I just saw myself in front of a vanity mirror, inaayusan ng mga hindi ko kilalang tao. Hindi pa tapos subalit batid ko nang maganda ang kalalabasan dahil magagaling sila. Ngunit maging ang kolorete ay hindi nagawang takpan ang lungkot na nababakas sa aking mukha.
Matapos naming mag-usap ni Ma'am Jenna ay tahimik at kusa akong sumama sa kaniya, kahit aaminin kong merong pag-aalinlangan akong nararamdaman sa kung tama bang pumayag ako dito.
Samu't saring emosyon ang nararamdaman ko, habang tahimik na nakatitig sa aking sarili, subalit mas lamang ang pangamba sa magiging kahihinatnan ng mga nangyayari.
Lalo na kapag nakita na ng Señorito na ako ang babaeng haharap at magpapakasal sa kaniya---hindi si Caitlyn. I wanna cry so hard but I can't.
Sobrang natatakot ako. Hindi ko naman ginustong mangyaring ikasal sa nobyo ng iba, para ko na ring kinain ang sinabi kong hindi ako mang-aagaw.
But what happened? I freaking agreed!
Ang pangamba ay bahagyang nababawasan sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang dahilan kung bakit lakas loob akong pumayag. I have to be tough with my decision.
"Now that you're going to be his wife, you should start calling him Kane." Naalala kong saad ni Ma'am Jenna habang nasa kotse kami.
Kane. No Señorito.
"You're so pretty, Ma'am." Galak na papuri sa akin ng nag-aayos matapos akong lagyan ng kolorete.
Dahil sa mga iniisip ay tanging ngiting aso ang nasukli ko. Hindi ko magawang makapagsalita sa nerbyos, at hindi naman karaniwang pasmado ang aking mga palad subalit ngayon ay matindi ang pagpapawis nito.
Parang puppet akong sumunod sa babaeng naggaya sa akin sa isang silid kung nasaan ang wedding dress na susuotin ko. I smile sadly. It's so beautiful and elegant. Parang mga wedding dress ng mga prinsesa. Hindi nakakakapagtaka ang ganda ng disenyo ng dress sapagkat mukha namang hindi mahilig sa simple lang ang nobya ni Seño---ni Kane.
Nang maisuot sa wakas ay todo compliment na naman ang narinig ko mula sa mga di ko kilalang kasama, na kesyo bagay sa akin at parang pinasadya talaga ang pagkakasukat. Tama naman sila, kahit na mas payat sa akin si Caitlyn ay nakakapagtakang hubog na hubog ito sa aking katawan. But it still doesn't change the fact that this dress isn't mine.
"Miss Sofina, it's time to go..."
Nanginginig ang mga tuhod na lumabas ako sa kotseng naghatid sa akin sa harapan ng simbahan. Mabuti at maagap akong inalalayan ng mga taong nakaabang dahil tila babagsak ako sa sahig sa nerbyos na nararamdaman.
Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili. May isang bahagi ng utak ko ang nagsasabing wag nang tumuloy subalit hindi pwede. Nandito na ako, hindi na pwedeng umatras pa sa kasal.
Sa sobrang pag-iisip, hindi ko namalayang pinapa-position na pala nila ako sa harapan ng malaking pintuan. Nabalik lang ako sa wisyo nang magsalita ang hinihinala kong isang wedding planner na nasa aking tabi.
"Miss, ngiti ka ng malaki. The door is about to open in a minute." Aniya. Kaya wala na akong choice kung hindi ngumiti sa kabila ng nerbyos. Bahala na kung magmukhang pilit na ngiti, ang mahalaga ginawa ko ang best ko dito. Inisip ko na lang na ito ang dream wedding na pinapangarap ko noong bata pa lamang.
Maya-maya pa ay kita ko ang dahan dahang pagbukas ng pinto at dahan dahan ko ring nasisilayan ang lahat ng tao sa loob na nakatingin sa akin. Nang tuluyang magbukas ang pintuan ay siyang pagbilis ng t***k ng puso ko kasabay ng malakas na pagsinghap ng mga tao dahil sa gulat.
