Ito na ang araw na pinakahihintay naming lahat! Ang araw ng aming pagtatapos sa senior high school. Hindi ko ma explain yung nararamdaman ko dahil magkahalong tuwa at kaba ang nananalaytay sa aking loob. Sa wakas ay natapos na rin ang mga hell weeks pati na rin ang mga duguang pagsusulit at mga projects na walang kapantay sa hirap. Nasa apartment ako ngayon at kasama ko sina Liza, Calum, Bryan, at Raven pati na rin ang nanay ni Liza na si Tita Lotlot. Talagang magkamukhang magkamukha sila. "Besh! Matatapos ka na! Congratulations in advance!" Bati sa akin ni Liza sabay beso niya sa akin. Kahit matagal kaming hindi nagkita, ni walang nagbago sa akin at kanyang pakikitungo. Siya pa rin ang baliw at kalog na Liza na nakilala ko. "Thank you talaga. Kailan graduation niyo? Punta ako." Tu

