NAGLALAKAD pababa sa isang marangyang hagdan ng palasyo, nakasuot ng mamahaling korona. Sino bang mag aakala na mangyayari ito sa akin? Samantalang noon ay sa mga story books ko lang ito nababasa. Isa na akong prinsesa sa sarili kong fairy tale. Nakatingin sa dalawang Prinsipe na nag aabang sa baba. Si Prince Julianne. Napaka gwapo niya sa clean cut niyang hair style, ‘yong bughaw niyang mga mata ay nakapako sa pagkakatitig sa akin ngayon na para akong tutunawin. Ang matangos niyang ilong at yung clean cut niyang balbas na nakakaakit. Ang perpekto lang talaga ng mukha niya! Nakasuot siya ng gray suit na may maroon tie na bagay na bagay sa kanyang matipunong katawan. Malalapad na balikat na pakiramdam mo ay ligtas ka sa kanyang mga bisig. Yung parang mga leading man sa pelikula. Si P

