Tinawagan ko ang number ni Faith pero number busy. Malamang…galit ito sa `kin, eh. Magtataka pa ba ako? 5:00pm na, nakauwi na siguro si Mike. Nandito ako sa kwarto ko. Napipikon na ako kay Faith, sa totoo lang. Nauubusan na ako ng oras, eh. Ganoon pa rin ang suot ko. Lumabas ako ng kwarto at hiniram ang cellphone ni Nanay para ibang number naman ang magamit ko. "Pahiram nga ng cellphone mo, 'Nay. Napipikon na ako sa babaeng ito, eh." Natawa naman siya. "Kanino ka napipikon?" tanong ni Mike kaya napatalon ako sa gulat kasi nasa tabi ko na pala. "Tae ka, magpa-pogi ka nga. May pupuntahan tayo," sabi ko sa kanya habang tinitingnan ko siya na parang nandidiri mula ulo hanggang paa. Mukha kasi siyang basahan. "Psh. Matagal na akong pogi." "Paksyet. Maghahanap tayo ng chicks, bilisan mo. M

