Inabot ng hating-gabi sila Patrish at Theo galing sa aviation company ng binata. Sinulit nito ang pamamasayal sa himpapawid kasama siya sa ipinagmamalaki nitong Queen Breeze, pangalan ng Jetplane nito, ang sosyal ng boyfriend niya first date nila ay sa kalawakan. Lakas maka kilig ng baby Theong niya. Sa condo unit nito sila uuwi at patungo na nga sila roon sa oras na 'yon. "Lowbat ako," basag ni Patrish sa tahimik na binata habang nagmamaneho patungo sa condo unit nito. "You can use my phone," sagot nito, tumagilid ito sandali sa pagkakaupo nito at hinugot nito sa bulsa ng maong pants ang sariling cellphone. "S-sure ka?" naniniguradong wika ni Patrish sa nobyo. "Kailan pa ba ako nagbiro kung tungkol sa 'yo ang usapan," lingon nito sandali sa kaniya, "ako lang naman ang ayaw mong pahaw

