"Anong ako?" Bakit naman ako kakausapin ng lalaking to. Dahil ba inubos niya yung gravy at magso-sorry siya? "I'm going to leave. We're going to leave." Ani niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Ha? Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. "Basta. Magpaalam na tayo kina Faye." Hindi na ako nag-alangan pa at sinunod ko na lamang ang inutos niya sa akin. Nag-paalam na kami kina Faye at sa grupo. Pumayag naman sila at hindi na inusisa kung saan kami pupunta. Pagkatapos kong maghanda, lumabas ako ng gate para hintayin si James sakay ng kanyang kotse. Hindi naman matagal ang paghihintay ko dahil kaagad siyang nakalabas ng parking lot nina Faye sa likod ng kanilang bahay. Sumakay na ako at tumahimik na lamang; habang nasa byahe, tikom lang ang aking bibig at hindi umiimik. Ayok

