Chapter 7

1180 Words
Lunch time na at maaga rin kaming dinismiss ng teacher namin. Napagkasunduan namin na mag-lunch kasama si Calum at Bryan. Sila pala ay classmates sa ibang section. Tulad ng ipinangako ni Bryan sa akin, nilibre niya ako ng lunch meal. Menudo at dalawang order lang ng rice ang pinili ko. Baka malaman pa niya kung gaano ako noon inaabuso ang kabaitan ni James. Kapag nililibre niya kasi ako, hindi pwedeng isa lang ang ulam ko. Gusto ko dalawa o tatlong order ng kanin. Hindi naman siya nagrereklamo dahil yun lang daw ang kabayaran sa pagtulong ko sa kanya sa mga projects niya na hindi natatapos dahil busy siya noon sa kakaligaw kay Sam. Bakit ba ako nagflashback? Kaloka naman! Naalala ko tuloy si James noong mga panahong okay pa kami. Iba na siya ngayon. Pero hindi ako galit. Nagpapa-liwanag lang.   "Sure ka bang yan lang ang gusto mo?" Medyo nagulat ako nang hawakan ako ni Bryan sa balikat. Nasosobrahan na ata ako sa kape.   "Oo naman. Nakakahiya nga kasi di naman tayo masyadong magkakilala pero nilibre mo ako." Dapat pa-humble mga momshie!   "By the way, may gagawin ka ba bukas?" Sobra akong nabigla sa tanong niya. Told you, nasobrahan ako sa coffee.   "Review kami ni Louisse." Ang sagot ko.   "Ay gabun ba? Yayayain sana kitang kumain sa labas." Lumungkot yung mukha niya. So, ako pa talaga yung masama?   "Next time na lang at saka nilibre mo naman ako ngayon. By the way, salamat." Para naman gumaan ang loob niya.   "Aasahan ko yan, sweetie." Wow! Sweetie talaga?   Pagkatapos naming mag-usap, bumalik na kami doon sa pwesto namin at kumain na. Ang sweet sweet din naman ng nasa harapan namin ni Bryan! Ang harot! Diba wala pang ligawan kasi hindi pa tapos ang exams? Mga kabataan talaga!   Tagimik kaming kumain ni Bryan. Alam mo yung feeling na napakasama mo kasi tumanggi ka sa offer ng isang mabuting kaibigan? Hindi naman sa ayaw ko pero review ko kasi bukas. Babawi na lang siguro ako sa susunod.   "Attention to all the students." Ang sabi ng announcer na babae. May para kasing mga speakers sa canteen yung katulad sa mga airports ganon! Basta intindihin niyo na lang. "All the classes in the afternoon are cancelled due to the faculty meeting for the final examinations." Wow! Buti naman.   "You may go home after your lunch break. Thank you." Salamat at maaga akong makakapag pahinga mamaya. Hell week na naman niyan next week!   "Sweetie, hatid na kita." Bulong sa akin ni Bryan. Ano raw? Ihahatid niya ako?!   "Nakakahiya." Bulong ko rin sa kanya.   "Don't be. Ituring mo akong bestfriend mo." Ano ba ang gusto sa akin ng lalaking to?   "Sige na nga." Ngumiti naman siya pagkatapos niyang marinig ang sagot ko.           "Besh, mauna ka na. May pupuntahan kami ni Calum. Mamaya na yung chismax." Don't worry, may maghahatid naman sa akin. Akala mo ikaw lang!   "Sige sige. See you later!" Bineso ko na lang siya at nilisan na namin ni Bryan ang school.   Habang nasa byahe, walang imikan. Tila alam na ni Bryan kung saan kami nakatira ni Liza.   "Bryan, bakit mo alam yung tinutuluyan namin ni Louisse?" Pag-uusisa ko.   "Sinabi niya sa akin kanina." Nice Liza! Malilintikan ka sa akin mamaya!   "I bet, siya rin ang nagbigay ng number ko sa'yo." For sure naman! Binubugaw ako ng bestfriend ko!   "Siya nga." Humanda ka mamaya!   "Kaya pala." Sus! Naloka ako mga momshie!   "Close kayo ni Calum?" Intrigahin ko nga tong lalakeng to.   "Pinsan ko siya." Kaya pala ganun!   "I see. Bakit mo naman kinuha number ko?" Interview tayo ngayon.   "Because I like you." Naubo naman ako sa narinig ko mula sa kanya.   "Ano?!" Tama ba narinig ko? He likes me?   "You heard it right." Naka-smirk pa siya.   "You must be kidding." Ang sabi ko.   "No. I'm serious." Totoo ba?   "Bakit naman? Bakla ka rin ba?" Ang ganda ng tanong ko. Nice!   "I don't know. I just like you a lot." Nananaginip ba ako mga besh?   "Why? What's the reason behind?" Mukha siyang papatay ng tao noong narinig niyang sinabi ko yun.   "I don't know. I just woke up thinking about you." Joke ba to? Hindi na kasi nakakatawa.   "Joke time ba tayo ngayon?" Hinawakan niya yung kaliwa kong kamay habang nagmamaneho siya.   "Hey, I'm dead serious here. Sinabi ko kina mama na nagkakagusto ako sa isang katulad mo and hindi nila ako binawalan. Masaya daw sila kung ano man ang makakapag-pasaya sa akin. And it was you." Naloloka ako sa mga rebelasyon ni Bryan! Hindi ko kinakaya mga momshie! Natahimik na lamang ako sa buong byahe.   Nang makarating na kami sa harap ng apartment na tinutuluyan namin, pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse niya at tikom pa rin ang aking bibig.   "Thank you, Lloyd for making me happy today. See you next week." Pagkatapos niyang sinabi ang mga yun, niyakap niya naman ako. Kotang-kota na ako mga besh! Isang gwapong nilalang ang nag-confess na may gusto sa akin at hindi ko alam kung anong gayuma ang naibigay ko sa kanya. Help me, please! Charot!   Pumasok na ako sa gate at umalis na rin siya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kanina lang. Bakit kumakabog ang dibdib ko?     Mag-aalas syete na nang makauwi sa Liza. Pumunta siya kaagad sa kwarto ko at nagtititili at pinaghahampas pa ako.   "Nasasaktan ako! Ano ka ba! Tumigil ka nga!" Reklamo ko.   "Sorry, besh. Hindi ko lang talaga mapigilan yung kilig." Sus ano naman?   "Bakit ba? Ano pala yung chismis mo?" Diniretso ko na para hindi na siya manakit.   "Ano kasi, diba kagabi pumunta kami sa bahay nina Calum? Masaya kaming winelcome ng mga parents niya at parang buong angkan nila yung naroon kagabi." For real? Ano to? Advance reunion?   "Birthday kasi ng papa ni Calum at masaya ang lahat nang ipinakilala niya ako bilang 'my girl' niya! Diba? Nakakakilig!" Kaya pala may spaghetti sa ref kanina.   "Wala akong pake." Ang sagot ko sa kanya.   "Bakit naman? Ang sama mo!" Pabebe niyang sabi with matching pout pa. Wow! Isip bata talaga tong babaeng to!   "How dare you na ipamigay ang number ko sa pinsan ni Calum? Hindi lang yun, binugaw mo pa akong gaga ka!" Galit na galit na tanong ko sa kanya.   "Huwag ka nga magalit! At saka dapat nga ay nagpapasalamat ka sa akin dahil may jowa ka na." Kapal naman ng babaeng to!   "Hindi ko siya jowa!" Pagtatanggol ko sa sarili.   "Defensive? Thesis natin? Basta ewan sa inyo! Crush ka pa raw ni Bryan magmula pa noong first day ng klase! Wala siyang lakas ng loob para sabihin sa'yo iyon dahil daw nahihiya siya at baka raw i-bully siya dahil nagkagusto siya sa bakla." Seriously? First day of school?   "Nagpapasalamat nga siya dahil nakilala ko si Calum na pinsan naman niya. Tsaka girl, wag ka na choosy! Ang pogi kaya ni Bryan, mayaman, sporty, matalino, at higit sa lahat, hindi ka niya lolokohin!" Hala! Habol ko ba yung yaman niya? Nakakabigla naman kasi yung revelation niya kanina. Bigla namang nag-vibrate ang phone ko at nang binuksan ko ito, may nag-message sa akin galing sa isang unknown number.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD