicopter ka talaga?"agad kong sabi para mapukaw ang pansin nya At agad nag pop up sa isip ko na nag Helicopter sya para lang makarating dito di naman ako ganun ka shunga para diko malaman ang helicopter ayun yung may malaking Elisi sa tuktok diba? or ayun yung lumalabas sa outer space? Mukha naman syang alien eh hihihi joke! "Seryoso?" mangha kong tanong muli "Yeah nag alala ako sayo ng malaman kong iniwan ka dito ng gung gong na yun so nagmadali akong makarating dito"sabi nya at tumingin sakin at nanpakamot ulo. *Tug dug Tug dug* Yung puso ko bumibilis!!!!! "Anyway nalibot mo na ang mall?" tanong nya kaya napa iling ako "Puro kasi pamimili ng damit ang inatupag ni Matthew" nakanguso kong sabi kaya napa tawa sya "Edi tayo nalang ang lilibot" sabi nya at umakbay sakin kaya agad akong tumango  Napaka kumportable ko pag si Carl ang kasama ko hays. Pumasok kami sa isang Arcade at naglaro dun hahaha pinilit nya makuha yung stuff toys na Rabbit kasi na kukyutan talaga ko dun after 15 times of trying yes ganun kadami eh nakuha nya din! "Waahhh thank you Carl" sabi ko at kinuha yung stuff toys "Anong gusto mo?hmm try ko kunin para sayo" nakangiti kong sabi kaya tumingin sya sakin "Ikaw" sabi nya kya kunot noo akong tinignan sya "Ikaw ang bahala basta galing sayo okay sakin yun at gugustuhin ko"sabi nya kaya biglang may kung anong lumundag sa puso ko "Ah hehe sige wait" naramdaman ko ang pagblush ko kaya agad akong tumalikod at dun nagpunta sa isang Gadgets claws ayun yung itutulak mo para mahulog yung prize Napili ko yung malaking headset kaya ng matulak ko yun at agad ding nahulog... O_____o Si Carl Di sya makapaniwalang nahulog ko agad yun sa isang beses lang "Oh ayan gift ko sayo mukhang music lover ka eh" sabi ko at muling niyakap yung rabbit na stuff toys He still amazed while looking at the headset like there something special in it kaya lihim akong napangiti. Nagustuhan nya yieee "Hey" sabi nya at pinat ang ulo ko kaya nakangiti akong tinignan sya "It makes my heart flutter"sabi nya at tumalikod sakin Ano daw? diko magets anong Flatter? Flat? na flat daw ang puso nya? piskat diko gets! may mga english talaga na di ko alam badtrip! Agad ko nalang syang sinundan at napatingin sa palubog na araw " Ang bilis ng oras" buntong hininga nyang sabi kaya napangiti ako "Oo nga noh pagabi na" sabi ko at biglang pumasok sa isip ko si Matthew di na ba ako babalikan nun?! Naglakad lakad pa kami at naka kita ng ice cream kaya bumili na din kami at nagtungo sa open terrace ng mall nayun para mas makita ang view sa ibaba! Nakakarelax! "Nag enjoy kaba Haiven?" seryosong tanong ni Carl pero ang pwesto nya nakatalikod sa railings ng terrace ng mall at yung siko nya naka tanday dun at nakaharap sa gusali bali magka talikudan kami pero magkatabi nakaharap lang ako sa view Gets nyo? hahah bsta! "Haha sobra akong nag enjoy"Sabi ko at ngumiti sakanya "Salamat Carl" sabi ko pa at di ko maiwasan ang yakapin sya sa gilid dala na din nang natutuwa ako Halatang nagulat sya sa ginawa ko kaya agad akong bumitiw at mahinang napatawa  "Nadala lang ako sa sobrang saya" sabi ko at bumalik sa pwesto ko kaya yumuko sya at kinadkad ang paa nya sa floor nun. "Best hour of my life"mahinang bulong nya Me too... "So youre flirting huh" puno ng sarcasm na boses mula sa likod ko napatingin ako kay Carl na seryoso lang na nakatingin dun kaya dahan dahan akong napaharap "Matthew?"usal ko at seryoso syang nakatingin sakin at dahan dahang lumapit "Times up! Now uuwi na tayo"sabi ni Matthew at hinila ako pero agad na napahawak si Carl sa kamay ko heto na naman ang eksena huwaahhh "Carl let her hands go"seryosong sabi ni Matthew at nakatingin kay Carl "Go home alone Matthew Brent, Haiven will stay with me"seryosong sabi naman ni Carl "No she is my Fiancee so back off" asik ni Matthew kaya napangisi si Carl at mas hinigpitan ang hawak sakin "Fiancee? dont play with her bitawan mo na sya"sabi ni Carl pero ganun nalang ang pag lukot ng mukha ko ng mas humigpit ang kamay ni Matthew sa kamay ko at napakasakit nun halatang dun nya binuhos yung inis nya eh "Aray ko Matthew ano ba nasasaktan ako!" singhal ko sakanya kaya napalunok sya kaya niluwagan nya ang pagkakahwak nun "Let her go Carl, She is mine"sabi ni Matthew kaya napalunok ako at tinignan sya... "For now sure" sabi ni Carl at binitawan ang kamay ko kaya may kung anong kalungkutan ang bumalot sa puso ko "Just NOW im letting her go but next time im not allowed you again to steal her from me" sabi ni Carl at lumapit sakin at tinap ang ulo ko tska ngumiti He carresing my hair and gazing at my eyes like he is looking a special things at his sight. "See you" sabi nya at tumalikod na tsaka naglakad palayo samin. Nalungkot ako bigla... "Ano dyan ka nalang ba?" tanong ni Matthew kaya inis akong tumingin sakanya "Bakit ba di ka nalang maghanap ng ibang kokontsabahin mo sa pagpapanggap" asik ko sakanya Pero ganun nalang inis na bumalatay sa mukha nya "Tulad ng sinabi ko i dont fall for you kaya ikaw ang pinili ko" sabi nya at tumingin ng diretso kaya mapakla akong tumawa "Iuwi mo na ko kila Cherie gusto ko ng umuwi"sabi ko at tinalikuran sya He doesnt fall for me? He's jerk! I don't too!Bakla! Bakla! Selos ka lang kasi nakasama ko si Carl eh "No were staying here" sabi nya kaya inis ko syang tinignan "Pwede ba wag kang maging selfish!! mas gusto ko pang kasama si Carl kesa sayo! ewan ko ba kung talagang kelangan mo ang tulong ko o binabadtrip mo lang ako" singhal ko at nilakasan ang pag buntong hininga this man is so irressistable nakaka inis sya! "Uuwi na tayo sa bahay ko dito sa Baguio" sabi nya at hinila ako di nako pumalag pero agad kong tinanggal ang kamay nya "Dimoko kelangan hilahin susundan nalang kita" sabi ko kaya iiling iling syang tumingin sakin at pinagpatuloy ang paglalakad Buong byahe pauwi walang kumibo hanggang sa makarating ako sa Kwarto na tinutulugan ko. Napatingin ako sa rabbit na stuff toys na binigay ni Carl at bahagyang napangiti. "Naka uwi na kaya si Carl?" bulong ko sa sarili ko kaya naisipan ko syang itext ganun nalang ang ngiti ko ng may text pala sya sakin From:Carl "Just got home pasensya kana kanina ah pahinga kana pag uwi mo magkikita pa tayo sa monday " Agad ko syang nireplayan To: Carl "Kakauwi ko lang din, ayos lang yun hehe see you sa monday" Nang magsend yun inilagay ko yung cellphone ko sa table malapit sa kama at niyakap si Mr.Bunny yung rabbit na bigay ni Carl tutal lalaki nman siguro to kasi color blue ang damit eh hahaha Diko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod nadin siguro... To be continued... A/N: Team Matthew or Team Carl? haha Carl nalang mga besh! lol xD Or pwede ding Both ahihihi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD