Ito na ang araw na pinaka-hihintay nilang lahat. Hindi ako kasama `don sa mga naghihintay sa pagdating ng araw na `to. Dahil kung pwede lang, matutulog na lang ako maghapon. Pero... "Gab, ready ka na?" tanong sa akin ng gwapo ko'ng bespren. Naka-suit ang lolo niyo. Ang gwapo! Ang ganda ko oh? Ang tangkad ko ngayon, may crown pa ako at naka-gown. Sobrang ganda ko ngayon, oh. Parang mamamatay na ako bukas sa sobrang kagandahan ko ngayon, eh. Dahil sobrang pag-aayos ang ginawa sa `kin para lang sa JS Prom na `to, takte. Sana pala, nagpabagsak na lang ako kay Ma'am Tanda sa English and Values Education class, eh. Tsk. "Kahit kailan hindi ako magiging ready kung ganito ang hitsura ko, Mike," walang energy na sabi ko. Nakaupo ako ngayon sa upuan sa kwarto ko sa harap ng salamin. Tumawa naman

