"GOOD MORNING COUS!" Kinabukasan pagmulat ko mga mata ay nasilayan ko ang isang magandang mukha. Si Louise iyon. Nasorpresa ako at napabalikwas ng upo, niyakap naman ako nito. "Cous!" Napakabango nito at bigla akong na conscious dahil kagigising ko lang at wala pa akong ligo. Pagkatapos ay bumitaw ito sa pagkakayakap saka hinawakan ako nito sa kamay. "I wasn't able to say bye to you the last time, my trip to Wintersoul was so urgent and you were sleeping pretty. How are you?" Nakangiti pa ito. Alam na kaya nito ang tungkol sa betrothal namin ni Dalton? "I am okay. How about you?" "Great too." She smiled. "I am happy for you and Dalton," biglang sabi nito na ikinagulat ko. Nanlaki naman ang mata ko. Parang napansin naman ako ni Louise kung kaya't nagpaliwanag ito, "I want him to move

