NARATING ko rin ang palace. Masakit ang paa ko kakatakbo mula sa bungad hanggang sa makarating ako sa gate ng palace pero hindi ko ininda iyon, ang importante ay mapuntahan ko si Dalton. "Your highness." Agad akong nakilala ng guards at pinapasok. Pagpasok ko sa main entrance ay walang tao, marahil ay nasa Ball room ang lahat. Naglakad ako papunta sa hall way. Nadaanan ko ang guest room na nasa ground floor. Accidentally ay nakaawang nang bahagya ang pinto. Nakita ko si Queen Julianna at ang assistant nitong lalaki. "You have to transfer the dead body to the basement so that no one will see her quickly, you should make it like she bumped her head on the floor or she like had fallen from the stairs, is it clear?" Sabi ni Queen Julianna. "Yes your majesty." Nagulat ako at napatakip ng

