Chapter 3
Kinabukasan, pagkagising ko...
"Aaahhhh!!!" sigaw ko nang makita ko si Mike sa loob ng kwarto ko.
"Aray! Ang sakit sa tenga ha!"
"Anong ginagawa mo dito?! Madaling-araw pa lang, ah?!" sigaw ko sa kanya.
"OA. Madaling Araw ka d'yan! Alas-siyete pa lang ng gabi! Hanggang pagkagising mo ba naman, nananaginip ka pa rin? Psh!"
Aba. Napahiya ako don ha? Malay ko ba! Kala ko umaga na eh!
"Mike Ezekiel Fajardo!!! Lalabas ka o sisipain kita palabas ng kwarto ko?!"
Mabilis siyang kumaripas ng takbo palabas ng kwarto ko. Ni-lock ko na lang ulit yung kwarto ko at nahiga ulit. Maya-maya, narinig kong may kumatok. Pinagbuksan ko kung sinuman ang kumatok. Si Tatay pala. May dalang pagkain.
"Brad, kain na oh. Kanina ka pa tulog ha?"
"Psh." humiga na lang ulit ako.
"Brad, ano ba kasing ginawa sayo nung Kapre na 'yun at ganyan ka kagalit sa kanya?" tanong ni Tatay.
"Magnanakaw yun, brad." sabi ko. Nakaupo na ako ngayon sa higaan. Nakapatong ang baba ko sa tuhod ko at yakap-yakap ko ito.
"Ha?! Anong ninakaw?! May mananakaw ba sa gamit mo, brad? Eh puro Divisoria lang naman yan?!"
"OA mo, brad." bored na sabi ko.
"Eh ano ngang ninakaw sa 'yo?" nakangiting tanong ni Tatay.
Tinatanong pa sa 'kin, eh halata namang alam niya 'yun.
"Kunwari ka pa, brad. Kutusan kita d'yan eh. Alam mo naman kung ano. Halata sa 'yo. Wag kang plastic! Mainit sa Pilipinas; masusunog ka."
"Psh. Brad naman. Huwag ka namang ganyan. Tatay mo pa rin ako."
"Ows? Tatay kita? Mukha mo." sabi ko tapos inirapan ko si Tatay.
Nilamukos naman ni Tatay yung mukha ko .
"Patawarin mo na. Kawawa naman. Kanina ka pa nun inaantay sa baba."
"Brad! Hindi niya alam kung gaano kamahal yung ninakaw niya sa akin! Brad, mas mahal pa sa bagong PSP ko yon! Hindi ko lubos akalaing sa kanya lang mapupunta ang first kiss ko!" pagdradrama ko habang hawak hawak ko yung labi ko.
"Drama mo. Kung hindi ko lang alam, nagustuhan mo naman. Hindi mo nga raw agad siya tinulak eh. Pinagtagal mo pa raw ng konti eh." pang-aalaska ni Tatay sa akin.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Brad!!! Konti na lang, bibinggo na kayong tatlong itlog sakin! Konting-konti na lang talaga! Lumayas ka na nga lang dito, tay! Do'n ka na nga lang sa kanila!"
"Siraulo. Ikaw kaya palayasin ko sa pamamahay ko, anak?!" sabi niya, emphasizing the last three words.
Nagtino ako nang dahil do'n.
"Joke lang. Hehe. Sige na, Tatay. Labas ka muna at mainit ang ulo ko eh. Papalamig muna ako. Labas na. Baka sumabog ako dito sa sobrang init ng ulo ko eh." malambing kong sabi.
Lumabas naman si Tatay ng kwarto ko. Tiningnan ko naman yung pagkain na dala niya. At nag-init na naman ang ulo ko.
"Antonio Manlapaz!!! Anong klaseng pagkain 'to?!" sigaw ko sa loob ng kwarto ko.
Ang dalang pagkain ay isang tasang kanin, tatlong pirasong okra tsaka halubaybay at isang basong tomato juice.
Alam na alam nilang lahat na ayoko ng okra at tomato juice. Alam din niya kung gaano ako kalakas kumain tapos... isang tasang kanin lang?!!
Lumabas ako ng kwarto nang may malalaking hakbang at nakita ko ang tatlong itlog na nagtatawanan sa sala.
"Hoy, kayong tatlo!!! Bakit niyo ba ako inaasar? Kanina pa kayo namumuro sa akin eh!"
Nilapag ko sa isang tabi ang isang tray ng pagkain at saka ko piningot ang tenga ni Mike, ni Gregorio at Antonio Manlapaz.
"A-Aray!!! A-Aray!!!" sabay-sabay nilang sabi.
"Lulubay kayo o puptutulin ko lahat ng tenga niyo?!!"
"Lulubay na, aray! Tama na!" sabay-sabay na sabi nila.
"Ngayon. Sabihin niyo sa akin kung nasaan ang pagkain."
