CHAPTER 4

924 Words
ANG GANDA KO! Sabi ko sa sarili habang nakatingin sa salamin. Lunes na naman, a new day for me to make a difference in the lives of my students. And probably makikita ko ‘yong ex kong manloloko. Hindi ako ma kolorete sa mukha, simpleng manipis na foundation at lipstick lang ay lutang na ang kagandahan ko, it doesn't make a difference when I put it on or not, ‘yong kilay ko, natural din ang porma kaya effortless na ang kilay goals para sa akin. Natural ding nag b-blush ang pisngi ko dahil sa mestiza kong kutis. Imagine, sa ganda kong ‘to eh nakuha pa akong ipagpalit? Magbuhat din ng bangko paminsan minsan noh! Ready na ako para pumasok. The usual day wherein I always see my mama preparing breakfast. Eating together then I going to school. Pagdating ko sa School at pagkatapos mag log in sa biometrics ay dumeretso agad ako sa klase. Hindi na ako dumaan pa ng faculty office dahil baka makita ko pa ang ayaw kong makita. "Good Morning class!" Bati ko sa mga estudyante. "Good morning Maam!" Tugon naman nila. Tiningnan ko naman ang mga ito isa isa at natutuwa akong walang kulang sa kanila. Pumasok na din si Generoso Reyes. "Mr. Reyes, I'm glad na nakapasok ka ngayon," sabi ko dito na nakangiti. Ngiti din ang isinukli ng bata. "Class, I will be giving you an activity please answer it while I am out. Pagbalik ko ay i-check natin okay?" Instruction ko sa mga estudyante. "Mr Reyes and Mr Tañedo please follow me at the office," tawag ko sa dalawang bata. Si Nathan Tañedo ay anak ng Principal ng school. Sinama ko ang dalawang bata papunta sa Principal's Office. Pagkarating namin sa Principal's office ay nadatnan namin si Maam Tañedo na may pinagkakaabalahan sa kanyang laptop. Napatingin naman ito kung sino ang pumasok at nang makita nitong kami iyon ay agad itong bumaling sa amin. "Yes Ms. Rodriguez, is there any problem?" "Ah, ma’am gusto ko po sanang ipaalam sa inyo ‘yong ginagawa ng anak ninyo sa classroom," pagsisimula ko. "Bakit anong ginawa niya?" Tanong nito na bahagyang nagtaas ng kilay. Mabait naman si Maam Tañedo pero pagdating sa anak niya napakaprotective nito. "Maam, kasi po nagcocomplain etong isa kong studyante na si Mr Reyes na kaya hindi siya pumapasok eh dahil po sa pambubully ni Nathan," paliwanag ko. Mas lalo pa siyang nagtaas ng kilay. "Magdahan dahan ka sa mga paratang mo Ms. Rodriguez, hindi ko pinalaking ganoon ang anak ko!" Anitong parang nagagalit na. "Maam, I don't question your motherhood naman po pero--" sabi ko pero pinutol naman nito. "You're just wasting my time hija, why not go back to your class so that you will become more productive, hindi ‘yong kung anu anong kwento ang ginagawa niyo." Talagang sarado ang utak ni Maam na may kasalanan ang anak niya. Bumaling naman ako kay Nathan na nakangiti ng sarcastic sa aming dalawa ni Generoso. Lumabas kami ng office na walang napapala. Naiwan si Nathan sa loob ng office, si Generoso nalang ang kasama kong pabalik sa classroom. "Maam sabi ko po sa inyo kakampihan ng Principal ‘yong anak niya," ani Generoso na may tonong nalulungkot. Parang kinurot ang puso ko. "Huwag kang mag alala, pag umulit pa si Nathan sabihin mo sakin ipagtatanggol padin kita, saka kakausapin ko rin Nathan tungkol sa ginawa niya sayo." Tumango lang ang bata at nagpatuloy na kami papasok sa room. Nagpatuloy kami sa klase, mayamaya din ay bumalik na rin sa classroom si Nathan.  Pagkatapos ng klase nila ay pinaiwan ko si Nathan sa classroom para kausapin. "Class dismissed, Mr. Tañedo maiiwan ka muna." Sumunod naman ang bata at nagpaiwan. Pagkalabas ng mga kaklase niya ay kinausap na ko ito. "Mr. Tañedo, gusto ko lang linawin na hindi porke kinampihan ka ng mommy mo ay i-totolerate ko na ‘yong ginawa mo sa klase. Hindi ko pinapayagan sa classroom ang kahit anong pambubully sa mga ka klase mo. Alam mo yan, dahil isa yan sa classroom rules ko, ayaw mo naman sigurong malipat ng section hindi ba?" Tahimik lang ang bata. "Anak ka ng Principal ng school, dapat ipinagmamalaki mo 'yon sa paraan ng pagsisikap sa pag aaral, hindi sa panlalamang ng kapwa, mas magiging proud ang mommy mo at irerespeto ka ng lahat kapag mabuti ang ipinakita mo," dagdag ko pa. Napayuko naman ito saka nagsalita.  "Sa totoo lang po maam, kaya ko lang po nagagawa ‘yon kasi hindi po ako pinapansin masyado ng mommy ko, pati ng daddy ko. Kaya po nambubully ako kasi baka sakali mapansin ako ng mommy ko, pero pinagalitan lang din niya ako, tapos sinasabi niya hindi daw ako magaling kaya lang daw ako nasa first section kasi dahil sa kanya," pag coconfess naman ng bata sa'kin. "Hindi totoo yan, magaling ka! Walang taong bobo o hindi magaling. Meron lang tayong kanya kanyang kakayahan, ang sayo ay hindi mo pa natutuklasan. Magsikap ka lang at huwag mapagod gumawa ng mabuti. Mapapansin din ng mommy mo lahat mg efforts mo," Napangiti naman ang bata na tila nabubuo ang tiwala sa akin. "Thank you po maam! Promise ko po hindi ko na po aapihin si Gene pati ‘yong iba ko pong classmates at lalo ko pong gagalingan para matuwa sa’kin ang mommy ko," sabi ng bata. For 5 years iba't ibang struggles ng mga studyante ang na eencounter ko. At isa lang ang narealize ko, bilang guro kami ay may responsibilidad ding ituwid at hubugin ang mga bata para maging isang mabuting tao sila, higit sa lahat ay ang pagiging pangalawang magulang namin sa mga ito. At para magawa 'yon kailangan naming magkaroon ng malasakit sa lahat nang walang pinapaboran. It takes maturity to be a Teacher. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD