Chapter 10: Bahala na

1328 Words
Ram's POV "Zoey! " sigaw ko nang makita siya sa may labas ng classroom. "Parang may hinahanap ka ah?" tanong ko. "Ah, wala." sabi niya. "Hinahanap niya si Nathan! " sigaw ni Dani. "Bakit ka ba sumisigaw? Tsaka hindi ko siya hinahanap ." sabi ni Zoey. "Nathan? 'Yon ba yung sumuntok sa akin kahapon? " tanong ko. Tumango si Zoey. "Don't tell me, kayo nang dalawa? "sabi ko ng pabiro. Pero sa totoo lang sana hindi ko tinanong 'yon at nakita na parang nailang si Zoey. Sa totoo lang, I like Zoey since we were kids. Ayokong sabihin sakanya kasi alam kong masisisira lang ang friendship namin at baka layuan niya lang ako. P-proprotekatahan ko nalang siya at mamahalin kahit sa malayo. "Nako, pasimple ka pa eh palagi nga kayong magkasama eh."sabi ni Dani. "Anong laging magkasama? Nabibilang ko sa daliri ko kung ilang beses ko lang siya nakasama." "Hoy bespren, anong hindi ko alam? " tanong ko. "Oy wala."sabi niya pero kilala ko 'to. Hindi 'to makatingin sa akin pag may tinatago. "Kahapon lang, hinatid ko siya sa bahay nila kasi may sakit siya." "At?!" tanong ni Dani. "Pinakain tsaka pinainom ng gamot, 'yun lang, nandoon yung driver namin the whole time!" Hindi ako makapagsalita. "Alam mo ba Ram, nagkakagustuhan na sila noon pa. Binubully ni Nathan si Zoey noon pero ngayon, aba! parang konti nalang sila na!" pangaasar ni Dani. Tinignan ko si Zoey at medyo nangingiti. "Oo na, sige na, may konti. Pero ayokong i-push 'yon. Hindi muna."sabi ni Zoey. Okay, mukhang crush lang naman. I have to get over this. "You better watch out! Baka may balak yan." sabi ko nalang pero naiinis na ako. Balita ko playboy 'yon, baka niloloko niya lang si Zoey? "Wala naman siguro, tara na nga. Malelate pa tayo eh." pag-aaya ni Zoey. Pumasok na kami sa classroom at wala si Nathan. Nakita ko ang disappointed look ni Zoey nang hindi niya makita si Nathan. "Wala siya."sabi ko. Napatingin sakin si Zoey. "Hinahanap mo siya diba?" seryoso kong sabi sakanya. "Hindi ah." sabi niya at tumawa "Bakit malungkot ka? Anong problema mo?" tanong niya sa akin. "Nagseselos ka ba?" Pabiro niyang tanong sabay tawa. Naubo ako ng tinanong niya sa akin. "Hindi naman, pero alam ko kasi kung gaano ka kabilis mainlove kahit na feeling mo malakas kang tao." sabi ko. "Hoyy, naging crush din naman kita nung minsang nag bakasyon kami sainyo. Feeling ko na inlove pa nga yata ako sa'yo eh pero may GF ka non, si Angel." sabi niya na may ngiti. "Pero sabi mo nga, di mo talaga siya gusto kasi may mahal kang iba. Sino pala 'yon, oo nga noh! Hanggang ngayon hindi ko pa alam." "'Wag mo na alamin, wala na akong feelings don." "Ang bilis ha." "Mas mabilis kang mainlove. Just be careful. Don't fall in love easily. " sabi ko. "Pero, paano kung wala akong girlfriend noon Zoey, will you confess?" "Of course not! I'm not going to ruin our friendship just because of some petty feelings. Ours is greater than any romantic relationship in this world." sabi niya sabay akbay sa akin. "Pero siyempre magt-tantrums pa din ako kapag may girlfriend kang hindi pasok sa standards ko. Like yung Patricia na 'yon? 'Wag mo nang babalikan 'yun ha, baho ng hininga." Binatukan ko siya. Nagsimula na ang klase nang may pumasok sa classroom. "Mr. Reyes, why are you late?" tanong ni Ms. Sanchez. "Sorry ma'am, late po akong nagising." sagot ni Nathan. Kumindat si Nathan kay Zoey at namula naman 'tong si Zoey. "Oh, nandyan na siya ha, ngiti na."sabi ko kay Zoey. "Kumpleto na kayo, so masasabi ko na ang announcement. May Field Trip na kayo sa wakas na mangyayari a week before our Christmas Party. Two days tayo doon. Lilibutin natin ang buong Baguio and other parts of Benguet para naman hindi kayo puro usok. Maraming puno doon." "Ohh." sabi ng klase. "Sasama ka ba? "tanong ko kay Zoey. "Syempre naman, sama ka ha." sagot niya at tumango ako. "I will choose your bus sitting arrangement. Ms. Alonzo-Ms. Mercado" sabi ni Ms. Sanchez. "Ms. Bernardo, Ms. Olipio." Natapos na ang mga babae. "Mr. Fernandez.