That weekend was one of the best days of my life dahil sa mga moments but I dont know kung ganon din si Third dahil nung hinatid namin sila pa Airport grabe busangot ng mukha nun, parang batang inagawan ng candy akala ko nga di man lang magpapaalam pero nung boarding grabeng higpit ng yakap sakin.
"Baby Im gonna miss you."
"Mamimiss din kita, wag papabayaan ang sarili ha." bilin ko sa kanya naiiyak ako dahil first time kong pumasok sa isang relasyon tapos LDR pa.
"F*ck, LDR sucks Baby, Im gonna call you every now and then"
"Hmm, ok basta kumain ka ng maayos"
sabay tango
Nang kumalas sya sa amig yakapn ay nakayuko lang ako dahil feeling ko pag tumingin ako sa kanya maiiyak lang ako.
Pilit nya tinataas ang aking baba para mapaharap ako sa kanya.
"Baby... look at me please"
malambing nyang sabi sabay taas muli kaya wala akong nagawa kundi ang sundin sya.
"D*mn" mura nya sabay sapo ng aking mukha upang ako'y mahalikan.
Parang may sariling isip ang aking mga kamay at mabilis na nailagay sa batok nya upang mas mapalapit sakin kasabay ng aking pagpikit. Marahang halik ang binigay ni Third sakin at nang ako'y pakawalan ay pinagdikit nya ang aming mga noo.
"Baby look at me please." marahan syang sabi sakin sabay tingin saking mata
"Bibisitahin kita everytime may oras ako"
"Sorry, first ko kase to" nahihiya kong sabi sa kanya
"Same with me Baby, LDR is difficult but we should trust each other hmm?"
marahang paliwanag nya sakin at tango lang ang aking ginawa.
"At akala mo ba di nako nagtatampo?"
sabi nya sakin kaya napatangin ako sa kanya at nakita kong nakanguso na naman sya at pilit na pinapakitang nagtatampo
"Tampo ka parin? ano kase baka di pa ready sina Tatay kaya ayaw kong biglain"
"You're not proud of me aren't you?" nakangusong sabi nya sabay iwas ng tingin sakin kaya napatawa ako at hinawakan sya sa mukha para mapatingin sakin.
"Who said Im not? super proud ako nuh. I love you Love" masuyo kong sabi
"F*ck Baby you're making my heart flutter" namumula nyang sabi.
"Hahaha Mayor Clarence Zavin Fuentes III is blushing" panunuya ko sa kanya
"Stop it Baby"
Maya maya lumapit na si Marco para sabihing kelangan na nilang magcheck-in kaya niyakap nya na naman ako ng mahigpit habang binubulungan ng mga salitang magpapanatag sakin.
Katulad ng dati naming set-up nung nililigawan palang nya ako ay ganon parin kami tumatawag sa umaga at bago matulog naman sya din ang huling nakakausap ko.
Kwentuhan lang sa anong naganap sa araw namin. At sa araw-araw rin ay may lagi akong natatanggap na bulaklak o pagkain na galing sa kanya, nagugulat nalang ako na may delivery sa pharmacy saying na may nagpapabigay sakin nung una nagtaka pa ako kung sino ngunit nung tinanong nya kung nagustuhan ko ba dun na ko nalaman an sya ang salarin. Kahit malayo kaming dalawa sa isa't-isa ay mas lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya. Effort kung effort ang lolo nyo.
Since this is my first time entering in a relationship di ko alam if maeexcite ba ako during monthsary or what. Ngayong araw ay ang aming first monthsary di ko alam if nagcecelebrate si Third nun or what.
Nakakapagtaka lang na hindi man lang sya tumawag kaninang morning. I tried calling him pero di sumasagot pati na din sa text ay wala kinakabahan ako na baka may problema pero wala naman akong matawag sa kanila di ko kase nahingi ang number ni Marco.
Ngayon sa Pharmacy ay tulala lang ako dahil sa wala paring reply si Third sakin.
"Maam kanina ka pa tumitingin sa phone mo, may problema ba?" tanong ng assistant ko
"Ah wala, may inaantay lang ako." sagot ko ng may ngiti sa labi, nagkibit balikat lang sya at bumalik na sa trabaho.
Patapos na ang aking shift sa Pharmacy nang napagdesisyunan kong mag-absent sa part time ko buti nalang mabait ang boss ko kaya di ako napagalitan nung sinabi kong masama ang pakiramdam ko. Wala ako sa mood the whole day dahil nga sa walang tawag mula kay Third, nakakapanibago lang na wala man lang syang paramdam sana naman kung busy sya kahit isang text lang ok na sakin basta malaman ko lang na ok sya di yung ganito.
To Third^??
Love ok kalang? I'm worried kahit . lang malaman ko lang na ok ka.
GC ng mga Marites
Me: Mga mariiiii ok lang kaya si Third?
Angel: oh anyare???
Me: Walang paramdam. Nag-aalala na ako
Angel: Baka busy lang, alam mo naman na Mayor yung jowa mo
Carnalyn: Oo nga!! ikaw amor ang clingy mo
Me: ngayon lang man nangyari eto ah, kahit busy sya he always find time para makatawag or text sakin pero ngayon wala
Angel: Baka busy nga, wag ka clingy ayaw yan ng mga boys.
Me: nakakasama na kayo ng loob, di naman ako clingy ah nag-aalala lang ako. Grabe kayo makapagsabi ng clingy
Zane: Angel Carnalyn stop saying that.
Angel: Joke lang naman Amorpowers ?? punta nalang kami sa part time mo.
Me: Wag na, uuwi na ako wala ako sa mood pumasok.
Carnalyn: ANO??? bat ka uuwi? pasok ka na or antayin mo nalang kami sa pharmacy gala nalang tayo, monthsary nyo diba? sasamahan ka namin mag celebrate
Zane: Yeah, let's go somewhere Cla, let's light up your mood.
Me: Sige antayin ko nalang kayo dito . Ingat kayo
Carnalyn: Okkkkkk smile Amorssss???
Me: Salamat
Pagsapit ng out ko ay nakita ko na ang mga marites sa labas ng pharmacy kaya nagpaalam na ako sa mga pharmacy assistants ko.
"Amor powers we miss you??"
sabay na sabi nina Carnalyn at Angel at dinamba ako ng yakap.
"Smile kana, busy lang yun"
pampalubag loob pa nila and i just force a smile.
"Tara na? San ba tayo?
"Somewhere na mangingiti ka"
may ngiting sabi ni Zane
"Basta di ako gagastos ha, tipid ako "
biro ko pa na inismiran lang nila.
"Oh tara na si Zaneeyy na daw bahala" ani Angel sabay akap kay Zane
Habang nagdadrive si Zane papunta sa kung saan eh kinukulit ako nila Angel na kesyo umaasa daw akong may pasurprise sakin si Third.
"Wala kaya, ang akin lang bakit di man lang sya nagpaparamdam, Im just worried you know." paliwanag ko sa kanila at sabay-sabay naman silang ng 'ahw'
Biglang tinugtog ni Zane ang paboritong kanta ng barkada para maging light ang mood kaya kahit feeling down ay sinabayan ko sila sa pagkanta
If you ever find yourself stuck in the middle of the sea
I'll sail the world to find you
If you ever find yourself lost in the dark and you can't see
I'll be the light to guide you
We'll find out what we're made of
When we are called to help our friends in need
You can count on me like one, two, three
I'll be there
And I know when I need it, I can count on you like four, three, two
And you'll be there
'Cause that's what friends are supposed to do, oh, yeah
Ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh, ooh, yeah, yeah
kanta namin bigay todo naman si Angel kahit wala sa tono kaya natawa kami saglit kong nakalimutan ang maliit kong problema. Isa sila sa aking pahinga alam talaga nila kung pano pagaanin ang loob ng bawat isa, that's why Im really glad that they are with me, kahit magkaiba ang estado namin sa buhay. Matapos ang kanta ay sakto rin na pagdating namin sa aming paboritong kainan pero pansin kong sarado eto kaya nagtataka akong tumingin kela Zane na nauuna ng maglakad sakin papasok sa resto
"Teka mga marites, sarado oh bat tayo papasok?" naguguluhang tanong ko
Tiningnan lang nila ako na parang sinasabi na "So what?" nang malapit na kami sa pintuan ay may dumating na isa pang sasakyan kaya napalingon kami at nakita namin ang nakascrubsuit na Ken na nagmamadaling bumaba mula rito.
"Babe wait!!!!! antayin nyo naman ako mga marites" sigaw nya kaya huminto kami at sabay sabay syang pinagtaasan ng kilay.
"Tapos na shift mo? " tanong ko sa kanya
nagmamadali naman etong lumapit sakin sabay akbay at gulo ng buhok ko kaya sinamaan ko tingin pero ang baliw ngumiti lang sabay pacute.
"Opo Babe, tapos na kaya nagmamadali ako pumunta dito kase sabi nila Angel malungkor ka daw dahil di naalala ng boyfriend mo yung monthsary nyo, Sad naman."
"Di nga ako malungkot dahil dun" ulit ko
"Oh sige kunwari naniniwala ako, halika na gutom na ako" hila nya sakin papasok.
Saktong pagbukas ng ay biglang bumukas ang ilaw ng resto at nakita ko sa gitna si Third na may dalang sunflower at nakangiting nakatingin sakin pero biglang nawala ng makitang nakaakbay sakin si Ken. Mabilis ko naman etong tinanggal at nagmamadaling tumakbo patingo sa kanya.
" Third, youre here!! " sabi ko sabay yakap sa kanya
"Happy monthsary Baby, Im sorry if I made you worried. I just want our first monthsary will be memorable" bulong nya sakin habang mahigpit akong niyayakap
"Akala ko ano ng nangyari sayo di mo man lang ako tinext." maktol ko sa kanya pilit akong lumalayo sa kanya pero mahigpit nya akong niyakap.
"Hahhaha Im sorry Baby, but did you like it?"
Lumayo ako sa kanya at inilibot ko ang paningin ko sa lugar at nakita ko na ang ganda ng paligid, may mga balloons na nakadikit sa taas and its a candle light dinner. Nilingon ko ang aking mga kaibigan at nakita ko ang mga masasaya nilang mukha at ng bumaling naman ako kay Third ay inabot naman nya ang sunflowers na hawak kanina kaya masaya ko itong tinanggap.
"Love super ganda at super saya ko. Thank you so much for doing this" pasasalamat ko sa kanya.
Iginiya nya ako patungo sa nag-iisang mesa sa loob at pagkatapos nun ay lumabas sina Angel at Ken dala-dala ang mga pagkaing hinanda.
"Here's your food Sir and Maam" ani ni Angel sabay kindat sakin kaya napatawa ako.
"Sabi ko naman sayo Babes eh pasasayahin kita" sabi ni Ken habang nagbubuhos ng wine sa mga baso namin.
"Ows??? ikaw ba? hahaha" alaska ko sa kanya
"Babes naman!! oh tumatawa ka na nga"
hirit pa nya kaya napatawa ako hanggang sa may isang tikhim kaming narinig at paglingon ko kay Third ay masama ang tingin neto kay Ken kaya napahinto ako at pumormal dahil dakilang baliw si Ken eh di nya gets kaya ayun binatukan siya ni Angel.
"Aray ko naman Gel, bat kaba namamatok? maktol neto
"Ang daldal mo kase kennyloves di sila makakain, tingnan mo si Mayor"
sabay tingin kay Third na di na mapinta ang mukhang nakatingin kay Ken.
"Ay Mayor gutom kana? sensya na ha pinapasayaaaaa ARAY ko Gel bat ka nanghihila" di na nya natapos ang sasabihin dahil hinila na ni Angel ang temga paalis.
Pagkaalis ng dalawa ay binalingan ko si Third na nakakunot ang noo habang nakaiwas tingin sakin kaya inabot ko ang kamay nyang nasa mesa.
"Love, tingin ka sakin dali" lambing ko sa kanya pero matigas ang ulo
"Uyyyy titingin na yan dahil mahal ako at mahal ko din sya" pangungulit ko pa nakita ko ang pilit nyang tinatagong ngiti kaya pinagbuti ko pa ang pangungulit sa kanya.
"Love you Third, may gift ako sayo " huling hirit ko at mabilis naman syang humarap sakin at parang batang nagtanong.
"What is it Baby???" masayang sabi nya pero agad din nawala ng may maalala.
"selos ako☹" ani nya sabay pout natawa ako dahil ginawa nya kaya dumukwang ako para patakan sya ng halik. Namula naman ang mukha nya at umiwas ng tingin.
"Iiihh kinikilig ang mahal ko" pangungulit ko sa kanya.
