Natasha's POV Masayang sumasayaw si Nathan at Zoey nang iannounce silang Prom King and Queen. Naiyak akong bumaba ng stage. Inalis ko ng sash na best dressed at lumabas ng hotel. Nanginginig ang katawan ko. "Miss saan tayo?",tanong ng taxi driver. Sinabi ko ang address ng bahay namin. "Okay ka lang maam?", tanong ng driver. "Mag-drive ka nalang kuya.", sabi ko pero sure akong narinig kong binulong niya na masungit ako. Nakarating ako sa bahay. Sabi nila masungit ako, makasarili, at kung anu-ano pang negative descriptions. Hindi nila ang alam ang storya, si Nathan lang ang nakakaalam ng storya ko. Malakas ang tawa ng mga pinsan ko at mga kaibigan nila habang nag-iinuman sila, ang saya nila. Tinawag ako ng pinsan ko para umupo sa tabi niya. Nasa bente pataas na sila at ako 10 years

