"Hoy Patty! Sigurado ka? Na, narito ang isa sa pesteng nanloob sa bahay n'yo?" nakasimangot na wika ni Jade at Speed na kinalabit siya sa manibela. Nasa passenger seat ang dalawa at kotse ni Speed ang gamit nila at siya ang nagmaneho. Narito sila ngayon sa Sitio Lagundi kung saan ang isa sa kriminal sa likod ng pagluha niya kagabi magdamag. Tinawagan niya ang dalawang kaibigan nang maihatid siya ni Theo Drix sa inuupahang kwarto kanina, timing na nag-text ang tao niya at ibinalita ang lugar na kinaroroonan nila ngayon. Mahirap kapag walang panangga sa superior at bossing niya. "Isulat mo sa reminder Speed, mahal ang sisingilin natin dito kay Patty after this exciting habulan," nagkatinginan pa na wika sa kaniya ng dalawang kaibigan. "Kahit ano pa iyan, basta 'wag lang milyon ang halaga