Nababahalang tiningnan ko sila subalit hindi ako nagpahalata. Kaniya-kaniya silang bulungan pero kahit bulong ay malinaw na umabot pa rin saking pandinig.
"Hindi si Caitlyn yan, sino ang babaeng yan?"
"Nasaan si Caitlyn? Nasaan ang bride?"
"Is this a joke?"
Pinanatili ko ang ngiti sa aking labi sa kabila ng pagtataka at panghihinayang na naririnig ko sa mga tao.
Pagtingin ko sa dulo ng aisle ay saktong pagtama ng mga mata naming dalawa ng isang lalaki. Nakasuot siya ng itim na tuxedo na talaga namang bagay na bagay sa kaniya, mas lalo itong nakadagdag sa kaniyang kagwapuhan.
Gaya ng mga tao ay gulat din ang ekspresyong makikita sa kaniya, subalit maya-maya lang ay napalitan iyon ng matinding galit, bagay na inasahan at pinaghandaan ko na kanina pa, pero hindi ko pa rin maiwasan makaramdam ng takot matapos makita ang reaksyong iyon ni Kane.
Parang handa niya akong patayin anytime. At sa mga tingin pa lang niya sa akin ay walang dudang kaya niyang gawin iyon.
Nakita kong akma siyang susugod sa akin ngunit mabilis siyang napigilan ng mga malalapit sa kaniyang pwesto. Tila pinapakalma siya ng mga ito. Binubulungan nila si Kane na kasalukuyan namang nakatitig lamang sa akin ng masama.
"Miss, maglakad ka na." Rinig kong saad ng wedding planner na nasa may gilid, sinenyasan pa niya akong lumakad. Nakakapagtakang hindi man lang siya nag-alinlangan kahit pa malinaw na sinasabi ng mga tao sa paligid na hindi naman talaga dapat ako ang bride.
Ganon pa man, sinunod ko na lamang ang utos nito. Naglakad ako ng dahan dahan palapit sa groom at bawat hakbang ko ay kita ko ng malinaw kung paano kumuyom ang kaniyang kamao.
Napakurap ako ng tatlong beses dahil doon pero naiintindihan ko naman siya eh. Sino ba namang sasaya sa kaalamang hindi naman talaga dapat ako ang bride? Paano kung hindi pa man ako nakakalapit ay salubungin na niya ako ng sampal at sakal?
Imbes na kasalan ay maging sakalan ang mangyari. Baka mapatay pa niya ako mismo dito sa simbahan at sa harapan ng mga bisita.
Wala pa ring tigil sa bulungan ang mga tao na tila sila ang nagsilbing musika ko habang naglalakad. Hindi gaya sa ibang kasal na kapag naglalakad na ang bride ay may tumutugtog na piano o mabining musika. Huminga ako ng malalim.
Nang tuluyang kaming magkaharap ng lalaki ay malamig niya akong tiningnan. Wala siyang balak na hawakan ako kaya naman ako na ang nagkusa. Ipinulupot ko ang aking nanginginig na braso sa kaniya, akma pa niya akong tatabigin nang magsalita sa kaniyang tabi ang ginang.
"Act properly, Kane. Gusto mo bang mapahiya ang pamilya natin sa mga bisita?"
Sa sinabing yon ng ginang ay wala nang nagawa pa si Kane kung hindi magpanggap at hayaan kaming magkadikit. Amoy na amoy ko ang pabango niya, panlalaking hindi masakit sa ilong at parang maaaddict ata ako sa bango. Pero hindi nabawasan non ang kaba at takot ko sa kaniya, lalo pa't nananahimik siya subalit ramdam ang mapanganib niyang aura. Malayo ito sa normal na Kane, seryoso subalit kalmado lang.
Sa buong durasyon ng kasal ay tahimik lang si Kane, kapag kinakausap siya ng pastor ay saka lang siya magsasalita na halata pang labag sa loob niya. Nang hahalikan na niya ako ay humalik siya sa gilid ng aking labi, ni-make sure pa niyang di lalapat ang labi niya sa labi ko.
Pagdating sa reception, iba ang atmosphere. Hindi katulad sa mga wedding reception na napapanood ko sa social media na masasaya ang mga taong nagce-celebrate, dito ay para kaming nasa fine dining restaurant sa sobrang tahimik.
Lumipas ang mga oras na walang imik at malayong nakaupo sa akin si Kane, daig pa namin ang nasa exam na dapat ay one seat apart ang layo. Kahit na wala siyang sabihin ay ramdam ko ang nag-aalab niyang galit, mas nakakatakot pala ang mga taong tahimik magalit dahil hindi mo alam kung anong nasa isip at maaari nilang gawin.
"Congratulations!" Bati ng mga taong lumalapit sa aming table pero wari sa kanilang mga mukha na hindi sila genuine na masaya. Nagpasalamat pa rin ako.
'Di rin nagtagal ay nagsi-uwian na ang mga tao kaya sinubukan ko nang lumapit kay Seño---Kane. Hindi pa rin talaga ako sanay.
"I'm sorry, K-Kane." Halos hindi ko siya matingnan ng deretso sa mga mata niya, ilang segundo ko lang siya susulyapan at agad na ring yuyuko.
Tiningnan lang niya ako ng walang emosyon kaya napayuko ako ulit.
Akala ko hindi na siya magsasalita pero nagkamali ako. "Where's Caitlyn?" Napaigik ako nang mahigpit niyang hawakan ang aking braso, sa sobrang higpit ay tila dudurugin niya ang buto ko.
"H-hindi ko alam—"
"Liar! Alam kong alam mo kung nasaan siya!" Madiin niyang saad. Napailing naman ako sa kaniyang sinabi.
"Don't show your f*****g face at me again, woman."
"P-pero—"
"Or else, I'm gonna make your life a living hell. Got that?" Putol niya sa sinasabi ko. Napalunok ako't hindi nakasagot. Pabalang niya akong binitawan kaya muntik na akong matumba sa sahig, mabuti na lang napahawak ako sa isang upuan.
Wala akong nagawa kung hindi panoorin si Kane na lumakad papalayo. Nang mawala siya ay nanghihinang naupo ako sa upuan. Parang ngayon ko naramdaman ang pagod sa buong araw na ito. Mariin kong pinikit ang aking mga mata habang hinahagod ng daliri ang aking sintido.
"Sofina?"
"Ma'am Jenna, k-kamusta po?" Saad ko nang tuluyan siyang makalapit sa akin. Nahihiya akong tumingin sa kaniya.
Ngumiti siya ng bahagya. "I'm fine, hija. Ikaw ang dapat kong tanungin, ayos ka lang ba?"
"Oo n-naman po." Sagot ko, kahit obvious naman na hindi.
"Good." She sighed, heavily. "Pagpasensyahan mo na ang anak ko, he's crazy in love with that Caitlyn girl."
Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya, wala akong masabi. Walang karapatan magbigay ng komento dahil sino lang ba ako? I am just his substitute bride.
"Anyways, alam mo ba kung saan na nakatira si Kane?"
Umiling naman ako sa ginang bilang sagot. "Si Belinda at Manang Fe lang pala ang nakakaalam. Well, no problem, ihahatid kita doon."
Sumakay kami sa kotseng nag-aabang sa labas ng venue, pareho kaming nakasakay sa may back seat. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana sa buong durasyon ng byahe hanggang sa magsalita si Ma'am Jenna.
"I'm sorry nadamay ka pa, but thank you so much, Sofina. Thank you for saving Kane." she said with sincerity in her voice.
"W-walang ano man po, Ma'am Jenna."
She holds my hands. "Asawa ka na ni Kane. Just call me Mom from now on."
Tipid naman akong napangiti nang marinig ang salitang asawa.
Huminto ang kotse kaya napabaling ang aking ulo sa labas, sa tapat namin ay isang modern two-storey residential. Malawak at malaki ito.
"We're here."