Masaya ako at naging ayos na sina Bryan at Raven. Sabi ko nga ba, sila rin ang magkakatuluyan. Naging ka-close ko rin si Raven. He told me na gusto niya raw akong ipa-salvage dahil napakalandi ko raw pagdating kay Bryan at nagseselos siya all the time na nakikita niyang magkasama kaming dalawa. Ipinaliwanag ko sa kanya yung mga plano namin before and hindi naman siya nagalit. Nagpasalamat pa nga siya dahil kung hindi raw sa akin, hindi malalaman ni Raven ang tunay niyang nararamdaman sa boyfriend niya mgayon. Everything went well sa kanila. Alam na ng mga magulang nila ang kanilang relasyon. Hindi naman nagalit yung nanay ni Bryan susuportahan daw siya kung ano ang nakapag-papasaya sa anak niya. Same with Raven's parents. Matagal na rin palang alam ng kanyang mga magulang ang totoo niyang kasarian dahil halata na raw ito noong bata siya. Hindi lang nila ito pinansin at hindi ginawang big deal. I am very happy for them. May balak na nga silang magsama sa isang apartment pero huwag muna raw dahil hindi pa nila kaya at hindi pa sila handa. Siguro sa college doon sila magsasama at tuloy tuloy na yun. Kalat na kalat na rin sa school ang kanilang relasyon. Hindi nila ito ikinakahiya at tinotolerate ito sa eskwela namin huwag lang daw masyadong PDA at kung ano ano pang kalandian ang gawin. Wala naman daw silang pake kung anong iisipin ng ibang tao basta ang mahalaga ay nagmamahalan silang dalawa na hindi inaapakan at nakakasakit ng ibang tao. Iyon naman talaga ang mahalaga; ang ipagpatuloy ang buhay mahirap man o masaya dahil blessing ito na nabubuhay ka pa. They are the true epitome of a perfect couple. They love each other, they do not lie with each other, loyal sa bawat isa, maalaga, and may pangarap silang gusto nilang makamit. Daig pa nila ang mga mag-asawa. Ako? Kailan naman yung akin? Nasa traffic pa ba siya? Anong petsa na? Bakit di pa siya nagpapakilala sa akin?
Isa akong perpektong halimbawa ng ambisyosa! Kaysa naman sa walang ambisyon sa buhay diba? Nakatanggap din ng goodnews ang bestfriend kong si Liza. Nakapag-abroad ang mga magulang niya kung kaya't hindi na niya kailangan pang mag trabaho sa susunod na school year. Sarap buhay na lan kami niyan. Charot! Nalungkot nga siya noong marinig niya yung balita dahil hindi raw niya makakasama ang parents niya. Nalungkot din naman ako dahil kahit papaano, naging close ko yung pamilya niya. Isama mo pa yung kuya niyang napaka-hot pero maybasasa na at anak. Mabait naman yung kuya niya sa akin. Hindi ko alam ang magiging kahihinatnan ng buhay ko ngayon dahil sa dami ng ginagawa namin sa klase. Magpapasko na kasi at malapit na ang aming Christmas vacation kaya marami na silang pinapagawa para raw wala na kaming gagawin masyado sa mga nalalabi naming araw sa Grade 11. Ang bilis bilis ng panahon. Parang kahapon lang strangers pa kami ni Liza pero ngayon ay close na kami at naging mag-bestfriend pa. Sinong mag-aakala na babasterin ko ang isang napaka-gwapo, napakasipag na nilalang na si Bryan? At sinong mag-aakala na may naging kaibigan akong nagka girlfriend lang ay iniwan na akonsa ere? Marami na ring mga nangyari sa Grade 11 life ko. Ano kaya ang mangyayari sa Grade 12 at College? Doon ko na ba makikilala si Mr. Right na siyang magliligtas sa nasasaktan kong puso? Siya na ba ang straw sa berry ko? Siya na ba ang magmamahal sa akin forever? Who knows diba? Si Author ang may hawak ng aking kapalaran. Sana naman ay maging masaya sa ending ng story na ito. Sana hindi ako mamatay na virgin at sana makilala ko ang taong bibiyak sa akin. Charot!
Nasa kwarto lamang ako ngayon. Nakahiga at maraming iniisip na mga bagay bagay na nangyari, nangyayari, at gusto kong mangyari. Nakakatamad mag-aral dahil wala akong motivation na nakukuha. Hindi ko alam sa kaloob looban ko pero gusto ko na dapat may something ako. Hindi ko alam kung ano ang hinahanap ko ngayon sa buhay ko pero pakiramdam ko, kailangan na kailangan ko ito. Hindi ng lovelife pero mas higit pa roon. Ayoko na mag-aral. Gusto ko na mag-trabaho feeling ko kasi ngayon, walang direksyon ang buhay ko. Feeling ko na wala akong rason para mag-aral pa. Hindi sa pagiging tamad pero gusto kong makaramdam ng ibang damdamin. Yung sasaya ako at gaganahan ako sa buhay. Oy my gash! Ano ba itong mga pinag-iisip ko? Hindi pa na ako legal-aged pero ano itong nasa utak ko? Kapag talaga nag-iisa ako, hindi ko mapigilan yung sarili ko na mag isip ng mga bagay na imposible. Mga bagay na hindi maaari, mga bagay na mahirap makamtan. Hindi ko kawari kung anong klaseng tao ako. Normal pa ba ako o kailangan ko nang pumunta sa mental hospital? Mahirap pala talagang mabuhay na hindi mo kasama ang iyong mga magulang. Hindi mo alam kung ano ang iyong gagawing hakbang sa buhay. Gusto kong tawagan si mama. Kinuha ko ang aking telepono upang tawagan ang aking butihing ina. Kaagad niya naman itong sinagot pagkatapos ng tatlong ring.
"Hello ma?" Panimula ko.
"Anak, napatawag ka? May kailangan ka ba?" Nag-aalalang tanong niya sa kabilang linya.
"Wala, ma. Gusto ko lang pong humingi ng payo." Ang sabi ko sa kanya.
"Lovelife ba yan, nak?" Ang tanong niya sa akin.
"Naku, hindi po. Para po kasing nagsasawa na akong mag-aral. Parang gusto ko pong makaramdam ng bago sa buhay ko. Hindi ko naman po sinasabi na huminto ako, gusto ko lang po na mas makilala yung sarili ko." Ani ko kay mama.
"Anak, alam ko ang nararamdaman mo ngayon dahil napag-daanan ko na yan noong bata pa ako kagaya mo pero, ano ang ginawa ko? Nabuntis ako nang maaga dahil sa atat akong magkaroon ng bagong buhay na gusto ko noon. Ngunit, hindi ako nagsisisi na nabuntis kaagad ako; ikaw naman kasi ang resulta nun. Ang maipapayo ko lang sa'yo nak, magpakasaya ka sa buhay mo habang bata ka pa. Mag-travel ka o kumain ka sa iba't-ibang restaurants diyan. Susuportahan at bibigyan kita ng pera pang-gastos pero huwag na huwag mong kakalimutan ang pag-aaral mo. Iyan lang ang tanging maipapamana namin sa'yo ng tatay mo. Iyon ang kayaman na hinding hindi makukuha sa'yo ng iba. Kaya anak, magpakasaya ka pero huwag mong kakalimutan ang pag-aaral mo. Ramdam kong kailangan mo ng motivation, kaya ibibigay ko sa'yo yun dahil deserve mo ang mga bagay na yun. Pakatandaan mo rin na mahal na mahal la namin ng papa mo. Mahirap lang tayo pero hindi matitinag ang pagmamahalan natin. Kung may nagugustuhan ka naman, sabihin mo doon sa taong yun at hindi kita pagbabawalan na magka-boyfriend, okay? Hindi ako magagalit at hindi kita hihigpitan tulad ng nakararami kung deserve mo naman yun. I love you, anak." Ang pagkahaba-habang litanya ni nanay. Umiiyak lang ako habang pinapakinggan ang mga yun dahil nakaka-touch yung message niya sa akin.
"Ma, mahal na mahal ko rin po kayo ni papa. Thank you ma sa lahat lahat. Hindi ko po makakalimutan yung mga payo niyo." Ang sabi ko kay nanay.
"Sige anak, matulog ka na. Goodnight." Ibinaba na niya ang telepono.