Chapter 28

1844 Words

Matapos naming sayawin ni Nikko ang dalawang kanta, naupo na lang kami ulit at kumain. Naabutan pa namin si Aubrey na sambakol ang mukha habang nakaupo doon at pinapanood ang mga nagsasayaw. "Problema mo?" tanong ko sa kanya. "Haaay. Wala, nakakapagod eh. Kanina pa ako sayaw ng sayaw. Ngayon na lang ulit ako nakaupo." Natawa naman ako dun. "Eh, bakit kasi sayaw ka ng sayaw? Sino ba nagsabi sa`yong sumayaw ka nang sumayaw? Tapos ngayon nagrereklamo ka," bulyaw ko sa kanya. "Eh sila kasi, aya nang aya sa `kin. Masyado ba akong maganda ngayong gabi?" medyo mataas ang boses ni Aubrey nang sinabi niya `yan. At tuluyan na nga kaming natawa ni Nikko. "Ang tapang ng hiya natin `no?" natatawa-tawa kong sabi sa kanya. Si Nikko naman, natawa na lalo. Ang cute kasi pagtripan ni Aubrey, nakakatuwa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD