Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Ang daming tumatakbo sa isipan ko. Ano gagawin ko para mawala itong stress na nananalaytay sa aking buong sistema? Ang dami daming nangyari sa weekend na ito. Una, ipinahayag ko na ang tunay kong nararamdaman kay Bryan at tinanggap niya naman yun. Pero alam mo yung kirot sa puso ko na kapag naiisip ko ang mga sinabi ko sa kanya, ang sakit sakit. Ang sakit dahil nakasakit ako ng mabuting tao at pilit kong hindi pinapahalata yun. Masarap man sa pakiramdam na sinabi ko ang katotohanan, mapait naman ang mga pangyayari sa buhay ko ngayon. Hindi siya nag-sinungaling sa akin at pilit niyang ginagawa ang mga bagay na nakakapagpangiti kahit simpleng bagay lamang ang mga iyon. Hindi maputol o never niyang nakalimutan na mag-text sa akin ng mga good morning, afternoon, evening, goodnight messages pati na ang mga corny jokes niya. Ang sabi rin niya, nagmo-move on na siya. Ibang klase ang pagmo-move on niya, tinetext ako lagi para raw makalimutan ako! Parang tanga lang no?
Ikalawa ay ang nangyari kanina sa trabaho ko. Hindi ko inaasahan na makikita ko ang minsang naging kaibigan ko at ang kanyang kasintahan. Parang kung ano ang sumakit sa kaloob-looban ko. Iniisip ko na ako dapat ang kasama niya, ako dapat ang katabi niya, ako dapat ang dahilan ng mga ngiti niya. Posible bang may pagtatangi ako kay James? Kaya ba hindi ko nagustuhan si Bryan dahil siya yung gusto ko? Ano ba itong pinag-iisip ko! Hindi dapat yan ang nasa utak ko ngayon! May jowa na yung tao! Hindi ka niya magugustuhan, bakla! Huwag kang mangarap! Model yun, ikaw ordinaryong tao ka lang! Okay, I should get rid out of it. Hindi ito makakatulong sa test namin bukas. I need to focus.
Nasa apartment na kami ngayon ni Liza at nag-aaral ako para bukas nang biglang sumagi sa isipan ko ang mga nangyari sa mga nakaraang araw. Hindi ko rin mawari ang mga ikinikilos ko at iniisip ko. Parang hindi ako. I usually study and enjoy my life pero ang daming nangyayari na hindi ko alam ang gagawin. Thank God at nalagpasan ko naman ang mga yon. I hate drama! Ayoko nang umibig pang muli. Sinasabi nila yun ang pinakamagandang pakiramdam sa mundo pero ayaw ko nang maranasan ang pakiramdam na ganoon. Sinisira nito ang aking sistema. Unti unti nitong pinapahina ang loob ko at nakakamatay!
Ano ba yan! Focus! Focus! Focus! Patuloy pa rin akong nagre-review kahit punong-puno na ang utak ko. Siguro matutulog na lang ako. May bigla namang nag-text sa akin. At hindi nga ako nagkakamali. Si Bryan yun.
Tulog ka na.
Yan lamang ang unang message niya na sinundan ng ikalawa pagkatapos ng ilang segundo.
Alam kong pagod ka na. Sleep and rest.
Ang mga sweet messages niya ay ang mga kutsilyong sumasaksak sa akin sa katotohanang sinaktan ko na siya ay pilit pa rin niyang pinapagaan ang aking kalooban. He is the best man that any girl could have at ito ako, sinaktan ko siya. Hanggang ngayon, guilty pa rin ako sa ginawa ko sa kanya. I hate it when I hurt people. Mas gusto ko na ako yung masaktan kaysa sila.
Nag-reply naman ako
Oo na. Thank you for everything, Bryan. I feel guilty and bad for hurting you. And you know what's the best thing you should do? Dump me, hurt me, ignore me.
Ayan sa palagay ko ang tamang gawin niya para sa akin. Mabilis naman siyang tumawag sa akin.
