Mahirap lang ang pamilya ni Liezet pero pinilit niyang makapag-aral kahit sa isang pampublikong paaralan. Naglalakad lang siya papasok at palabas ng eskwelahan. Simple lang ang kanyang pamumuhay. Kasama ang kanyang mga magulang. Pero ng magkolehiyo na si Liezet, tinamaan ng matinding karamdaman ang kanyang ama. "Ganoon po ba talaga ang tunay na pagmamahal? Inay? Itay? Naaabot ba talaga ang pangako na till death do us part? Talaga pong iniwan ninyo ako ng mag-isa?" Iyak ng dalagang si Liezet sa harap ng libingan ng mga magulang. Hindi pa kasi natatapos ang isang linggong paghahatid ni Liezet sa huling hantungan sa kanyang ama. Noong panahon ding iyon ay sumunod ang kanyang ina. Hindi na siya nakapag-aral ng kolehiyo at pinili na lang niyang magtrabaho para buhayin ang sarili. Samantala,

