"Ano na naman bang kailangan mo?" sabi ko pagkaupo ko sa harap niya. May kape na nga sa harap ko, eh. Tiningnan muna niya ako ng mabuti bago sumagot. Napainom naman ako ng kape. "Ganda natin ha? Kapatid ko ba nagturo sa`yo niyan?" Inirapan ko naman siya. "Tss. Ano ba talaga ang kailangan mo, Gerald?" naiiritang sabi ko. Uminom din naman siya ng kape at ngumiti sa akin. "Nakita kita kahapon, nakatago sa puno habang nanonood sa pakikipag-break sa`kin ni Faith. `Di lang kita pinansin kasi gusto kong marinig mo lahat ng pagtataksil sa`kin ni Faith at ng best friend mo. Hindi ko naman alam na aabot sa gano'n. Tsk." Natigilan naman ako no'n at nakaramdam ng kaba. Uminom ulit ako ng kape. "A-Anong gusto mong gawin ko?" Ngumiti ulit siya. "Simple lang. Dahil ikaw ang best friend ng Mike na 'y

