"KEEP QUIET!" sabi ng kung sinumang nasa likuran ko. Nanginginig ako sa sobrang takot, hindi ko alam kung masamang tao ba itong may hawak sa akin ngayon. Baka mamaya isa itong kidnapper na gusto akong dukutin para ipagpalit sa bilyong pisong halaga sa mga royalties kong kamag-anak. “It’s me,” sambit muli nang mala anghel na boses nito sa tainga ko at alam kong ramdam niya ang takot na nararamdaman ko. Dahan-dahan niyang binitawan ang pagkakatakip sa bibig ko. "Dalton?" Gulat na ani ko nag mapagsino ko ang lalaking kinatatakutan ko. I felt relieved. Siya lang pala. Halos pareho lang din kami ng suot, naka leather jacket na naman siya kagaya ng porma niya n’ong una kaming magkita. "What are you doing here?" nagsusungit nitong sabi. "I just wanted to explore the City." Para akong batang

