Madalas tumanggi si Samantha sa pagyaya ng kanyang kaibigan na si Lerraine.
Halos umiikot lang ang buhay niya sa paaralan at buhay. Wala din siyang ibang kaibigan maliban kay Lerraine. Pag araw naman ng Linggo ay nagsisimba siya pagkatapos ng diretsong uwi na din siya.
"Sam, kukunin ko na si Marie," bungad ng kapatid niya na kararating lang.
"May pasalubong ako sayong siopao at soft drink," dagdag pa nito.
"Naku ate binili mo na lang sana yan ng pagkain ng mga anak mo," tugon naman niya sa kapatid.
"Hayaan mo na, minsan lang naman saka napagod ka din sa pagbabantay ng pamangkin mo."
"Meron namang binili si kuya mo para sa mga bata," paliwanag ng ate niya.
"Salamat dito, Ate," nakangiting sagot niya sa nakakatandang kapatid.
"Walang anuman, hayaan basta meron akong sobra libre kita," nakangiting sabi ng ate niya.
"O pano yan, uwi na kami pakisabi na lang kay nanay at tatay na umuwi na kami," dagdag pa nito.
"Sige na 'te baka naghihintay na sa inyo si Kuya," sagot niya naman .
…………..
Pagpasok niya ng paaralan ay abot tenga ang ngiti ni Lerraine kay Samantha.
"Oy ang saya saya mo mama, anong meron mukhang nakadami ka ng papables ng week - end ah!" biro niya sa kaibigan
"Hmm… ikaw lang naman ang KJ," sagot nito sa kanya.
"Ha, KJ na kung KJ ang mahalaga ikaw masaya," tugon naman niya
"Alam mo Sam, payong kaibigan lang ha, mag enjoy ka rin paminsan minsan kasi bawat oras na nagdaan ay hindi na natin pwedeng ibalik."
"Kailangang maranasan mo din once in a lifetime ang naging careless ka pero naging masaya ka naman." mahabang litaniya ni Lerraine kay Samantha.
"Oo na po, sasama na ko sa susunod na lakad, magpapaalam ako sa parents ko." nakangiting sagot ni Samantha.
"Gusto mo ipag paalam kita lina Tito at Tita?"
"I'm sure papayag naman ang mga yon kasi hindi ka na bata," giit pa nito kay Samantha.
"Ako na lang, sasabihan na lang kita kapag kailangan ko ng back up," sabi niya naman.
"So sa week end sama ka na, wala ng alibi, road trip tayo," pangungumbinsi ni Lerraine.
"Ha, marami bang kasama?" Parang nagdadalawang isip na sagot niya.
"Hindi, ilang kakilala ko lang naman tsaka pinsan, yung may wheels lng kasi hitch lang tayo sa kanila." tugon naman ni Lerraine.
"Ay, nakakahiya naman, baka ayaw nila ng outsider, " nangingimi na tugon niya.
"Ano bang outsider pinagsasabi mo jan. Matagal ka na nga nila gustong makita," pag cheer - up nito kay Samantha.
"Bakit naman, di naman nila amo kilala?" muling tanong niya.
"Hay naku hindi ka rin makulit, madalas kasi kitang maikwe to kaya naiintriga sila sayo," salaysay ni Lerraine.
"Ba't ba kasi binuburo mo yang gand mo?" biro nito sa kanya.
"Sige, sasama na ako basta wag mo 'kong iiwan ha, sabunutan kita pag iniwan mo 'ko na walang kausap." parang batang maktol nito.
"Hahahaha at palagay mo ba pasabunot ako sayo? Eh, bagong rebond ang hair ko!" tumatawang sagot nito kay Samantha.
"Basta ha week end, wala ng atrasan yan, sasama ka sa ayaw at gusto mo," sabi ni Lerraine.
"Susunduin kita sa bahay niyo, Sabado, 9 am para may oras kang magpa beauty at para naman panatag ang loob nina Tita sa unang lamyerda mo."
"My goodness naman kasi, 22 ka na ni minsan hindi ka man lang nakipag socialize, akong natatakot para sayo," mahabang litaniya nito sa kaibigan.
"Oo na nga, tama na nga sermon at nagmumukha ka ng pari," biro naman ni Samantha.
"My God anong pari pinagsasabi, madre pwede pa," sabay hagalpak ng tawa.
"Sos, nangarap maging madre, pautol mo munang sayo ng tanggapin ka kumbento ng mga madre," tawang tawa namang sagot ni Samantha.
Pumayag naman ang mga magulang ni Samantha ng magpaalam ito dahil sa tagal ng panahon ngayon lang ito sasama sa mga kaibigan para gumimik. Hindi na rin naman kasi siya menor de edad at ilang buwan na lang ay magtatapos na rin ito sa kolehiyo. Isa pa may tiwala sila kay Samantha at sa kaibigan nitong si Lerraine.
"Magandang umaga po Tita, susunduin ko po si Samantha para naman makapag relax siya bago ang final exams namin." nakangiting wika ni Lerraine sa ina ni Samantha.
"Mabuti naman at niyaya mo si Samantha, aba'y laging nakakulong dito sa bahay, kahit man lang mamasyal sa mall ay ayaw!" tugon naman nito sa kaibigan ni Samantha.
"Kaya nga po, kailangan pa nga po ng katakot - takot na pangungumbinsi bago pumayag," nakangiting tugon nito.
"O, ayan na pala, ingat kayo sa lakad niyo," bilin ng ina ni Samantha.
"Opo, Nay," maikling tugon ni Samantha na parang hindi mapalagay.
"Opo Tita, ako na po ang bahala kay Sam, ihahatid ko din po siya pag - uwi bukas ng hapon. Overnight po kasi kami." magalang na sagot naman ni Lerraine.
Lumabas na ang dalawa at sumakay sa naghihintay na sasakyan.
"Sam, dito sa sasakyan ni Vincent kasama natin dito isa ko pang kaibigan s Meredith, atat na atat na yon na makilala ka," hila nito kay Samantha. Sabay bukas ng pinto ng BMW.
"Mga ka- friendship ito na ang bestfriend ko sa school. Tadaaan… Samantha, the beautiful," pakilala nito sa nasa loob ng kotse.
"Wow ganda mo pala gurl ba't di ka lumalabas ng lungga?" bating biro ni Meredith kay Samantha.
"Sam, ito nga pala ang madaldal at malandi kong friendship, si Meredith at yung gwapong driver natin, si Vincent," pagpapakilala ni Lerraine.
"Hi, nice meeting you," matipid na bati ni Vincent.
"Nice meeting din sa inyo." sagot ni Samantha na para bang biglang sumikdo ang dibdib ng tinitigan siya ni Vincent.
"Hoy, baka malusaw!" biro ni Lerraine kay Vincent.
Para naman itong natauhan na binawi ang pagkatitig kay Samantha.
"Saan mo ba gustong maupo Sam, yong komportable ka?" tanong sa kanya ni Meredith.
"Ay naku dito na kaming dalawa sa likod ikaw na sa unahan Meredith, baka biglang tumalon si Samantha sa nerbyos pag dyan pinaupo sa unahan," sabi ni Lerraine sabay tawa ng malakas.
"Oo dito na lang ako sa katabi ni Lerraine," sagot naman ni Samantha na hindi mapalagay.