Trishan's: POV Naiinis ako sa mga sinabi ni Shiela. Lagi na lang talaga niya akong minamaliit—lalo na kapag tinatawag niya akong matanda. Sa inis ko, lumapit ako sa kanya. “S-sir, ibalik niyo na po ‘yang suot niyo… biro lang po ‘yon. ” Kabado niyang sabi habang umatras at tinakpan ang kanyang mga mata. Hindi ako tumigil. Mas lumapit pa ako hanggang sa mapaatras ko siya at bumangga siya sa pader. Kinulong ko siya sa pagitan ng mga braso ko. Sinubukan niyang kumawala, pero mas lalo ko siyang inipit. “Ganun na lang ba ako sa’yo, Shiela?” mariin kong tanong. “Sir…” nanginginig niyang sagot. Napahigpit ang panga ko. Hindi ko alam kung anong gusto kong patunayan—inis, pride… o baka gusto ko lang maramdaman na hindi niya ako minamaliit. Pero kahit anong gawin ko— Hindi ko pa rin makuha

