BANDANG HAPON ay sinimulan ko nang maghanda inayusan ako ni Ms. Coupler at pumili ako ng damit na isusuot. Isang knee length lace white sleeveless dress ang isinuot ko mula sa wardrobe na ipinalagay ni Granny sa kwarto ko. Bagama't simple ay lutang parin ang kagandahan ko sa damit na napili ko. Naka pony tail up do naman ang style ng wavy kong buhok. White pair of shoes naman ang footwear ko, napatawa ako sa sarili ko dahil todo paghahanda ako sa dinner na ito, gayong wala naman itong special something kundi mag plano lang kami kung paanong hindi matutuloy ang kasal ng Prince at ni Louise o ang kasal namin. Pero sa totoo lang ay wala akong idea kung ano ang pwedeng gawin sa ngayon, masyado nang kumplikado ang sitwasyon at baliktad sa mga plano namin ang nangyayari. Isa lang ang sigurado

