Pagkauwi ko sa bahay, nakita ko si Mike na nasa labas ng bahay nila at may hawak na cellphone. Para bang depress na depress. Tss. Nang nakita naman niya ako, agad siyang pumunta sa `kin. Inilagay ko kaagad ang bike ko sa garahe at pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko naman ang galit na mukha ni Tatay at Kuya. "Ano ba naman, Gabby? Saan ka na naman ba galing? Hindi ka man lang nagte-text! Hindi mo man lang sinasagot ang mga texts at tawag namin!:”sigaw sa `kin ni Kuya. "Wala, may pinuntahan lang." Dumiretso na ako sa kwarto ko. Kinuha ko lahat ng gadgets ko pati ibang gamit ko na pwedeng ibenta, inilagay ko lahat sa kahon. Nakita ko naman na nandoon sila at halatang nagtataka sa ginagawa ko. "Ano ba `yang ginagawa mo, Gab?" sabi sa `kin ni Tatay. "Magbebenta ako ng gamit." "Bakit? Kail