Matapos namin kumain ay nagplay nh isang slow dance song kaya tumayo si Third at inilahad ang kamay sa akin.
"May I have this dance with the beautiful lady? "
Tinanggap ko ang kamay nya at pumunta kami sa may gitna upang sumayaw inilagay ko sa balikat nya ang aking mga kamay at hinapit nya naman ako palapit sa kanya.
"Third thank you so much for doing this, I was not expecting it talaga all I want is you know a simple greetings from you then eto binigay mo"
"You dont have to thank me Baby its my pleasure to make you happy."
sabi nya at mas nilapit ako sa kanya.
"I love you Third" madamdamin kong sabi.
I felt him froze at pagkatapos ay isiniksik ang mukha sa aking leeg.
"Im shy Baby. Damn my heart is beating so fast" bulong nya kaya natawa ako.
Matapos ang bonggang surprise ni Third ay umuwi na kami, sumama ang aking mga kaibigan pauwi dahil miss na daw nila ang pamilya ko, sa daan ay pjnipilit ako ni Third na ipakilala kay tatay kay wala na akong nagawa kundi pagbigyan tutal pinasaya nya naman ako.
Nauna na sila Zane sa bahay kung kaya pagdating namin ni Third ay nasa sala sila nagtatawanan at sino pa nga ba ang bida eh ang Kentot na kung makapagkwento akala mo wala ng bukas.
"Andito na po kami, Tay" bati ko nakita ko namang tumayo si tatay at tiningnan si Third na nasa likod ko.
"Sino yang kasama mo Clarita Amor?" striktong sabi ni tatay kaya mejo kinabahan ako.
"Ahhh a-ano T-tay-" di ko na natapos ang sinasabi ko dahil naglahad na ng kamay si Third kay Tatay.
"Im Clarence Zavin Fuentes III Sir, Clarita's boyfriend nice to meet you po"
pakilala nya kay Tatay si Tatay naman ay tinaasan muna ng kilay si Third bago inabot ang kamay upang makipagshakehands.
"Ah ikaw yung Mayor na kinakikiligan ng Clarita ko" sabi ni tatay at nakita ko ang mapanuksong tingin ni Third sakin.
"Tay!! ano ba yan nakakahiya" tinawanan lang nila ako.
10pm ng magpaalaam ang mga kaibigan ko at sumunod naman sila Third kaya hinatid ko muna sya palabas and I make sure na dala ko ang simpleng gift na pinacustomized ko para sa kanya. Isang couple silver bracelet pinagawa ko, nakalagay dun ang pangalan ni ko at pangalan ni Third "Third×Amor 9-20-22"
yan ang pinaengraved ko sa bracelet na sana'y magustuhan ni Third.
"Third sana magustuhan mo" abot ko sa kanya nang nahihiya.
"For me? Wow Thank you Baby" akmang bubuksan nya ng pigilan ko sya.
"Ahhh mamaya mo na buksan nahihiya ako" ani ko kaya tumango sya at hinila ako payakap sa kanya.
"Wala kang dapat na ikahiya Baby, lahat ng ibibigay mo magugustuhan ko ok"
sabi nya sabay haplos ng mukha ko kaya napapikit ako upang damhin eto maya maya ay naramdaman ko ang malambot na labi ni Third na dumampi sa labi ko, marahan nya akong hinalikan,maingat nyang kinagat ang ibabang labi ko kaya napadaing ako at kinuha nya iyong tsansa para makapasok sa loob ng bibig ko, nagwala ang mga paru-paro sa tyan ko dahil sa ginagawa ni Third.
Humiwalay lang sya ng pareho kaming kapusin ng hininga at mabilis nyang isinandal ang noo nya sa akin.
" I love you Baby"
"Mahal din kita Third"
Masaya ako nung gabing iyon, akala ko nakalimutan na nya ang monthsary namin and worst akala ko something happen to him kaya di nakapagreply yun pala may pakulo. Akala ko dun na natatapos ang pagpapakilig nya sakin pero nung buksan ko ang insta ko ay bumungad sakin ang Ig post ni Third ng regalo ko sa kanya na mag caption na "Gracias. Mi Amore"
Kinilig naman ang lola nyo lalo na ng magcomment ang mga baliw kong kaibigan sa post na yun.