"N-Nasa ref. Aray ku pu. Ang sakit na!" sabi ni Gregorio.
"Good. Sige. D'yan na kayo at kakain lang ako." sabi ko at inalis ang pagkakapingot ko sa tenga nilang tatlo.
"Kakain. Baka lalamon?" bulong ni Mike. Nilingon ko siya.
"May sinasabi ka?"
W-Wala. Hehe. Sige. Kain ka na."
At kumain na nga ako. Ang sarap naman pala ng ulam eh. Bopis oh? Tapos ang ipapa-ulam nila sa akin, yung slippery okra? Eww. Kaderder.
---
Nung araw din na yan, pinatawad ko na si Mike. Pero pinaluhod ko muna siya sa asin ng sampung minuto at pinasabi ko sa kanya ng isang daang ulit ang mga salitang...
"Hindi flat-chested si Gab. Hindi na mauulit pa ang ginawa ko sa kanya. Sexy si Gab."
Si Tatay at Kuya naman, ayun. Mamatay-matay katatawa habang pinapanood si Mike na ginagawa 'yun.
---
Ilang linggo na ang nakakaraan simula noong araw na 'yon.
Kapag walang pasok, o tuwing weekend, lagi akong nasa bahay nila Mike. Ang bahay ni Mike ay nasa tapat lang ng bahay namin kaya naman talagang hindi na kami mapaghiwalay at para na rin kaming magkapatid sa paningin ng iba.
Parang anak na rin kasi ang turing sa akin ng mga magulang niya, lalo na ng Mama niya.
Wala kasi akong nanay. Pinatay ko. Joke. Iniwan kami. Haha. Astig, no? Kung magpakita sakin yung babaeng 'yun, hindi lang sa asin siya luluhod.
At hindi ko siya mapapatawad.
Tapos na ang lunchbreak at naglalakad na kami papunta sa classroom habang nakaakbay sa akin si Mike na parang sa mga lalaki. Sanayan lang yan. Maya-maya, may nabunggo kaming babae maputi at maikli ang buhok na may dalang mga libro.
"Naku, sorry, sorry. Sorry talaga. Sorry," sabi ng babaeng nakabunggo sa amin.
"Sa susunod kasi, titingin ka sa dinadaanan mo. Hindi yung ganyan. Tara na." sabi ko at hinila ang kanina pa tulalang si Mike dun sa babaeng nakabunggo sa amin.
Nung nasa malapit na kami sa classroom, nag-snap ako ng ilang beses. Wala pa rin. Tulala pa rin. Kaya binatukan ko na lang.
"Aray!"
"Kaninang-kanina ka pa tulala d'yan! Anyare sayo? Nakakita ka ba ng mumu?!"
"Hindi mumu ang nakita ko." lutang na sabi niya.
"Eh ano?"
Hinawakan niya ako sa balikat.
"Nakita ko na yata ang babaeng nakapag-patibok ng puso ko. Nakita ko na yata ang babaeng seseryosohin ko. Gab! Nakita ko na yata yung babaeng mamahalin ko." sabi niya nang may malaking ngiti sa labi.
Nag-iwas ako ng tingin sa kan'ya bago tinanggal ang mga kamay niya sa balikat ko.
"O-OA mo naman. M-makakapag-patibok ng puso?! Sa tingin mo ba hindi tumitibok ang puso mo ngayon? Bakit? Patay ka na ba?"
"Hindi. Seryoso. Nakita ko na yata 'yung babaeng seseryosohin ko at 'yung babaeng mamahalin ko talaga."
Nagkamot ako ng ulo at naglakad na papunta sa classroom namin.
"Nakakasawa na yung linya mong 'yan. Sa tuwing makakakita ka ng babaeng maganda, puro ganyan 'yung sinasabi mo. Pero hindi mo naman minamahal. Hindi mo naman sineseryoso."
Nang makapasok na kami sa classroom ay umupo ako sa upuan ko. Umupo siya sa tabi ko. Hindi ko siya matingnan dahil sa kabang naramdaman ko sa ibinalita niya sa akin.
"Hindi! Seryoso na 'to! Totoo na 'to! Naramdaman ko talaga! Parang tumigil 'yung pag-ikot ng mundo ko nang nakita ko siya."
"OA ha?"
"Seryoso kasi! Totoo! Promise! Hindi ako nagbibiro!" sabi niya ng nakataas pa ang kanang kamay niya. "Totoo na 'to, Gab. Promise. Hindi ko na 'to lolokohin."
Kapag ganyan na ang ikinilos at sinabi ni Mike, seryoso na siya. Hindi na siya nagbibiro. Totoo na ang sinasabi niya. Nakangiti siya nang malaki. Nakikita ko, masaya siya na makita yung kung sinuman na babaeng sinasabi niya.
Ngumiti lang ako ng maliit sa kanya.
Hindi ako masaya para sa kanya.