"Sweetie, that is the thing I will never do." Hindi ako nakapag-salita agad. "You are too precious to me. I am your friend and I will be there whenever you need me. Hindi kita sasaktan at hindi ako tanga para ibalik sa'yo ang mga sakit. Hindi ako ganoong tao. Isipin mo na lang na nandito ako to guide you. Don't worry, nasa stage 2 na ako ng pagmo-move on. Don't feel bad, okay? Hindi mo kasalanan na hindi mo ako gusto. Siguro ay may tao talagang nakalaan para sa akin." Nakaka-touch naman ang mga sinabi niya. Umiyak tuloy ako dahil sa mga yun.
"Bryan, thank you talaga. Babawi talaga ako sa'yo next time. Thank you for understanding, for everything. Kung may susunod na buhay lang tayo, hindi ako magaalinlangan na ikaw yung pipiliin ko na makakasama ko sa buhay. Pero sa ngayon, I need to find my self again." Umiiyak pa rin ako nang sinabi ko ang mga litanyang yan.
"May gusto ka bang iba?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Oo, crush ko si James pero dati yun. Wala namang iba.
"Wala." Ang sagot ko sa kanya.
"Ikaw, wala? Imposible!" Natatawang tugon niya sa kabilang linya.
"Wala nga. Baka talaga hindi kita type. Oops, sorry." Sabay halakhak ko.
"Whatever, sweetie. Magpahinga ka na lang, okay? Review lang ako para sa future natin este future ko." Naku Bryan! Huwag kang magkakamaling sabihin ang mga yan!
"Okay. Goodnight." At ibinaba ko na yung cellphone ko. Mga momshie, pagod na pagod na ang katawan at utak ko. Gusto ko ma talagang matulog at magpahinga. Osiya, goodnight!
Kinabukasan, maaga na naman kaming nagising ni Liza para maghanda. Halfday lang kami dahil nga test namin ngayon. Isang linggo akong mag-aaral, mangongopya, dudugo ang ilong sa essay at kung ano-ano pa! Ready na akong sagutin ang mga katanungan sa test paper ni maam at sir! Ready na akong mag-test at ipasa ang lahat ng mga subjects ko. Para naman to sa future ko. Mabilis niyang tinapos ang pag-inom ng kanyang kape dahil sinundo siya ni Calum at may pupuntahan pa raw silang dalawa. Binilisan ko na rin ang aking pagkilos para hindi mahuli sa test namin ngayon. Naligo na ako at nagbihis sa pinakamabilis na oras para maabutan ko yung libreng byahe papuntang school. Sayang din ang pamasahe mga momshie kaya tipid tipid muna ako.
Swerte naman ako at nahabol ko yung sasakyan na libre. May nakita pa akon bakante doon sa likod kaya doon na rin ako umupo. Sa kalagitnaan ng byahe, nagbigay sila ng mga freebies gaya ng payong na de-pindot, ballpen, at wow! May pa-kape sila. Adik na adik ako sa kape kaya kaagad akong kumuha ng dalawang baso. Nerbiyusin ako at halata naman sa mga nangyari these past few days. At may pahabol pa sila, pandesal na may palamang peanut butter. Sobrang nabusog ako sa bus na ito. Sana araw araw ganito may libreng pa-breakfast. For sure, tatanggi si Liza kung aalukin ko siya dahil si Calum ang nagpapakain sa kanya! Charot! I'm very happy for them at sure akong kahit bumagsak si Calum sa exams, babawi siya sa Intrams at hindi na iiwan ni Liza ang manliligaw niya. First boyfriend niya yun kung magkataon dahil talagang nerd at conservative dati ang babaeng yan. Binago ko siya para naman maging mas presentable siya sa lahat ng tao at hindi ako nabigo, naging mas maganda pa siya lalo at natuto nang mag-ayos sa sarili. Wag lang talaga siyang magbago ng ugaling bruha at pepektusin ko talaga siya! Chena! Sana sila na talaga yung magpapatunay na may forever. Kahit mamatay sila physically, hindi naman mawawala yung pagmamahalan nila kahit pa nasa kabilang buhay na sila. Ako kaya? Makikilala ko na kaya si Mr. Right? Pogi ba siya o maganda? Tumigil na yung bus sa harapan ng school namin. This is it.