-Mr.Reyes." Nagising bigla si Nathan at tingnan ako, nagsmirk lang siya at bumalik sa pagtulog. Natapos ang klase at pinuntahan ni Zoey si Nathan para kamustahin. "Uy, ok ka na ba?" tanong niya. "Oo, salamat sa pag aalaga mo sakin kahapon ha." "Wala 'yon, baka hindi mo alam, may Fie-." natigilan ako. "Oo, narinig ko may Field Trip tayo at kaupo ko 'yung bestfriend mo diba?" sabi niya na may seryosong tono. "Thanks." At bumalik uli siya sa pagtulog. Nathan's POV Inalagaan niya ako kagabi. Sa 2 months ko siyang hinahabol, hindi na rin siya masama. Siguro konting ayos lang, dentista, contact lense, workout ng konti, derma- okay naman siya eh. Parang hindi ko na naiisip yung pustahan namin pag kasama ko siya. Teka, gusto ko na nga ba siya? Ah ewan, bahala na! 'Yung field trip pala namin sa Baguio, kakaunti palang 'yung nakakapunta doon sa batch namin kaya siguro pinili nila 'yun. Maganda daw doon. Hinanap ko ang tropa at wala na sila sa classroom, tinext ako ni Reg na nasa canteen sila. Pagpunta ko, nandoon lahat kasama si Ram. Uupo na sana si Ram sa tabi ni Zoey pero inunahan ko siya. "Sige dun nalang ako." sabi ni Ram. "Sige kumain ka na Zoey. "sabi ko. Pinagmamasdan ko siya habang kumakain. Bakit hindi man lang niya ako bigyan ng kinakain niya? Nagpapa cute na nga lang ako dito eh. Nakita kong sumusulyap sa amin si Ram. May gusto ata to kay Zoey eh? Ilang linggo ang lumipas na parang hangin lang,malapit nang mag Christmas Break ibig sabihin field trip na. Sumakay kami sa bus at naaalala ko bigla si Natasha. Nakipag break siya sakin sa Pangasinan kung saan ang Province niya. Ewan ko kung bakit simula noong tinulungan ko siyang makapasok sa agency sa Korea at nakapasok na siya, ang cold niya na sa akin. Hinabol ko siya sa bus papuntang Manila, tinakbo ko 'yon. Pero syempre hindi ko nahabol. Iniwan niya ako sa province niya nung binisita ko yung parents niya. Para daw hindi ko siya habulin. Anong katangahan 'yon? Nabalitaan ko nalang na nakaalis na siya ng bansa. Hindi na siya ganoon kasakit. Matagal na rin talaga siguro. Baka nga tama 'yung mga tsismis na ginamit niya lang talaga ako. Ayoko na mag imbestiga, tapos na 'yon. Tapos na kami. Katabi ko si Ram at tinanong ko na siya."May gusto ka ba kay Zoey?" itinigil niya ang ginagawa niya at tumingin lang sa akin. "Sorry pero straight forward at honest kasi ako. Napapansin ko kasi ang overprotective mo sakanya. Even though you are her bestfriend, parang sobra. " sabi ko. "Bakit? Kailangan bang magustuhan mo ang isang tao romantically para protektahan mo sila? Zoey is like my sister. I do love her. Ikaw? Ano ka? Anong pakay mo sakanya?" "Ano, uhm- gusto ko siya?" "Patanong? Hindi ka sure?" Ngumisi siya. "Mahal ko na siya, ano? bakit?", sabi ko na may halong yabang. Minamaliit ata ako nito ah. "I doubt na pagmamahal 'yan, paano mo masasabing mahal mo ang isang tao kung hindi mo pa siya kilala? I've known her all my life. I saw everything about her yet I can't do anything because she's too precious. Tapos ikaw, papasok ka nalang sa buhay niya na parang kilalang kilala mo na siya. Believe me, all you know about her is only the tip of the iceberg. Before you say you love her, make an effort to know her. But I'm gonna warn you, I watching you." "That's the difference between you and me, I'm not a coward." sabi ko. "I'm brave enough to save our friendship." sabi ni Ram. "Mauna ang mauna, magtatapat ako sakanya." Wala na akong pakialam sa pusta. "Hindi ito kumpetisyon Nathan. Bago ka sumugod, mag-isip ka, baka parehas lang kayong masaktan." "Watch me.",sabi ko. Sa mga sinasabi niya lalo akong ginaganahang pumorma eh. Childish na kung childish pero langya, di ako pwedeng matalo nang mayabang na 'to na feeling matalino. Kung nalaman niya, mag-eexplain ako, mabait naman siya, maiintindihan niya. Walang kwent namang pusta yon, di naman 'yon totoo eh. For sure, susuportahan ako nila Reg. Okay lang. Basta sincere ako ngayon. 'Yun ang mahalaga. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD