Tatlong araw na ang nakaraan simula nang mapanaginipan ko si Lola. Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pagsisisi. Ngayon ko na kasi nakikita ang mga resulta ng mga kagagahan na ginawa ko. Tumingin ako sa labas ng bahay. Mula dito sa loob ng kwarto ko, nakadungaw ako sa bintana at tinitingnan ang kwarto ni Mike. Sarado ang bintana, patay ang ilaw. Malapit na kasing mag-8:00am, siguro nakabangon na 'yon. Tiningnan ko ang gate ng bahay nila at doon ko nakita... Si Mike na nakaupo sa sahig. Nakahawak siya sa kaliwang braso niya habang medyo nakayakap ang mga ito sa binti niya. Medyo malayo ang katawan niya sa legs niya at nakatingin siya sa malayo, malalim ang iniisip. Naiimagine niyo ba? Kinuha ko 'yong saranggola na ginawa naming two years ago at lumabas ng bahay. Pumunta ako sa kanya at

