Nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang sinabi ni Nikko. Kailan nga ba? Kailan ko ibabalik `yong dating ako? May pag-asa pa, alam ko. May pag-asa pa na bumalik ako sa dati. Alam kong kaya ko, pero bakit parang ayaw ko? Bakit parang may pumipigil sa `kin na gawin `yon? Ah oo nga pala, dahil kay Mike at Faith. Hindi ko magawang sumaya dahil mahal ko ang taong may mahal na iba. Paano nga naman ba ako magiging masaya kung wala naman sa `kin ang taong mahal ko, `di ba? Tumingin ako kay Nikko nang may luhaang mata at tinanggal lahat ng emosyon na pwede niyang makita bago magsalita. "Hayaan mo muna akong mapag-isa, Nikko, kahit ilang araw lang. Kahit ilang linggo lang, hayaan mo muna akong mapag-isa. Layuan mo muna ako." Pero nabigo ako. Sa huli, pumiyok din ang boses ko dahil sa pagtulo ng luha ko.

