"Well I came from Visaya. Ang mama ko ay taga Visaya at ang papa ko naman ay half Bisaya at half Ilocano." Kinalabit ako ni Daff at tumingin ako sa kanya.
"Alam ata nito kung san tayo nang-galing ah, Bisaya ako ikaw naman Ilocano." Pabulong niyang sinabi at nag shrug ako.
"Baka mere coincidence lang." Sabi ko.
"Di ko alam." Nag shrug din siya at bumalik ang attention namin kay Hans.
"Pero di po ako marunong masyadong mag Ilocano. Bisaya, Ilongi at Tagalog lang po ang kaya kong masalita." Pag-katapos mag-salita ni Hans, umupo na siya.
"Uy Daffzkie, mag-kakaintindihan kayong dalawa ah." Sabi ko sa kanya at nag roll eyes siya.
"Intindihin niya sarili niya." Galit niyang sinabi at tumawa ako.
"Chill lang uy, baka ma-highblood ka diyan."
Pag-katapos ng klase ay morning tea na.
"Bes mauna ka muna sa Canteen, may titignan lang ako sa Library." Sabi ko kay Daff.
"Ha? Ano yun?" Tanong niya.
"Apparently ngayon daw lalabas yung part three ng Maze Runner, yung Death cure. Gusto ko sana ako yung maunang humiram ng libro." Sagot ko.
"O sige basta bilisan mo." Sabi niya and I made my way to the library.
Excited na akong mabasa ang pangatlong storya ng The Maze Runner. To be honest mas paborito ko ang part two kaysa sa part one at mas maraming beses ko nang napanood ang part two keysa sa part one.
"Hi po Ma'am, meron na po ba yung The Maze Runner, Death Cure?" Tinanong ko yung librarian.
"Check ko lang." Reply niya at umalis siya tapos bumalik hawak ang libro.
Muntikan na akong mapatalon sa sobrang saya pero di ko pinakita.
"Anong name niyo?"
"Cassandra De Guzman po."
Pag-katapos ay ibinigay na niya sa akin ang libro at di ako nag-dalawang isip na basahin agad.
"Salamat po." Sabi ko habang lumabas na nag-babasa. "Ang tagal kitang hinintay! Mababasa narin kita ayieee! Sana walang mangyareng masama kay Newtie ko!"
Sa sobrang focus ko sa kakabasa, di ko nakita na may mababanga na pala ako at nahulog ang libro.
"Ay, sorry. Di ako tumitingin." Sabi nang nakabangaan ko at natulala nanaman ako dahil si Simon iyon.
"Oh Cass, ikaw pala. Kanina pa kita hinahanap." Ang sabi niya.
"Ha?" Ayun lang ang nasabi ko.
Tinignan niya ang librong nahulog ko at ngumiti.
"Maze Runner? Mahilig ka pala dito?" Tanong niya at clinear ko ang boses ko.
"Ah, oo. Favourite movie ko yan at hinihintay ko nalang yung release ng pangatlong movie." Reply ko.
"Haha nice." Ngumiti siya at parang gusto ko nang tumalon talon sa kilig.
Naging wild ang puso ko at di ko na alam ang susunod na sasabihin ko.
"Ah nga pala, nahulog mo ito noon." Binigay niya sa akin ang notebook na hinahanap ko. "Ibabalik ko sana pero you were in a rush noon kaya binasa ko muna." Nagulat ako sa sinabi niya at kinabahan.
"Ha? Nabasa mo?" Tanong ko at nag nod siya.
"Ganda na nga ng storya eh, pwede bang iupdate mo ako pag natapos mo na?" Request niya at nag nod nalang ako. "Sige, mauna na ako kasi may practice pa kami."
Binalik niya din yung The Maze Runner at nung di na niya ako makita, tumalon talon ako sa kilig.
"OH MY GOSH WAAAAAH!" Sigaw ko.
"HOY!" Nagulat ako sa boses ni Daff. "Anong ginagawa mo at para kang baliw diyan?"
"Si Simon, nakabangaan ko ulit at nag-ushap kame!" Bigla ko nalang naalala ang story ko. "Pero patay! Siya ang nakapulot nang story na sinusulat ko! Waaaah, Imma die! Imma dieeeeeee!"
Humiga ako sa lapag at inisip ang nangyare.
"Hoy anong ginagawa mo jan!" Tanong ni Daff.
"Bes, patayin mo na ako dito. Nasaba na niya ang storya ko. Ayoko nang mabuhay..." Sabi ko.
"Ang oa mo talaga, diba nga pinalitan mo yung pangalan? Edi di niya naman alam na tungkol sa kanya yun!"
"Oo bes pero... ibang usapan pag mga kakilala ko ang nakabasa ng storya ko. Pwedeng basahin pero wag lang nilang sasabihin sa akin na nabasa nila kasi mamamatay ako sa kahihiyan."
"Bumangon kana diyan! Ang oa mo baka mamaya may makakita pa sayo!"
"Pero shi Shimon ko ang nakabasha nun! Omagash besh anong gyagyawin kooooooo!"
"Bumangon ka diyan at isipin mo na hindi niya nabasa yun! Yun lang yun eh."
"Pero di ko makalimutan eh, shi Shimon kashi ang pinag-uusapan dito, shi My Labs koooo. Patayin mo nalang akooooo. Oh my gosh nabasha niyaaaa!"
"O sige kung yan ang gusto mo." Ang sabi niya at bigla niya nalang akong kiniliti.
"Oi! A-anong ginagawa m-mo!" Tanong ko sa kanya habang tumatawa.
"Pinapatay ka! Eto langang weakness mo eh at way para patayin ka!" Reply niya.
"T-tama naaaaa!" I squealed pero pinag-patuloy niya parin ang pag-kiliti. "Sige, ganyan pala gusto mo ah!"
Kiniliti ko rin siya at parehas na kameng nag-sisigawan sa hall. Pinag-patuloy namin ito hanggang sa may nag-patigil sa amin.
"Ano ginagawa niyo?" Si Hans ang nakakita sa amin.
"Nag-kikilitian, hindi ba obvious?" Tanong ni Daff at napatawa ako.
"Umm... alam kong nag-kikilitian kayo pero bakit dito sa hallway?"
"Pake mo ba? Edi kilitiin mo din sarili mo kung gusto mo." Tumayo na si Daff at tinulungan niya akong tumayo.
"Sorry naman..." Nalungkot si Hans at pinigilan kong mag-salita si Daff.
"Okay lang yun Hans, binibiro kalang ni Daff." Ang sabi ko at tinignan ako ni Daff ng masama.
Tinignan ko rin siya ng masama at nag roll eyes na lamang siya, meaning that she will let me do the talking.
"Ah okay, uuwi na ba kayo?" Tanong ni Hans.
Mag-sasalita na sana si Daff pero pinangunahan ko siya.
"Oo uuwi na kami, gusto mong sumabay?" Reply ko at narinig ko si Daff na nagmura nang pabulong.
Paktay ako nito pero eto lang ang mababayad ko kay Hans kasi di maganda ang pag-trato sa kanya ni Daff. Sorry Daff ah, love you pa rin hehe