NAGISING akong muli mula sa pagkawala ng malay. Ang labo na ng paningin ko, ramdam ko rin ang namuo nang dugo mula sa sugat sa noo ko. Nakahiga na ako patagilid habang nakatali parin patalikod ang mga kamay ko. Wala na ring boses na lumalabas sa bibig ko dahil natuyo na ang lalamunan ko kaka sigaw. Natanaw kong pumasok na naman ulit si Monica mula sa kwartong kinalalagyan ko. "Hi dear, you're awake now." She grinned. Hawak hawak uli niya ang tubo na pinang palo niya sa'kin. Ito na naman, pinagpapalo na naman uli niya ako. This time, wala nang sigaw, namanhid na ang buo kong katawan dahil sa dami ng palo niya sa akin. Tanging luha na lamang ang namumitawi sa mga mata ko. Tumigil siya saglit sa pagpalo sa akin. Huwag naman sana! Huwag diyan! Walang boses na sambit ko. Tinatanggal niya

